Chapter 20

45 10 6
                                    

SIMON FELIPE'S POINT OF VIEW

"ANO bang pinag-usapan ninyo!?" Tanong ni Musia habang padabog na sumakay ng sasakyan niya. Siya ang nasa passanger seat, ako naman sa driver seat.

Nandito pa rin kami sa loob ng parking lot ng mall. Hindi ko po sinisimulan magmaneho pero naka-start na ang engine. Pinapainit ko muna ang sasakyan.

"Binanggit ko lang naman ang pangalan ng girlfriend ko tapos nagkaganyan."

"Did you mentioned Suarez?"

"Ahmm, oo. Ano bang mali roon?"

"Dahil ang bumaril kay Felicia ay isang Suarez!? Gosh!"

"Suarez?"

"Dence Suarez. . ." Puno ng pighati ang boses niya nang banggitin ang pangalan.

"Siya 'yong nagpakamatay 'di ba?"

Natatandaan kong dalawa ang namatay no'ng gabing 'yon. Si Felicia. At 'yong isang lalaki na nag ngangalan pa lang Dence Suarez.

"He was my obssesed admirer back then."

"Ahmm, puwede ko bang malaman lahat?"

Umupo ng maayos si Aileen sa upuan at inudjust yung backseat ng 45 decrease para makahiga ng kaunti. Tumingin lamang siya sa itaas ng sasakyan tila ba ay pinipigilan niya ang pabagsak na mga luha. "Maraming nakaaalam ng obssesion niya sa akin. Kada may lalaking lalapit o makikipagkilala ay agad niya akong binabakuran. Pinagkakalat niya na ikakasal daw kami kaya—I'm not available for flings."

"Naniwala naman 'yong mga ka-date mo?"

"Some of them, yes. Pero 'yong matitigas ang ulo ay pinabugbog niya. Nagbigay din siya ng career death threat. Maghihirap ang taong sumubok lumandi sa akin."

Tangina.

Ang creepy nga ni Dence. Mas lalo na wala naman pala silang relasyon. Napaka-questionable ang pagiging possessive niya kay Musia.

"I hate him so much."

"Ahmm, ako rin."

Katulad ni Musia ay sumandal na rin ako sa upuan at inudjust ko rin ang backseat kagaya ng sa kaniya. Ngayon ay magka-level na kami ng sandal. Magharap kami sa isa't isa. Mas komportable na mag-usap ng ganito.

"Sinubukan mo bang humingi ng tulong sa polisya? Malaki ang habol mo. Saka Alkade pa ng Manila ang daddy mo niyan. Kaya kayang-kaya ninyo iyan."

"Matalik na kaibigan ni daddy ang ama ni Dence He wouldn't believe in me. At kahit maniwala pa siya, walang tyansa na maipakulong ang isang Suarez. Napaka-makapangyarihan nila. Napakayaman. Malaki ang role ng business nila sa economy ng Pilipinas. Kailangan mo pang lumusot sa pinakamaliit na karayom bago mo masiraan ang pangalan nila. I swear. Kahit ang pagpatay ni Dence kay Felicia it was never been in the news or post in social media. Sarado kaagad ang kaso. Hindi manlang kami nakatanggap ng sorry o kahit anong pagsisisi sa pamilya nila." Tuluyang bumagsak ang mga luha niya. Umupo na siya nang maayos kaya gumaya na rin ako.

"I'm sorry, Musia."

"Kaya na-depress din si Dad. Kasi wala siyang magawa. Tinakot siya ng mas higher position sa government, na kapag siniraan niya ang pamilyang Suarez ay mai-impeach siya sa position niya. He fought alone until his desease devoured him."

Marami pa akong gustong malaman at tanungin. Pero bwiset bigla akong kinabahan. Naalala ko pupunta pa pala sa amin si Aileen. Kapag hindi niya ako naabutan doon siguradong maghihiwalay na kami. Ayokong mangyari iyon. Hindi ako papayag.

Mayroon pa akong isa't kalahating oras para bumyahe—

"Sino si Gianne?" out of blue kong tanong.

Gulat ang mga mata niya. "What do you mean?"

Game Of Life [COMPLETED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum