Chapter 24

46 8 15
                                    

SIMON FELIPE'S POINT OF VIEW

"NASA'N si Musia?" Tanong ko sa apat na lalaki na nasa harapan ko. Yung isa ay may hawak na lub habang pinapaikot ito sa kaniyang kamay. Palapit sila ng palapit hanggang sa maipaikutan nila ako.

"Nasa Quadrangle ang affair mo. We would bring you there!"

Akala nila tatakbo ako. Akala nila matatakot ako. Pero wala akong emosyon na binigay. Masyado na akong pagod. Tatlong araw na walang tulog, nag-commute kahapon papunta sa staycation house ni Aileen sa may Tagaytay—pero hindi bumukas ang gate. Pagkapasok ko pa lang sa King's University kanina ay pinagbabato na ako ng kung ano-ano kaya kailangan tumakbo.

Idagdag pa itong break up namin, na ayoko na lamang alalahanin.

Kaya wala talaga ako sa wisyo para kausapin ng matino.

Gusto ko na lang uminom ng alak dito. Kaso bawal dahil sa Rule # 14

[Rule#14: Drinking or bringing alcohol is forbidden]

Kainis. Ang boring ng buhay ko!

Itinapat ko ang dalawang kamay ko sa lalaking may hawak na lubid. "Dalhin ninyo ako kay Musia. Sa unholy chair."

May sapat na kaalaman ako patungkol
sa punishment na 'yon dahil nabasa ko sa collection books ng U.A.B clubs.

Ito raw ang pinaka nakatatakot na punishment.

Gulat silang nagkatinginan sa isa't isa. Hindi makapaniwala sa pag-presinta ko. Sa totoo lang, hindi naman ako mamamatay sa mga insekto na 'yan. Mas nakakamatay pa nga ang panggagamit na ginawa sa akin ni Aileen.

Tangina.

Ayos lang naman sa akin na gamitin niya ako. Para mag gamitan kami. Hindi rin naman ako lugi dahil may pangangailangan din naman ako.

Pero gagi. Sana sinabihan man lang niya ako sa plano.

Para hindi ko siya minahal.

"Oh my! Baka magkaroon ng scratch ang mukha ni Simon! That can't be happen! Sayang ang future celebrity career niya! Waaah!"

"I will sponsored his one year classic facial treatment just to eradicate all impurities and clogged pores he will get here."

"Ang Rule # 81 dapat depende 'yan sa tao. Kapag pogi dapat exemption na kasi kasalanan ba nila kung maraming naghahabol! Kaya sa pangit lang dapat 'yang punishment!"

Marami namang nag-agree sa huling nagsalita.

"Ang dami mong fans, ah?" tanong sa akin no'ng lalaking may hawak na lubid.

"Ahmm, itali na ninyo ako." Nabo-boring na ako sa tagal nilang kumilos.

"Pre, ikaw lang excited maparusahan." Sabi ng isang lalaki na may malaking tiyan.

Imbis na talian ako sa kamay ay napagtripan nilang ipaikot na lamang ito sa leegan ko. Maluwag naman ang pagkatali kaso puwedeng masakal kung hindi ako susunod. Tinawag din nila akong aspin dahil hila-hila nila ang dulo ng lubid habang nagpapatianod ako ng lakad kung saan. Para akong aso.

Kahit saan kami lumiko ay puro tawanan ang mga naririnig ko. Pero may ibang babae na nanghihinayang at naaawa sa akin. Pero kakaunti lang naman sila. Dahil halos lahat ay walang puso.

"Hindi kayo bagay ni Aileen! Sa langit siya! Sa impyerno ka!"

Napalunok ako. Sa dinami-dami nilang pangbabato na sinasabi sa akin, kapag binanggit ang pangalan ni Aileen--tangina nababaliw ako.

Game Of Life [COMPLETED]Where stories live. Discover now