Chapter 21

49 10 14
                                    

MUSIA FUENTES' POINT OF VIEW

PUMASOK ako ng isang bar at mabilis naman akong hinarang ng bouncer. Tinitigan niya ako mula paa hanggang ulo. Nakasuot ako ng hoodie longs tshirt at mahabang palda na may pangmatanda na style. Hawak ko rin ang manika na si Mary. Magulo ang buhok ko at natatakpan ang mga mata dahil sa bangs. Not to mention naka-suot lang ako ng pares na slipper.

"Ma'am, bawal po kayo rito. May dress code po ang mga cliente." Pinakita niya sa akin ang isang print ng papel na nakadikit sa pader. I sighed.

Banned clothes are the following: Baggie jeans, hoodies, sweat pants, gym shoes, plain T-shirt and necklaces.

Gosh! Bakit nga ba ito nawala sa isipan ko?

Matagal na ako nagpupunta sa bar na ito. Actually, kaya sila may banned clothes hindi dahil dini-descriminate nila ang mga mahihirap or weird na tao. Kundi ina-avoid nila ang possible na drug user or whatsoever. Ayon daw kasi sa studies ng isang sociologist na madalas daw ganiyan ang suotin nila. Dinadahilan na lang ng mga bouncer na may dress code. Pero may malalim pa talagang dahilan.

Do I look like a drug user then?

Ginagaya ko lang naman outfit ni Felicia. Gosh!

Aalis na sana ako sa pila nang may naalala ako. Kinuha ko ang aking VIP card sa pitaka. "I'm Musia Fuentes." Pakilala ko sa bouncer.

Kumunot ang noo niya at tinitigan ako maigi sa mukha. "Ma'am Musia? Grabi dalawang taon ka pong hindi bumisita rito." Nakipag-chikahan na siya. Nakalimutan niyang may mga customer na nakapila sa labas. "Sige, ma'am. Welcome na welome ka rito sa loob." Pinagbuksan na niya ako pinto.

Pero bago ako tuluyang makalayo ay may tinanong siya na nagpatigil ng mundo ko. Sana pala hindi na lang ako bumisita rito kung maririnig ko rin iyon.

"Nasa'n na po yung boyfriend mo? Si—Sir. Dence?"

Flashback. . .

HAWAK ko ang cell phone ko habang ka-text ang mga random admirer. Lahat ng gifts nila ay pinapaiwan ko na lamang sa locker ko. Nag-text nga rin sa akin 'yong janitor para sabihin na nakakalat na sa sahig 'yong ilang gifts.

Lumaki ang mata ko nang makatanggap ng direct message sa Instagram. Isang hubad na lalaki malaki 'yong nasa pang-ibaba niya! 6-inch waaah its so big! Lagi na lang ako natatanggap ng ganito sa strangers! Ayoko na. Ang bata ko pa. Yari ako kay mommy and daddy kapag nalaman ito.

In-off ko na kaagad ang Iphone ko. Pinagpapawisan kong nilingon si Gianne na nasa gilid ko lang. Luckily, wala naman siyang nakita. Hindi rin kasi niya ugali tumingin-tingin sa phone ng isang tao. She respect privacy that's all.

"It's Valentines day—why they can't have sympathy for a moment or rest for one day?" Sabay dampot niya sa Lays chip at subo sa malagkit na daliri. "Kailan ba nila tayo susukuan!"

"Immatured pa kasi kapag high school studengs. Sabi naman ni Dence sa college raw kaunti na lang ang bullies."

"Dence lang? Walang kuya? He is four years older."

I pouted my lips.

Kumuha ulit siya ng lays na umapaw sa palad. Nilakihan niya ang pagnganga sa bibig at pinasok ang umaapaw na chips sa palad. Dahil sa ginawa ay maraming natapon sa lapag. "Hindi ko rin ma-imagine na may taong magkakagusto pa sa kalagayan ko. Parang end ng chapter ko. Wala ng pag-asang umusad pa ang lovelife ko."

"Maghintay ka lang. Darating din 'yong tao na para sa'yo. Dahil hindi naman lahat tumitingin sa panlabas na anyo."

"What if lalaki ka will you try to court me?" Not she is asking me a tricky question, huh.

Game Of Life [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora