Part Thirty Five

1 2 0
                                    

Dwight's Pov

Kita ko ang pagbuntong hininga niya bago siya lumapit sa akin, at titigan ako mata sa mata. "One time ko ng tinanong sayo 'di ba na what if ginayuma kita magagalit ka ba? Ang sabi mo hindi ka naniniwala sa mga ganiyang bagay kasi pinaglipasan na iyan ng panahon. Pero paano kung totoo? Paano kung totoo na ginayuma kita, maniniwala ka na ba sa akin kung sakali?"

Ito na siguro ang tamang oras para magkaaminan na.

"Seryoso ako, ginayuma ka namin, gumising ka na Dwight, ang lahat ng inakala mong juice ay potions ang mga iyon, ginawa namin para matanggal sayo ang gayuma. Niloko kita kaya magalit ka sa akin, come on, sigawan mo ako or saktan mo ako because that's what I deserve sa ginawa kong panggagayuma sayo, do you remember noong ikaw lang ang walang juice? The day na nag-aayos tayo sa gym? Ang pinainom ko sayo ay gayuma at hindi strawberry juice. Ang sinasabi ni Jaynie ay totoo kaya maniwala ka sa akin at gumising ka na sa kahibangan mo,"

Hindi ko kailangan na gumising dahil gising na gising ako, mahirap ba talagang paniwalaan na mahal ko talaga siya? And hindi ko siya kayang saktan dahil ang tunay na nagmamahalan, hindi nagsasakitan.

"Honey... Aren't you remembered me?" mariin kong tanong kaya nangunot ang kanyang noo.

Ito na ang araw na sasabihin ko na sa kanya ang totoo, what is love kung puro kasinungalingan? Walang saysay ang pagmamahalan kapag nagsisinungaling kayo sa isa't isa.

"Ano bang pinagsasabi mo? Syempre naaalala kita, ikaw si Dwight na rating cold sa akin, ikaw si Dwight na pinagpantasyahan ko ng mahabang panahon kahit na hindi naman ako napapansin. And last, ikaw si Dwight na ginayuma namin... Ikaw si Dwight Cheon," hindi iyan ang nararapat na sagot sa tanong ko.

I wasn't cold in you, hindi! Napapansin kita, pero patago lamang! At hindi mo ako ginayuma dahil kusa kitang minahal mula noon pa man.

"Tsaka pwede mo ng ihinto ang pagtawag sa akin ng honey kasi tapos na ang palabas, tapos na ang lahat, alam mo na, na ginayuma lang kita, so p'wede ka ng bumalik sa Dwight na may cold na ugali," akma na siyang tatalikod mula sa akin pero hinawi ko siya para mapalapit sa akin at hinawakan ko ang dalawa niyang pisngi.

"Ang lalim ng ginawa nilang trauma sayo na ang importanteng bagay sa nakaraan ay hindi mo na maalala," at iyon ay ang nakaraan natin, na mismong ang una nating pagkakakilala ay hindi mo na matandaan.

"Hindi kita maintindihan," inalis niya ang dalawa kong kamay na nakahawak sa kanyang pisngi. Lumayo rin siya ng bahagya sa akin pero nanatili lang na nakatayo sa aking harapan.

At this point, I was ready to tell her everything what happened in the past na hindi na niya matandaan, "Hindi mo naaalala. Pero teka, ipapaalala ko sayo. There is a little boy sa mall na binully ng mga bata. Dahil sa hindi niya kayang ipagtanggol ang kanyang sarili, umiyak na lang siya sa isang tabi until may lumapit sa kanya na liitle girl na nagtanggol sa kanya mula sa mga bullies, naging friends sila for the short time. And bilang incentive na babalikan ni little boy si little girl, ibinigay ni little boy kay little girl iyong necklace niya na may naka-sulat na DC," kapag ako ang nagke-kwento, gusto kong direct to the point at ayokong magpaligoy ligoy.

"And nag-pict---" hindi na niya hinayaan na mag-salita pa ako dahil pinutol niya ang aking sasabihin.

At this point, parang hindi siya makapaniwala, pero willing ako na gawin ang lahat maniwala lang siya sa mga sinasabi ko.

"Nag-picture sila sa isang booth, hinalikan ni little boy ang pisngi ni little girl kaya sakto namang nag-click ang camera kaya ang pose nila ro'n ay in-kiss ni little boy si little girl sa kanyang pisngi," pagtutuloy niya sa kwento ko kanina. Thank God, naaalala na niya ang lahat. May mga luha rin na kumawala sa kanyang mga mata.

Honey, My Love, So Sweet (Completed)Where stories live. Discover now