Part Thirty Nine

2 2 0
                                    

Dwight's Pov

"Whiskey? Bianca? Nakita niyo ba ang honey ko?" pagtatanong ko sa kanila habang hindi maipinta ang mukha.

"No, akala ko ba nag-meet kayo?" nag-meet? What the fvck!

"Huh? Nasa room lang ako, ano bang sinasabi niyo?" may nangyayari ng masama eh! Fvck that Jaynie!

"What? Ano ba 'yan, nawawala ang bess natin," nag-pa-panic na ani ni Whiskey.

"Sandali kasi muna, ipapaliwanag muna natin kay Dwight kung anong nangyari," pagpapatigil naman ni Bianca kay Whiskey na nagpapapadyak na sa kanyang kinatatayuan.

"Eh kanina kasi, nag-text ka raw sa kanya kaya pinuntahan ka niya, hindi na namin sinamahan kasi knowing her ayaw niyang makaabala ng iba," pagpapatuloy pa ni Bianca.

"Fvck, paano ako makakapag-text kung nawawala ang phone ko simula kanina pa?" I need to go now, hahanapin ko ang honey ko!

"Oh my ghad, sabi ko na nga ba eh, may nangyayari ng masama,"

"Eh kaysa mag-inarte ka riyan, hanapin na lang natin siya," paninigaw ni Bianca kay Whiskey.

"Oo na." Kamot ulo naman na saad ng bakla.

"Pwede bang makahingi ng favor?" sa ngayon, ayoko na munang isipin ang pride ko, kailangan naming mahanap ang honey ko sa lalong madaling panahon.

"Yeah, anything," ani Bianca.

"Pwede bang i-trace niyo ang GPS niya? Her location, tapos ako naman, pupuntahan ko si Kier para matawagan ang ibang gang member namin,"

"Oh sige, kami na bahala, alam namin kung paano i-trace ang GPS niya," good to know Whiskey.

"I need to go," paalam ko sa kanila bago ko sila talikuran.

Naabutan ko ang Kier sa office na prenteng nakaupo sa kanyang upuan.

"Oh? Nakita mo siya? OA kasi masyado eh,"

"Anong OA? Fvck you Kier, nawawala ang honey ko. May nag-text raw sa kanya at ginamit ang phone ko, baka si Jaynie iyon, kailangan na nating tumawag kila Lex," ngayon lang na naman ako nag-alala ng ganito, and because of her pa. Ayokong may mangyari sa kanya.

"Ikaw na tumawag, susundin ka naman kaagad no'n eh,"

"What the, rati ka bang tanga? Nawawala ang phone ko, paano ako makakatawag?" Nasabunutan ko ang sarili kong buhok dahil sa galit. Nagngingitngit na ako dahil sa galit.

"Sorry naman, heto na nga oh, tatawag na." Tumayo siya mula sa prenteng pagkakaupo tsaka lumabas saglit para tumawag kay Lex.

Nang makabalik na siya, kasama na niya sila Whiskey at Bianca.

"Ano? Nakuha niyo na location ng honey ko?"

"Yes, here," Iniabot sa akin ni Bianca ang phone tsaka ko tinignan iyon.

Fvck, abandoned property 'to ah, anong ginawa ng mga hayop na 'yon sa honey ko?

"I know this place, tara na, i-text mo na lang kay Lex ang location para makasunod sila," I am referring kay Kier na nakahawak ng phone.

Fvck them, may mangyari lang na masama sa honey ko, papatayin ko talaga silang lahat.

"Dahan dahan lang naman, baka maaksidente tayo,"

"Wala akong time na mag-ingat Whiskey, nasa panganib ang honey ko," mas pinabilis ko pa ang pagpapatakbo.

Bawat oras na nasasayang, bawas oras rin para mailigtas ko ang honey ko.

"We're here na, ihanda niyo ang inyong mga sarili," ako na ang naunang lumabas ng kotse.

"Ako na muna ang papasok, hintayin niyo sila Lex tapos pagkarating nila, sabay sabay kayong papasok roon para tulungan ako,"

Honey, My Love, So Sweet (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon