Chapter 6

89 22 22
                                    

Music Fuentes' Point of View

NILAMUKOT ko ang papel ko nang makita ko ang score ko. I couldn't believe it! Nag-aral naman ako kagabi at pinaghandaang maigi ang subject kaya bakit ganito ang kinalabasan? Gosh!

"Luis Estrada?" tanong ng prof habang nagsusulat sa record book niya.

"76, ma'am!" proud na sigaw ng kaklase ko.

Nakaka-stress, lahat na lang ng kaklase ko, nasa line of 60 to 80. Wala man lang gagaya sa akin? Dapat pala hindi na lang ako pumasok. Kahihiyan lang ang dulot nito.

"Simon Felipe?"

"99 po."

"What?"

"99 po!" He shouted.

Auto-hang ang bibig ng prof. Kahit ako rin no'ng umpisa ay nagulat dahil dalawang oras lang naman ang lecture at deretso exam na. Kaya paano niya na-almost perfect ang exam namin? Mostly pa nga sa questions ay hindi pa naituro. First meeting sa subject na ito kaya diagnostic examination ang naganap.

Siguro nga, genius talaga siya. Mapapa-sana all ka na lang sa ganyang score. Kung maa-achieve ko lang ang ganyan kataas, baka hindi na ako mamroblema sa pagpapanggap ko. 'Yon lang naman ang mahirap gayahin kay Ate Felicia, ang pagiging matalino niya.

Ibinaba ni ma'am ang hawak niyang record book para tingnan si Simon. "Who checked your paper?"

Itinaas ko ang isa kong kamay.

Magkasunod kasi kami ng surname ni Simon kaya naman kami ang nagpalitan ng papel. Nagkaroon na naman ng kanya-kanyang bulungan. As if ayaw nilang maniwala. The heck I care!

"For sure they have the same score." Narinig kong bulong ng isa kong kaklase.

At tiyak akong iyan din ang iniisip ng marami. Na nag-cheat kami. Oh, how I wish na sana nga ganyan talaga! Mas pipiliin ko pang mag-cheat at ma-bully nang one whole day kaysa pasakitin ang ulo ni Dad dahil sa mababang marka ko.

"Musia Fuentes . . . your score?" tanong ng prof.

Para akong nasa isang movie, lahat ng mata ay nakaabang sa isasagot ko. Kasabik-sabik na malaman nilang nandaya nga kami ni Simon. Hindi ko naman sila masisisi. Gano'n naman talaga kapag may bagay na hindi matanggap, hahanap tayo ng ibang dahilan para ipaglaban ang alam natin. That's the dark side of life!

Kaysa sagutin ang tanong ni ma'am ay tumayo na lang ako at lumapit sa harapan. Ipinakita ko sa kanya ang lukot kong papel at halos mapunit na.

Lumaki ang singkit niyang mga mata nang makita ang score ko. "Musia, are you okay?"

Kapag mataas ang nakuha kong score, iisipin nilang baka nandaya kami ni Simon. Pero kapag sobrang baba naman, iisipin nilang may problema o baka bobo lang talaga. Gosh, ang buhay nga naman.

Mahirap sa sobrang taas. Mahirap din sa sobrang baba.

"May I go out, ma'am?"

"Go to my office after this class, please. We have to talk," she begged.

"Yes po."

I got a score of twenty. I didn't know how it happened. Baka naduling ako habang nagbabasa, kaya ang sagot ko sa number 2 ay sa number 1 pala talaga? There was a huge possibility that something was wrong in my eyes! Or perhaps in my head?

[Location: Court Field]

NAKAUPO ako sa may bench sa tabi ng puno ng mangga. Alas-diyes pa lang ng umaga. Mataas ang sikat ng araw kaya wala pang nakakalat na mga estudyante.

Game Of Life [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon