Chapter 14

66 15 2
                                    

SIMON FELIPE'S POINT OF VIEW

ITINAAS ko ang dalawang kamay at nag-i-stretching. Kakatapos ko lang mag-send sa email ng quiz ko. Maaga akong umuwi kanina galing school, natulog lang ako ng limang oras at sinagutan ko na kaagad 'yon quizzes.

Malaking tulong din ang ginawa ni Musia na excuse letter para sa aming dalawa. Pumalpak na nga ako sa isang quiz namin kanina, wala kasi akong nasagutan. . . gawa ng kaantukan at kapaguran dahil sa pag-drive ng ilang oras. Kainis. Hindi kaya ng katawan ko.

May kumatok sa pintuan. Nakilala ko naman agad ang boses.

"Hello?"

Pero bago buksan ang pintuan ay nilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto. Hindi namang makalat at wala rin brief na nakasampay malapit sa electricfan. Ang problema nga lang wala akong naihanda na kakainin namin. Kahit yellow manlang pangpalamig sa iinumin ay wala. Badtrip.

"Simon, this is Aileen. Are you there?"

Pinihit ko na ang pinto at agad naman siyang napangiti. "I brought something for us." Itinaas niya ang hawak niyang dalawang supot na paperbag ng 711.

Humaliyumak ang kaniyang Eau de parfum. Nakasuot siya ng beige troach coat at sa ilalim nun ang puting tshirt and jeans. Naka-lugay ang magulo niyang buhok dahil sa malakas na ihip ng hangin. Napakaganda niya. Pangalawang beses ko pa lang siya nakita na hindi nakasuot pang uniporme.

"Bakit hindi mo ako tinext? Paano kung naligaw ka?" pag-aalala ko.

"It's fine. I am actually familiar in your place."

Nilakihan ko ang bukas ng pintuan para makapasok siya. Kinuha ko rin ang dala niyang paperbag at nilagay sa folding table. "Nakapunta kana ba rito noon? Paano ka naging pamilyar?"

Sinundan ko siya ng tingin nang umupo siya sa single bed. Isa lang upuan dito at iyon nasa likuran ko na monoblock. Tinignan niya ang mga gamit—napapaisip na siguro 'to kung uuwi ba siya o magsi-stay pa.

Mukhang hindi tatagal ng isang linggo ang relasyon namin. Inaantay ko na lang na makipag-break siya. "Hindi lahat ng nag-aaral sa King's University ay mayaman." Baritono kong saad. Umupo ako sa mono-block chair. Isang metro lang ang layo namin. Maliit lang ang roomspace. Tatlumpu't hakbang puwede nang maikot ang buong sulok.

"I know. It's an exclusive to find someone like you. I'm so proud."

Natawa ako sa sinabi niyang proud. Dahil hindi kumbinsido. "Kasing hirap ko ang daga ngayon. Walang-wala ako sa mga—admirer mo."

"Stop comparing yourself with them."

"Bakit? Ipipikit ko mga mata ko para maging bulag sa katotohanan?"

Mahabang katahimikan na naman ang bumalot sa amin. Imbis na 'yong pag-aaral, at si Musia lang iisipin ko. Pati itong kahirapan ko naging issue. Nakakapangliit kasi. May-ari sila ng malaking staycation tapos ako walang bahay at maging ipon wala.

Kung hindi lang mayaman girlfriend ko ayos sana. Kaso—tangina.

"You're the only person I know who paid the tuition fee in the prestigious school without the help of your parents and sponsors."

"Pangarap ito ni La at ni Mama. Gusto ko lang mabigyan katuparan kahit nasa langit na sila."

"And you work for that in two years?"

"Ahmm, oo. Paano mo nalaman?"

"You had told me."

Tumango lamang ako at umupo sa monoblack chair. Si Aileen naman ay umupo sa may gilid ng kama. Magkaharap lang naman kami sa isa't isa. Dalawang hakbang lang ang pagitan.

Game Of Life [COMPLETED]Where stories live. Discover now