Chapter 39

72 9 7
                                    

SIMON FELIPE'S POINT OF VIEW

DALAWANG linggo akong excuse sa school dahil sa nangyaring fractured sa ribs ko pati sa kamay.

Noong mga nakaraang araw hirap pa ako sa pag-upo mas lalo na kapag hihiga. Ang sikip sa dibdib at may pagkakataon na kinakapos ako ng hininga. Sinabi naman ng doctor na isa ito sa syptoms. Apat hanggang anim na buwan ang fully-recovery ko. Pero dahil mayroon mid-term examination bukas ay kailangan kong pumasok para makapaghanda.

Nakaangkas ako sa motor habang nakakapit sa balikat ni Luis. Madalas ay humahawak lamang ako sa bakal sa likuran pero dahil hirap akong i-strech ang kamay ko ay wala akong magawa kundi kumapit sa balikat niya, kahit magmukha pa akong bakla.

May motor naman ako, bagong bili, kaya lang hindi pa talaga puwedeng mag maneho dahil on healing pa ang ribs fractured ko.

"Pre, nabalitaan ko kay Vanessa na nahuli na raw yung master mind ng nagpabugbog sa'yo, na-check mo ba ito sa Minus Ten?"

"Ahm, hindi."

"Pero, pre, hindi ba nakuwento sa'yo ni Musia?"

"Oo."

Pumpreno kami saglit dahil sa stop light tawiran. Kainis nga. Kami lang yata ang bukod tangi na naka-motor sa highway na ito. Daanan yata ng mayayaman.

"Naku, pre. Dapat tinanong mo siya o dapat siya na mismo mag-kuwento sa'yo! Dalawang linggo ka niyang binantayan sa hospital, luh.  Aminin mo nga, may kalokohan ba kayong pinaggagawa roon?!"

Gagi talagang mag-isip ito.

"Nakatunganga lang ako sa bintana at ganoon din siya. Pareho kaming may iniisip siyempre."

"Talaga?"

"Ahm, oo."

Natandaan ko, ilang gabi rin binangungot si Musia sa sofa habang binabantayan ako. Lagi niyang mine-mention ang pangalan ni Dence Suarez habang umiiyak. Kapag tinatanong ko ayaw namang mag salita. Nakakabuwiset nga. Malakas ang kutob kong may sekreto ang babaeng iyon.

Nandito na kami ni Luis sa labas ng gate ng King's University. Dalawang linggo lang naman akong umabsent pero ang dami kong na-miss, yung lessons sa subject namin at siyempre si Aileen. Tangina. Siya agad ang una kong lalapitan. Tutal hindi na rin naman ako target ng persecutor kaya magiging madali na lang na lapitan siya.

"Goodluck, pre!" Sigaw ni Luis bago humayo. 

Pagkapasok ko ng gate ay maraming bumati sa akin. Ganoon din naman ang ginawa ko.

Ito yata ang first rule ng Minus Ten na naging social norms na ng bawat istudyante. Walang iba kundi ang, Rule # 1.

[Rule#1 always be kind to everyone. If there's a student who try to talk or smile you ought to reciprocate]

"Good morning!"

"Hi."

"Have you eat your breakfast?"

"Ahm, oo."

Mabilis at nakayuko akong naglalakad hanggang sa mabunggo ko ang isang babae. Nagkalat sa sahig ang hawak niyang flyers at nataranta niya itong pinagdadampot.

Lumuhod naman ako para tulungan siya hanggang sa mabasa ko ang nakasulat dito.

Minus Ten app is;

It is against/anti poor
Normalizes discrimination and violation
Unfair juctice perceivement
Biased
Manipulative
One-sided
Distorted set of rules
Bigoted by the inventors and rulers

Game Of Life [COMPLETED]Where stories live. Discover now