Chapter 22

37 9 10
                                    

MUSIA FUENTES' POINT OF VIEW

HINUKAY ko sa bulsa ng palda ang key remote ng sasakyan at pinatunog para mag-lock. Hila-hila sa isang kamay ang luggage habang si Mary naman ay yakap ko na parang baby. Nakayuko ako sa paglalakad. But I'm fully awared of my surroundings. Kada may nakakasalubong ako na tao napapansin ko ang mga paa nila na lumiliko palayo. I'm used of it.

Sanay naman akong pag-usapan at layuan. Piling ko nga pangalawa ako sa pinaka-kilala rito sa King's University. Una siyempre, ang mga college dean. Pangalawa ako, because of Rule # 100 they have no choice but to know my existence.

Kahit dalawang taon ng patay ang creator ng Minus Ten app ay patuloy pa rin itong gumagana. May automatic upgrade ang mga plugins nun kaya hindi bumabagal ang system or nagka-crash. And one time payment lang 'yon sa Google Store, kaya hanggang ngayon nag-eexist pa rin. Ang talino niya, 'di ba? Parang na-predict niyang mamamatay siya ng maaga. Gosh!

Inangat ko ang tingin ko sa paligid at takang tumingin sa mga tao. Naka-circle line sila at ako lang ang nasa gitna. Dalawang metro ang layo nila. Medyo weird na ang bagay na ito dahil para nila akong binabakuran.

Gusto ko sanang maniwala na target ako ngayon. Kaso wala naman silang plano na habulin ako. Kaya what's the purpose of this? Wala silang hawak na kung ano-ano na puwedeng ibato sa akin. Hindi nila ako dinidikdikan kumpara sa nangyari no'ng nakaraan na agad akong dinumog ng persecutors.

. . .saka wala naman akong nilabag sa rules.

Dire-diretsyo lang ako sa paglalakad hanggang sa mapansin ko ang digital signage or TV Screen for announcement nagsa-swipe ang pages nun afer ilang seconds. Doon nakalagay ang dates ng examination, tour activities, and Daily News name list na may Green Section and Red Section.

Nag-swipe agad ang screen ng page.

Green Section List of names:

Rule#86: Professor and student relationship. This is strictly prohibited.

Chienne Suson (D.O.T Building)

Lumitaw doon ang mga pictures ni Chienne. She is beautiful, white, and tall woman.

There's a 10 seconds count down. Bago lumabas ang mga strong evidence na may relasyon nga siya sa isang professor. Madalas silang magkita sa faculty room. And may isang kuha na naghahalikan sila nito sa loob ng classroom. Some part of it are censored.

Ayon sa announcement, ay inalisan ng teacher license yung professor at tinanggalan na sa work. Si Chienne naman ay kailangan niyang harapin yung one week punishment and she can still continue her studies here. But the sad thing is, wala na. Reveal na ang buong mukha niya sa campus. Humiliated na siya.

Kahit 'yon mga istudyante na walang apps ng Minus Ten katulad ko ay magagawa pa rin malaman ng lahat target list dahli sa digital signage. Kada elevator and staircase kasi ay mayroon nito. Kaya lahat ng mahahatulan ng Green Section and Red Section—a sincere condolence for them.

But they deserve it. They violated a worse rules.

Limang pangalan na ang lumitaw sa Green Section. Paulit-ulit lang lilitaw ang pangalan at pictures nila hanggang sa matapos na ang isang linggo na parusa. Luckly, wala pa naman nakakalabag ng Red Section. Last year mayroon dalawa.

Aalis na sana ako palayo nang biglang lumitaw ang napaka-familiar na pangalan sa buong buhay ko. Walang iba kundi ang sarili ko. Para akong napako sa kinatatayuan. Hindi ko rin maigalaw ang mga paanan ko. Tila ba ay magkakaroon ako ng mini heart attack.

Tell me this is just a dream? Gosh!

Rule#89: Cheating your girlfriend/boyfriend that results in emotional, mental, and physical breakdown. This is strictly prohibited.

Game Of Life [COMPLETED]Where stories live. Discover now