Chapter 32

52 9 15
                                    

SIMON FELIPE'S POINT OF VIEW

MAG-DALAWANG oras na akong nasa labas ng gate ng King's University. Hindi naman kasi ako puwedeng tumambay sa loob dahil magagawa akong parusahan ng mga persecutor. Kaya rito ako naghihintay para hindi nila magalaw.

Palakad-lakad ako at kada sampung minuto ay napapantingin sa orasan sa kamay ko.
Kaunti na lang, malapit na akong sumuko at maniwalang baka nga nakaalis na si Aileen. Marami rin kasing gate rito. Baka sa kabila siya dumaan? Kainis.

Napa-attras ako nang may nagbuhos sa akin ng laman ng can beer mula sa driving seat ng isang sasakyan. Nilabas ni Leo ang ulo niya sa bintana at nag middle finger sa akin.

"Gago ka ah! Kulang ka sa aruga?"

Binugahan niya ako ng usok ng sigarilyo kaya lalo akong na-badtrip. "Bro, Kanina pa umalis si Aileen. Huwag kana umasa." Umalis na ang sasakyan matapos sabihin iyon.

Kahit naiinis ako sa bwiset na iyon okay na rin yung binigay niyang impormasyon. Para makauwi na ako. Wala na rin pala yung hinihintay ko.

Naglakad na ako pasakay ng jeep nang tumigil ang napaka pamilyar na sasakyan.

Red matte BMW ang lagi niyang gamit tuwing Tuesday hanggang Friday. Ford Mustang naman tuwing Saturday hanggang Monday. Kaya alam ko kung anong sasakyan ang hahanapin. Bumukas ang bintana ng driver seat.

"Aileen. . . "

"You're searching for me, right?"

"Ahm, oo."

"Then you can ride in my car."

Tumango lamang ako bilang tugon. Bumaba siya ng sasakyan at lumipat sa passenger seat. Ako naman ang pumalit sa puwesto niya sa driver seat. Lagi naman ganito, tuwing sasakay kami sa sasakyan ay ako dapat ang maging driver sa amin.

Habang nagmamaneho ako ay tahimik kami sa isa't isa. Walang imikan. Walang kibuan. Sinusubukan kong mag-pocus sa pagda-drive. Pero tangina masyadong advance ang utak ko piling ko ayos na kami.

Gusto kong hawakan ang kamay niya at yakapin nang mahigpit. Nais kong bumalik na kami sa rati.

"Where are we heading?" tanong nito.

"Ahm, kainan."

"In kalinderya?"

Humigpit ang hawak ko sa manibela. Naalala ko kung saan kami madalas kumain nung kaming dalawa pa. Puro sa mumurahin. Kung hindi sa lugawan doon naman sa bentelogan. Iyon lang kasi ang kaya ng budget ko. Nakaka-buwiset nga tuwing inaalala ko iyon. Ang sakit sa mga mata. Masyado siyang elegante para dalhin doon. Kaya nung nagbreak-up kami, gumawa agad ako ng paraan makapagtrabaho ng freelance.

Para kapag nagbalikan na kami, handa na ako kahit papaano.

"Doon tayo sa restaurant." Sagot ko sa tanong niya. "Sa Class A."

***

NANDITO kami ngayon sa Blackbird Resturant sa Nielson Tower sa may Makati. May reservation seat kami kaya agad na pinapasok sa loob. Napanganga ako sa ganda ng interior design. May paikot na hagdanan sa gitna. Puro 3-panel na French windows ang magkakadikit. Sa kisame naman ay may mga nakasabit na chandelier na pa-square shape at may bulb na warm color.

Umupo na kami sa pangdalawahang upuan matapos i-eskort ng isang staff. Nilibot ko ang atensyon ko sa paligid. Tumagal lang ang tingin ko sa tatlong babaeng foreigner na may sexy na suot. Mukhang wala silang kasamang lalaki. . .

"Have you been here before?" biglaang tanong ni Aileen.

Kainis. Bakit mas maganda pa rin siya sa tatlong foreigner?

Game Of Life [COMPLETED]Where stories live. Discover now