Chapter 9

97 20 15
                                    

SIMON FELIPE'S POINT OF VIEW

"HEY! Are you fine?" Halos mapatalon ako nang biglang hawakan ni Aileen ang magkabilaang kamay ko. Halatang sanay na siya humawak ng kamay ng kaibigan basta-basta, dahil napaka-normal na lang.

"Ikaw ba 'yon tumatawag sa akin?"

Hindi siya nakagot. Parang nagdalawang isip pa.

"Miss mo na ako?" nadulas kong bigkas. Napasabunot lamang ako sa buhok ko dahil sa kahihiyan. Tagatak na ang pawis sa noo ko. Bakit kasi parang narinig ko 'yong boses ni Felicia kaya nagbaliktanaw tuloy ako sa nakaraan. Kainis.

"I did not say that."

As if naman sasabihin niya 'yon? Hallucination ko nasa level 1000 na. Lumakad na ako palayo. Mas mabuti pang umuwi na lamang ako.

"I didn't say those words." Pag-uulit pa niya.

"Ahmm, alam ko."

"I didn't say it vocally! But yes, I missed you silently." Tumigil ako sa paglakad at takang tumingin sa kanyang mga mata.

"Ano?" Gulong-gulo na nga ako kung ano ba 'yong narinig ko kanina tapos dinadagdagan pa niya iisipin ko.

Kung totoong namiss niya ako, as friend lang ba o higit pa roon? Ang hirap kasing mag-assume. Saka sobrang ganda niya—hindi siya mahirap gustuhin. "Miss mo ako?"

"Of course! Miss ko 'yong sabay tayong kumain sa canteen tapos iimpluwensyahan mo akong mag-aral maigi." Sincere niyang ngiti.

As friend nga.

"Umupo ka muna roon sa VIP lounge, you will have your assistant to serve your drinks and foods. I'll just go around to entertain some of our guest." Bukod sa kagandahan, ang bait din niya.

"Kaya ko naman kumuha ng sarili kong pagkain. Kaya ayos lang kahit dito na lang maupo sa gilid."

Nandoon 'yong mga officer nakakahiya kasi hindi naman ako parte ng groupo. Saka wala naman akong kakilala sa kanila. Parang mas okay kung umupo lang sa gilid, kumain nang mapayapa, at umalis matapos.

"Pero roon ka nalang please. . .para mahagilap kita kaagad." She puppy eyes.

Tangina, 'yong please niya nakakataas balahibo.

Napaka-sweet and soft ng datingan, parang si Felicia lang. Dahil sa please na iyan, wala na akong nagawa kundi sumunod. Mahirap i-reject ang isang binibini.

Ang VIP lounge ay nakapuwesto sa pinaka-unahan at gitna ng mini stage. Kami lang ang nabubukod tangi na kulay ng sofa na red at naro-rotate 'yong center tray ng table. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kaya sinearch ko pa sa Google kung anong tawag sa table na ito its called Lazy Susan. Pang-Chinese cuisine.

May sarili rin kaming menu and staff na mag-a-assist. Pang VIP talaga datingan. First time ko ang astig.

Anim lang kaming nandito sa VIP. Apat na lalaki, at dalawang babae. Pagkaupo ko ay binati at ngitian naman nila ako. Mabuti na lamang hinatid ako ni Aileen, kundi baka paalisin ako sa upuan na wala sa oras. Dahil sino ba naman ako.

"Hi!" Bati sa akin ni Layla.

"Ahmm, hi."

"I'm the former secretary of U.A.B Layla Mercedez and this is Leo Frank who take-over my position." Rolled eyes niyang sabi habang nakangisi kay Leo na nasa kaliwa ko. "Piling ko nga nagkamali lang ng boto 'yong mga members kasi halos magkapareho ang Layla sa Leo, right?"

Tumawa lamang si Leo habang akbay-akbay niya ang isang sexy na babae na halos mahubaran na dahil sa suot na tube dress. Umiwas agad ako ng tingin at napalunok nang mapansin ang malaki niyang cleavage. Bakit kasi ganyan ang suotan?

Game Of Life [COMPLETED]Where stories live. Discover now