Part Thirty Six

1 2 0
                                    

Dwight's Pov

"Grabe naman pala ang love story ninyo. Hindi ako makapaniwala na kayo pa rin pala hanggang sa huli. Tsaka ang isa pa'y hindi ko lang talaga in-expect na si Dwight ang first kiss mo. May boyfriend na ang anak ko!" excited na wika ni tita.

Ang sarap sa feeling na tanggap ako ni tita as her daughter's boyfriend.

Ang special ko talaga!

"Ako rin mom, hindi pa rin talaga nag-si-sink in sa akin na kami na talaga, wala ng eme, wala ng gayumang involve," yes, this is it! Kami na ang endgame, that's the sure thing!

"Eh tama nga ang hula ko. Ang hindi ko lang maintindihan noon ay kung bakit kino-consider ka na niya as his girlfriend eh hindi naman ganoon ang effect ng gayuma sa mga napapanood kong nagagayuma sa TV. Kaya agad rin na naghinala ako na baka may pagtingin nga talaga siya sayo. And you remember that day na una mo siyang dinala rito?" Tumango naman ang honey ko samantalang ako'y nakahawak lang sa kanyang kamay at hinahalikan pa iyon kapag may pagkakataon, "He looks so familiar to me. Ang sabi ko no'n sa sarili ko'y parang pamilyar talaga ang batang ito sa akin, parang na-meet ko na siya somewhere pero hindi ko lang ma spill kung saan," pagpapatuloy ni tita sa kaniyang sinasabi. Well, mabuti na lang at hindi ako nakilala ni tita mula noon pa lang.

"Isa lang po ang dahilan kung bakit ko kino-consider ang anak ninyo as my girlfriend noong time na ginayuma niyo ako. Because I love her, she's the only girl na nagbigay ng ngiti sa mga labi ko. Kung hindi niyo nga lang po sana naisipan na gumawa ng palpak na gayuma, baka hanggang ngayo'y hindi ko pa rin na-i-e-express ang pagmamahal ko sa honey ko," malapad pa ang ngiti ko habang nagsasalita.

"Oo, palpak ang gayuma pero infairness, na-enjoy niyo 'no? Aminin," marunong na rin palang mang-asar ang mga 30's ngayon.

"Sobra po tita, 'di ba hon?" Kinindatan ko pa ang honey ko na parang kinikilig na.

"Oo na lang," sus, kinilig lang eh kaya hindi maka-spill ng maayos.

"Asus, inner you baka tuwang tuwa ka pa kasi dumating na si Prince charming mo," si tita talaga, mas malakas pa mang-asar kaysa sa akin.

I found my honey cute nang makita ko siyang kumakain sa iniuwi ni tita na milk tea tsaka burger.

"Pero salamat Dwight ah, hindi mo man lang sinabi sa amin na ikaw pala ang nag-ligtas sa anak ko noong binully siya ng fake ex girlfriend mo. Alam mo ba na hinanap kita no'n sa buong school para man lang makapag-pasalamat sa ginawa mo para sa anak ko, kaso hindi ko nahanap ang nag-ligtas sa anak ko, tapos ikaw lang pala iyon. Matagal mo na pala kaming kilala at matagal ka na rin pala naming kilala," walang anuman tita, basta para sa anak niyo.

"Wala lang po iyon tita, basta para sa honey ko, I will conquer all," napangiti naman si tita sa sagot ko.

"M-mom? Ngayon niyo lang po yata nabanggit ang bagay na iyan sa akin?" nilapag niya muna ang milk tea sa coffee table para makapag-focus sa pagtatanong kay tita.

"Anak, ayoko lang na ma-stress ka pa. Tsaka, hindi ko na sinabi sayo ang bagay na iyan kasi ayokong ibalik ang bagay na nag-cause sayo ng trauma. I am just being concerned na baka bumalik na naman ang nangyari, knowing na okay ka na ngayon," kapag nagmamahal ka talaga, ang iniisip mo lang ay ang makabubuti sa taong mahal mo. I realize that ngayon na minamahal ko ang honey ko.

"Thanks mommy," tumayo siya at niyakap ang mommy niya.

Gusto ko rin iyan na gawin kay mom kaso she's busy, well, kailan pa ba? Parati naman eh!

"Wala lang iyon anak. Mommy mo ako kaya natural lang na protektahan at mahalin kita sa lahat ng oras," ang sarap naman sa pandinig niyan. Kailan kaya sasabihin ni mom iyan sa akin? Siguro kapag namuti na ang kulay ng uwak!

Honey, My Love, So Sweet (Completed)Where stories live. Discover now