Chapter 43

67 9 17
                                    

MUSIA FUENTES' POINT OF VIEW

NAGSASALITA na si Father. Simulang lumakad ako sa altar hindi ko magawang tumingin sa mga mata ni Simon. Nakayuko lang ako at makatingin sa magkahawak kong kamay. To be honest, gusto ko nang umuwi at hubarin itong wedding gown ko. Nababagot na ako.

This my 2nd worse day of my life.

Para makatingin ako sa mukha ni Simon, in-imagine kong siya si Dence Suarez. "I, Felicia Fuentes, take you to be my. . .h-husband, to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish. . . until. . ." tears fell on cheeks when I realized it was Simon that I'm marrying.

"Till death do us a part. . ." bulong ni father na akala niya ay nakalimutan ko ang speech.  Paano ko masabi ang till death do us a part kung matagal nang patay ang taong gusto kong pakasalan?

Nagkapalitan na kami ng exchange vow ni Simon, hanggang sabihin ni father na. "You may now kiss the bride!"

Ito ang pinaka-aabangan ng lahat . . . ngunit pinaka-kinatatakutan ko. I don't want to kiss Simon Felipe. I like him to be my brother-in-law, but not as my husband.

Nilapit niya ang mukha niya sa akin. Nagkatitigan kami sa mga mata. Hindi man ako magsalita pero gusto kong makita niya na nagmamakaawa ako na huwag niya akong halikan.

Niyakap niya ako at may binulong sa tenga.
"You're so inlove with him, I can see it," aniya.

Pagkahiwalay niya ng yakap ay nagpalakpakan ang mga tao at tilian. Akala nila naghalikan kami. Yung photographer at si Father lang ang nakakita nang tunay na nangyari dahil malapit sila sa puwesto.

Ang reception area at katabi lang ng wedding ceremony. Isang daan na katao ang invited. Walang taga King's University na studyante dahil ito ang request ni Simon.

Nagbayad kami sa sampung teenager na magpapanggap bilang kaklase ko. Ganoon din si Simon, higit na bente na tao naman na magpapanggap bilang friends and family niya. The rest, ay mga ka-trabaho and empleyado na ni Daddy and Mommy.

Hiwalay ang upuan namin ni Simon sa guest. Nandito kami sa pinaka-unahan nakaupo sa stage at may bistro lighting na naka sabit sa itaas.

Nag-perform and sumayaw yung fake friends ni Simon. Yung family naman niya ay binigyan namin ng script para sa speech na gagawin.

Ang mga mata ko ay naka-focus kay Daddy.
Nasa VIP table siya, nakikipagtawanan sa mga kaibigan. Mayamaya pa ay nagtama ang mga mata namin. Tumayo siya at kumaway sa akin. Ngumiti naman ako ng tunay.

Makita ko lang na masaya si dad, masaya na rin ako. This is his dream . . . ang maikasal si Ate Felicia. This is also a miracle na lumagpas ang buhay ni Dad ng isang taon. Sabi kasi ng doctor ay hindi na siya tatagal ng one year, but he made it.

Kaya gusto kong gawin lahat ng magpapasaya sa kanya kahit pa ikasakit ng puso ko. All the efforts. All money we wasted. And all the sacrifices is for him.

Wala na ang tunay kong mommy, nag-iisa kong kapatid, and soon si Daddy naman ay alis na rin siya. Magsasama-sama na silang lahat sa langit. Ako nalang ang hihintayin, na na medyo matatagalan pa.

"I love you dad. . ." sobrang layo ng agwat namin ngunit alam kong naintindihan niya ang buka ng bibig ko. Itinaas niya ang dalawang kamay at nilagay sa ulo at nag-heart shape na parang bata.

"I love you too!" He shouted.

Ang sigla niya. Ang mga kilos at napapanalita niya ay parang wala siyang sakit. Parang walang taning ang buhay. Binubuhos niya lahat ng energy niya ngayong araw kaya naman ay lalo akong nakaramdam ng kaba.

Game Of Life [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon