Chapter 37

34 9 2
                                    

MUSIA FUENTE'S POINT OF VIEW

NANDITO ako sa may main gate sinasalubong ang pagdating ni Aileen. Hindi lang ako ang nandito maging ang singkwenta na katao ay sabik na maparusahan ang presidente ng U.A.B. Umabsent siya ng dalawang araw kaya in the third day, inaasahan namin na papasok na siya or else makaka-violate na naman ng rules.

Isang red limousine car ang pumasok sa gate. Maraming nagulat at natuwa sa nakita, I'm the only one who feels irritated. Anong pakulo ni Gianne? I know this is the brand of her car. Dahil may family business sila na rental ng mga luxury cars isa na roon ang limousine!

"Sino kaya ang sakay? Celebrity?"

"Korean star! Waaaah!"

"Nah, it should be posted on announcement."

"Baka naman ang creator ng Minus Ten? Mag-face-reveal na? Omg!"

"Si Aileen iyan." Sabi ko sa kanila para matigil na sa kakaisip ng kung ano-ano. Pati si Dence na matagal nang patay ay nadadamay pa. Tinarayan lang ako ng apat na istudyante at umiwas sila sa akin.

Oo nga pala, I'm still in the Rule # 100. Hindi nila ako puwedeng kausapin, thats all.

Bumaba ang chauffeur sa passenger seat. Na nakasuot ito ng white long sleeve with black vest, and black pants. Umikot siya papunta sa backseat, at ini-slide ang pintuan. He escorted the first girl, Layla Mercendez.

Kumaway-kaway pa ito. Ang sunod na bumaba, of course si Aileen Suarez na agad namang nilapitan ng fake bestfriend niyang si Layla.

Isa-isa lumabas ang mga istudyante sa limousine. Lahat ng officer nandoon, maging ang ilang members. Sa sobrang dami nila hindi ko na mabilang.

Palipat-lipat ang tingin ni Aileen hanggang sa magtagpo ang mga mata namin. Akala ko tatarayan niya ako, instead tinignan lamang niya maigi ang mga istudyante na malapit sa puwesto ko. Bumuka ang bibig niya, kahit hindi ko narinig ay naintindihan ko naman ang ibig niyang sabihin.

"Where's Simon?" She asked me.

Hindi ko maintindihan kung bakit siya nag-aalala nang ganito kung gayon siya naman ang nagpabugbog sa ex-boyfriend niya. Or maybe this is just part of her acting? Gosh. Hindi na ako magpapaloko.

Itinaas ko ang isang kamay ko at nag-bad-finger, bilang tugon sa tanong niya.

Namula ang pisngi niya sa gulat at agad na umiwas ng tingin nang kausapin siya ni Leo. This is supposedly her first day of punishment. Pero nabigo kaming lahat. Ni isang persecutor ay walang sumubok maghagis ng mga hawak dahil sa takot na mataaman ang non-target na kasama ni Aileen.

Because of Rule # 94 maraming sumuko sa takot na magkaroon ng one week punishment.

[Rule#94: Involving someone else in the punishment even if they are not in the name list on the Daily News page. Unintentionally is not an exemption. This is strictly prohibited]

Ginaya ni Aileen ang tactics namin ni Simon na may ka-buddy-up. Ang pinagkaiba lang, anim na body guard ang kasama ko noon. Siya naman ay higit trenta na members ng U.A.B club ang handang paikutan siya para hindi mahawakan o masaktan ng persecutor.

This is one of the history of Minus Ten. Never pa nagkaroon na ganito karaming ka-buddy-up. Himawala ang ganito kung average student ka lang. Pero dahil elite si Aileen, then its possible.

***

PAGKALABAS ni professor ng room ay nilapitan kaagad ako ng apat kong kaklase. Mataray ang mga mata nila at piling boss ang tinig ng boses. "Pinapapunta ka ni Aileen sa office," the other girl said. Kung hindi ako nagkakamali ay members sila ng U.A.B. Mga kulto sila. Gosh.

Game Of Life [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz