Part Seven

4 4 2
                                    

Dwight's Pov

Kay ganda talagang pagmasdan nang mga picture's niya, may latest siyang post, nag-picture siya kasama ang langit na punong puno nang stars.

Kaka-inlove lang eh!

Ang hindi ko lang talaga makalimutan ay iyong mga post na tina-tag sa akin ni Real, iyon 'yong mga pictures nila ng honey ko. Damn him, kaya nga nag-a-angry reacts ako roon sa mga post niya na kasama ang honey ko eh, it was killing me because of jealousness!

Nag-scroll up ako habang nasa timeline niya pa nang aksidente kong ma-pindot ang Add friend button, hindi ko na alam ang gagawin ko. Ano kaya ang nasa isip niya ngayon? Pero kapag binawi ko naman baka isipin niya na nag-pe-play time na naman ako, and idagdag mo pa na baka magtampo na naman siya, mahirap na.

I saw her with together with her two friends, ano kaya ang iniisip niya nang mabasa niya ang announcement? Nagagalit kaya siya sa akin? Dahil kung ganoon, mas lalo ko pa siyang ilalapit sa akin, I need to do some ways para ma-protektahan siya laban sa mga kalaban ko sa gang.

I found myself smiling nang maisip na mas malapit na siya sa akin ngayon.

"Ehem!" tumikhin ako para matigil sila sa kanilang tawanan. Ang sasaya nila, pwede ba akong sumali?!

"President Cheon. Bakit po?" fvck, bakit President Cheon ang tawag niya sa akin? Rapat honey, pero relax ka lang g'wapong Dwight, tatawagin ka rin niyan one day.

"Secretary Samonte, congrats!" ngumiti lang ako habang winiwika iyan sa kaniya bago umalis at tinalikuran na sila. Isa pa'y nahiya ako sa part na nag-send ako ng friend request sa kaniya.

Pinapunta ko si Jane kila honey para tawagin siyang pumunta rito sa office, hindi ko na siya natawag kanina dahil sa nahiya ako. Of course kahit na g'wapo ako, nahihiya rin ako minsan.

Ang ganda niya talaga, nadatnan pa niya ako habang nakaupo sa aking swivel chair.

"President Cheon, narito na po ako!" ang pormal nang tawag niya sa akin, ba't ba hindi na lang honey, hindi naman ako magagalit kung sakaling tawagin niya ako nang ganoon eh.

"President Cheon? Ano po palang gagawin natin rito?" naka-poker face pa rin ako. Minsan talaga'y ang hirap nag-panggap, iyong tipo na gusto mo na lang siyang yakapin nang walang dahilan.

"Tour..." malamig na ani ko bago tumayo mula sa aking pagkakaupo. Bahagya ko rin na hinilot ang aking sintido dahil medyo sumasakit ang ulo ko, "But before that, hindi ka ba mag-co-complain? Okay lang ba sayo ang pinasok mo?" syempre, mahalaga pa rin ang opinion niya, ang gusto ko kasi'y maluwag sa kaniya ang pinasok niyang ito at bandang huli, wala siyang pagsisisihan.

"Hindi po! Tinatanggap ko po ang obligasyon na ipinapataw ninyo sa akin!" that's good, at least, parati na tayong magkakasama.

"Good!" iyan lang muna ang sinabi ko, "As you can see, ang mga table na iyan ay table nang mga SSG officers. Naroon iyong sayo sa tabi ko kasi ikaw ang secretary." pero ang disadvantage ay baka hindi na ako makapag-focus sa ginagawa ko dahil baka ikaw na lang ang tititigan ko the whole time. And the advantage naman is, parati kitang masusulyapan.

"Opo!" ang galang naman ng honey ko, but I hate it kasi ang gusto ko, maging sweet siya sa akin. Kasintamis ng sugar!

"Ito naman ang banyo natin. May sariling banyo ang girls at boys, kaya hindi mo na kailangan pang lumabas ng office para mag rest room." pero ang reason ko lang sa part na iyan ay ayaw ko na mawala ka sa paningin ko.

Hindi ko talaga mapigilan na hindi tumingin sa kaniya, mayroon pang time na nahuhuli niya akong nakatingin sa kaniya.

"May problema ka ba? Kanina ka pa kasi tahimik? Oh by the way, lahat ng ito ay isang favor lamang, no special treatment! Okay?!" for all this time, ang hirap nag-pretend, lalo na kung nasa harap mo na ang babaeng mahal mo. Para ka lang nagtatanga-tangahan sa lagay ko na 'to.

"Naiintindihan ko ang lahat!" sambit niya habang nakayuko. Well, nasaktan ko na naman siya and I hate being like this, pero ano ang magagawa ko? Kaligtasan muna niya bago ang sarili kong kaligayahan, dahil ganoon ang pagmamahal, handang magsakripisyo para sa kaniyang minamahal.

"Nevermind," ayoko na siyang nakikita na nakayuko kaya binasag ko na ang katahimikan.

"Rito naman ang kitchen natin," kung hindi lang siya ang i-tou-tour ko, hindi ako magsasayang ng oras na gawin 'to.

"Kung nagugutom ka, you can cook kung ano ang gusto mong kainin. May mga pagkain tayo riyan kaya no need to buy sa cafeteria. Part ng budget ng school ang pagkain nating mga SSG. You understand?" okay lang na pumunta sa cafeteria, ang kaso lang ayoko na mawala ka sa paningin ko. Baka mamaya may gawin sayo iyong mga salot sa relasyon nating dalawa. Hinahadlangan nila ang love story natin, alam ba nila 'yon? Mahiya naman sana sila 'no!

"Sige po!" iyan lang ang isinagot niya kaya walang emosyon akong bumalik sa upuan kong swivel chair.

"Kanina ka pa tingin ng tingin sa upuan ko, gusto mo ba nito?" I caught her staring at my chair.

So cute!

"Ah hindi po, nagagandahan lang, pareho po kasi tayo ng swivel chair. May ganiyan rin po ako sa bahay eh!" kaya naman pala eh, we're destined talaga, dahil upuan pa lang pareho na tayo.

"Oh, I see! Nga pala, bukas ko na ipapakilala ang iba pang officers, bukas na rin ang first day mo. You may go!" ma-awtoridad na sambit ko. Ayoko pa sana siyang umalis pero kailangan kasi baka makahalata na siya kung mananatili pa siya rito.

Knowing me, hindi ko pa naman mapigilan na hindi tumingin sa kaniya, I love her, and mas lalo pa akong na-i-in love sa kaniya kapag nakangiti siya.

Honey, My Love, So Sweet (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें