Chapter 7

128 21 26
                                    

Simon Felipe's Point of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Simon Felipe's Point of View

NANDITO kami sa tapat ng isang mataas na gate na gawa sa makapal na bakal. Hindi naman magawang makita ang nasa loob dahil masyadong tago dahil sa naglalakihang mga pader. Sa unang tingin, para talagang factory o pagawaan ng illegal items dahil pang-hideout ang atmosphere.

"Sigurado ka bang ito 'yon?" tanong ni Luis na maging ako ay ganito rin ang nasa isipan. Alam ko kasing nag-rent si Aileen ng beach resort, e parang hindi naman ito pasyalan kasi bagsak na agad sa marketing pa lang.

Pero kung nagtitipid siya, reasonable naman.

"Tatawagan ko siya."

Bago ko pa kunin ang mobile ko, biglang may sports car na pumunta sa gate, at may camera and audio-based system sa gilid. D-in-ictate lamang ng driver ang name niya and ID number tapos nag-open na ang malaking gate.

Pagkabukas ay literal din na bumukas ang bibig ko.

Apat na sasakyan na ang pumila sa gate. Kami naman ni Luis ay nasa gilid lang ng puno. Sakto lang pala ang dating ko. Mukhang ngayon lang nagdadatingan ang mga bisita.

"Nagdala ka ba ng extra-ng damit mo?" tanong ni Luis.

"Hindi ako rito matutulog."

"Sayang. Halatang maraming kuwarto. Baka nasa fifty ang rooms, kuha ka isa."

"Hindi naman siguro lahat 'yan ay ni-rent ni Aileen. Masyadong malaki."

"P're, what if sila ang may-ari niyan?"

"Imposible."

"Basta estudyante ng King's University, huwag mong kukuwestiyonin ang kayamanan! Saka 'di ba, isang linggo na kayong magkakilala ni Aileen. Nabanggit ba niya ang about sa family niya?"

"Ahm, hindi."

"'Yong kakilala ko nga na teacher sa inyo, naka-private daw ang details ng mga estudyante and may ilang gumagamit ng fake names, kasi anak sila ng mga makapangyarihang tao. Baka gano'n din si Aileen, p're."

"Sige, papasok na ako sa loob."

Ngumisi siya nang malapad at parang may kademonyohang naiisip. Basta hindi ko gusto ang ngiti na iyan.

"Nakikita kong malalasing ka mamaya at magigising ka sa ibang kama na may katabing babae!" humahalakhak na aniya.

"Gago, hindi ako iinom. May exam ako bukas. Magre-review lang naman ako sa loob." Pumunta lang naman ako dahil may promise sa akin si Aileen na tutulungan niya ako kay Musia kung dadalo ako ngayon.

"Sa ganitong party, walang iinom? Maniwala! Hindi ako ipinanganak kahapon kaya huwag mo akong niloloko!" May kinuha siya sa pitaka niya, at isinuksok sa bulsa ko ang isang condom. "Mukhang hindi ka handa, e." Sabay kindat.

Oo, tama siya, wala akong dala. Kasi matagal na rin namang-gago, ano ba itong iniisip ko? Wala akong planong maglandi rito.

"Kitang focus lang ako sa pag-aaral. Saka wala naman akong girlfriend kaya paanong mangyayari 'yon?" Tunog nag-self-pity naman ako dahil walang girlfriend. Pero naranasan ko rin naman noon na may maka-one-night stand sa ka-work ko sa call center-kaya kahit single puwede pa rin naman.

Game Of Life [COMPLETED]Where stories live. Discover now