Chapter 40

60 9 6
                                    

MUSIA FUENTES' POINT OF VIEW

MY BODYGUARD opened the door of my car, and pagkapasok ng malamig na hangin dito sa loob ay biglang tumaas ang buhok ko sa balat. Pinikit ko ang mga mata ko at huminga nang malalim.

Kinakabahan ako, gosh, I don't know kung makakaya ko bang harapin ang panibagong araw na ito.

"Ma'am, are you okay?" tanong sa akin ni Ernest.

Dumilat na ako at sinuot ang aking aviator glasses.  "Yes, I'm fine," I lied.

Lumakad na ako pababa ng sasakyan at sa malayo ay tanaw ko ang isang campervan vehicles na kung ay may sariling table and umbrella sa gilid nito habang pinipilahan sila ng iilang istudyante dahil sa free cake and coffee, na halatang imported.

I rolled my eyes. Nakaka-stress sila. Yung packaging kasi ng cake and coffeee ay may notes na Shut Down The Minus Ten. Can they just simply give a food without actually advertising something?

Ito namang anim na bodyguard ko ay kumuha ng pagkain. Hindi ko rin naman sila masisisi, mukhang masarap din talaga.

"Ma'am gusto mo?" Tanong sa akin ni Ernest dahil plano niya akong kuhaan.

"Nah, I don't like sweet."

"Mayroon silang low sugar cake," dugtong pa na halatang nagbasa ng description.

"No, thanks."

Binilisan ko ang lakad ko hanggang sa makarating kami sa field na kung saan maraming groupong istudyante na akala mo ay nagba-bible study, iyon pala ay puro kasiraan at laban lang sa Minus Ten ang kanilang pinag-uusapan nila.

Gosh. Every day na lang ba sila may meeting? Kahapon din saka nung isang araw sila magkakasama. Perfect attendance, huh?

"Hindi naman ganito ang King's University noon, dahil dati ay malaya kang gawin ang gusto mo. Ang mga lalaki ay puwedeng magsuot ng hikaw and magpa-tattoo. Ang mga babae naman ay puwedeng magsuot ng maigsing palda and fitted blouse para kita yung curve ng katawan. Super cool noon, promise!"

"It's like we're inside a prison na. I am jealous of other universities dahil nakakasabay sila sa trends."

"How about Jane A.D? Have you heard of her? Heartthrob princess siya ng King's University dati. And main celebrity ng isang sikat na series sa Europe. Unfortunately, lumipat siya ng ibang school simulang maging mandatory ang Minus Ten. Hindi kasi niya kaya yung one boyfriend policy, knowing na long distance sila ng boyfriend niya na nasa ibang bansa."

"Sasha, I also heard about that story. Geez. Open kasi sila ng boyfriend niya for multiple relationship, its called polyamorous. But the Minus Ten didn't approve for this. Dahilan na rin kaya maraming umaalis na foreigner sa school natin."

"Ang K.J ng founder ng Minus Ten. Ha-ha-ha."

"Siguradong matandang binata iyon. Walang iibig sa ganoong ka-strikto na lalaki!"

Kahit alam kong hindi naman ito naririnig ni Dence, ay nasasaktan pa rin ako para sa kanya. Lahat ng negative thoughts nila, patungkol sa ama ng anak ko, siyempre tama na rin sa akin iyon.

Kapag nasa parking lot ako or gate, doon nagsabog ang flyers or mga kung ano-anong pinamimigay para makapag-recruit. They look good samaritan in outside but their heart has other intentions.

Kapag nandito naman ako sa open field, sa garden, or canteen ay doon nagsabog ang mga mini-meeting nila para taniman ng bunhi at diligan ng tubig, hanggang sa maging malaking puno na ang galit nila sa Minus Ten.

Game Of Life [COMPLETED]Where stories live. Discover now