Chapter 23 - Night Breeze

Start from the beginning
                                        

Si Talay? Hayun, sinundo ni Ru-An. Pupuntahan daw nila ang nanay ni Talay para kumustahin.

"Langas, alam kong 'di ka pa tulog," panimula ko. Ako na ang nangahas na sumira sa katahimikan sa pagitan namin. "Ba't mo inakit ang mga babae na taga-Porras noon?" pagsaboy ko ng kuwestiyon.

Sandaling huminto sa pagsayaw ang duyan nang sambitin ko 'yon. Umayos siya at klinaro niya ang kaniyang lalamunan bago magsimulang magkuwento.

Aniya, kaya raw siya nakipagtalik sa mga babae at iniwan ang mga ito pagkatapos ay dahil isang babaeng Porrasian ang pumatay sa kaniyang nakababatang kapatid na babae na nagngangalang Labuyok. Isang Mambabarang daw ang pumaslang sa kaniyang kapatid. Hindi niya kilala pero ang alam lang niya ay babae ito at taga-Porras. Ayon pa sa kaniya, isa sa pinakamasakit na paghihiganti ay ang paglaruan ang damdamin nito.

"Pero . . . nakasisiguro ka bang isa sa mga niloko mo ang Mambabarang?" pagtapon ni Cormac ng katanungan kay Langas.

Nagkibit-balikat ang isinumpang nilalang. "Hindi ko alam. Nawala rin kasi ako sa katinuan noong mga panahong iyon," aniya. "Siguro, kagagawan din iyon ng diyosa ng pagnanasa."

"So, sa lahat ng mga girlalu, si Madani lang ang minahal mo nang totoo?" Sumali na rin si Solci sa tanungan.

Kumurba ang mga labi ni Langas. "Ganoon na nga. Nag-usap kami ni Madani sa Horia. Inamin ko sa kaniya ang totoo at humingi ako ng tawad. Mabuti na lang at pinatawad niya ako kaagad. Dagdag pa niya, hihintayin daw niya ako sa kanilang gingharian."

"Uyyy! Inlababo talaga si dodong!" Lumapit si Solci kay Langas at sinundot ang tagiliran nito nang paulit-ulit. Magkakasunod na hampas naman ang natanggap niya rito.

Daldal lang sila nang daldal pagkatapos niyon. Pero sa kalagitnaan ng pag-uusap ay sabay na humikab sina Cormac at Solci. 'Tapos, humiga sila sa tabi ko. Isinara na ni Solci ang kaniyang mga mata habang si Cormac naman ay nakatitig sa maliwanag na buwan. Pinag-usapan nila ni Langas ang tungkol kay Madani—kung pa'no raw sila nagkakilala, ano raw ang nagustuhan niya sa dalaga, at kung ano-ano ang kayang gawin ng prinsesa gamit ang kaniyang sibat na may tatlong talim.

Malalim na ang gabi pero 'di pa rin ako dinadalaw ng antok.

Habang nakikinig sa kanila ay may napakalamig na hangin na dumaloy sa 'king batok saka dumampi sa tainga ko. 'Tapos, may narinig akong boses.

Pero hindi kay Mounir!

Nanayo ang mga balahibo ko sa batok at dagling tumindig dahilan para gumalaw-galaw ang hinihigaan nilang pinagdikit-dikit na mga tabla.

Sinundan ko ang tinig na parang nagtsa-chant. 'Di ko maintindihan. Ang paghinga ko ay naging iregular dahil sa kaba. Pumanaog ako sa puno at naglakad nang ilang metro palayo sa bahay ni Manoy Bundiyo. Gustong-gusto ko ang katahimikang hatid ng gabi at gustong-gusto ko na ring malaman kung sino ang nagmamay-ari ng boses na 'yon.

Kinailangan kong suungin ang mga nagkakapalang mga puno na may kakaibang hitsura—pahilis at nakabaluktot. May namataan akong tumpok ng mga nag-aawitang Tselese sa di-kalayuan habang may apoy sa gitna nila. Dahil do'n, nag-iba ako ng ruta at kumanan na lang.

Naglaho ang boses sa hangin kaya napatigil ako at napabuntonghininga. Ilang sandali pa, pumukaw ng atensyon ko ang isang buwak o bulaklak na nasumpungan ko. Akala ko, namamalikmata lang ako, pero 'di pala. Totoo palang may ganitong klase ng buwak. Kulay kahel ito at ang nakamamangha ay nagliliwanag ito!

Napalinga-linga muna ako sa paligid bago ko ito pinitas.

"Ikaw pala si Olin."

Halos mapatalon ako sa gulat. Nanunuot hanggang buto ang kilabot nang maglakbay sa bakuran ng tainga ko ang boses ng babae.

Umihip ang malakas na hangin dahilan para magsayawan ang mga puno rito.

Pinihit ko ang leeg ko sa pinanggalingan ng tinig. Doon ay halos lumuwa ang aking mga mata nang tumambad sa 'king harapan ang isang napakagandang babae—hindi, isa siyang diyosa! Tinatangay ng hangin ang kaniyang kulay-uling na buhok. Nakadamit siya ng pinakamagandang seda na tila yari sa mga asul na ulap. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagkinang ng kaniyang kasuotan na para bang sinungkit niya ang mga bituin sa kalawakan at idinikit dito.

Napako ang mga paa ko sa 'king puwesto. "S-Sino ka? Ba't mo 'ko kilala? L-Lubayan mo 'ko!" nauutal kong sambit. Nanuyo ang lalamunan ko at may namuong pawis sa aking noo.

Sumilay ang isang ngiti sa kaniyang labi. "'Wag kang matakot, Olin," aniya. "Ako nga pala si Lubay Lubyok Mahanginun si Mahuyokhuyokan. And I'm the goddess of the night breeze!"

Pagkasabi niya niyon ay saglit siyang kumanta at lumapit ang banayad na hangin sa direksyon ko na para bang inuutusan niya ito. Sa isang iglap ay tuluyan nang nawala ang kaba at pangambang sumalakay sa 'kin kanina. Gumaan na ang pakiramdam ko.

"Ano'ng pakay mo sa 'kin?" pagsaboy ko ulit ng kuwestiyon.

"Ako, waley. But si Nayasi, mayro'n. In all fairness, napi-feel ko na ang powerful mo, legit. 'Di mo nga lang knows kung pa'no gamitin. Hu-hu!" mapang-asar na wika niya.

Hindi na ako nagulat na marunong siyang magsalita ng wikang Ingles dahil gaya ng sabi sa akin ni Mounir, ang ilan sa mga taga-rito ay naglabas-pasok sa kabilang parte ng Kamariitan, ang normal na mundo.

Pero ano raw? Nayasi?

"Sino si Nayasi? Ano'ng kailangan niya sa 'kin?"

Umawang ang labi niya. "'Di mo siya kilala? Nayasi is Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata! The goddess of lust! Kaloka ka!" Napahilot pa ito sa kaniyang sentido. "Anyway, you can call me Lu-Lu pala he-he."

Yumuko ako at napaisip. Si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata? Alam ko na kung ano'ng pakay niya sa 'kin. Pero 'di ba pinakawalan naman niya 'ko noong unang beses kaming nagkita? Ano, nagbago ang isip niya, gano'n? Buang.

"Like me, na-feel niya rin daw ang powers mo, Olin. Kaya naman gustong-gusto ka niya. Ikaw raw ang next na magiging king sa Galdum, the land of eternal darkness . . ."

t.f.p.

GLOSSARY

Lubay Lubyok Mahanginun si Mahuyokhuyokan – Visayan goddess of the night breeze. Her name means "Graceful Movement of the Arrogant Breeze."

Olin in Kahadras [Volumes 1 & 2]Where stories live. Discover now