Chapter 28

42 9 11
                                    

MUSIA FUENTES' POINT OF VIEW

MAPAYAPANG naglalakad kami ni Simon sa may coridor. Habang pinaiikutan kami ng anim na bodyguard. Napapangiti na lang ako nang makitang lalong naiinis ang mga mukha ng persecutors. Para nila akong lalamunin ng buhay sa sobrang galit. May iba rin na namangha sa nasaksihan, nagkaroon siguro ng idea para kapag sila naman ang next na target, alam na ang gagawin.

Hired a bodyguard!

Well, first thing first humingi muna sila ng authorization sa University President. Kung papayagan sila? But only Dence Suarez who can do such thing.

Nilingon ko si Simon na nagbabasa pa rin sa hawak niyang libro. Kanina pa siya ganyan noong nasa sasakyan kami. Namiss yata niyang mag-aral o baka sadyang naghahabol lang sa lessons dahil ilang araw kaming absent.

"Malapit na tayo sa hagdanan. Mamaya na pagbabasa." Siniko ko siya sa braso para makuha ang atensyon niya. Pero hindi man lang ako nagawang tignan.

"Ahm, kaya ko ito." He simply said.

"Hindi ka nga hahabulin ng persecutors masusobsob naman ang mukha mo sa hagdanan. Are you crazy?"

"Malapit na ako sa last page." Tipid at kalmado niyang sagot.

Aagawin ko na sana sa kaniya ang libro kaso mabilis siyang humawak sa isang braso ko kaya natulala ako saglit.

"Alalayan mo muna ako. Kailangan ko lang tapusin ito."

Napatango ako. Madali naman akong kausap. "Fine deal. Just one page only?"

"Ahm, oo."

Huminga ako nang malalim at pumayag na lang kahit medyo labag sa loob ko.

Ang pagiging mapursigido niya sa pag-aaral, hindi ko naman maaalis sa kaniya iyon. Mas lalo na wala naman akong karapatan. Saka isa pa, Felicia Fuentes always support her boyfriend. Kung nabubuhay pa siya siguradong hindi niya ito pipigilan sa pagbabasa ng libro. Baka nga sabayan pa. Pero dahil wala sa character traits ko ang pagiging matalino, hindi ko gagawin iyon.

"Ten steps ahead before the stairways." I voiced out.

"Good supply chain management keeps companies out of the headlines and away from expensive recalls and lawsuits. . ." Now he is trying to read loud para siguro mas maintindihan ang binabasa since sobrang ingay ba naman sa paligid namin? Pinaikot ko ang kamay ko sa bewang niya para mas maalalayan ito. Hindi naman siya umimik, as if parang wala lang.

"Papunta na tayo sa 2nd floor. Another ten steps." I reminded him. Para akong may senior citizen na kasama. Gosh.

Nasa pang 3rd floor na kami. Sa malayo pa lang ay tanaw ko si Aileen sa labas ng room namin. Nakasandal siya sa pader habang naka-cross arms at nakapikit ang mga mata.

Mukhang kanina pa siya naghihintay dito. Para saan? Para makita ng malapitan ang pagpaparusa sa amin ni Simon, gawing katatawanan at kumuha ng mga larawan para ipa-frame? Gosh! I really hate her! Kailan ba niya kami titigilan?

Bumagsak ang tingin ko sa suot niyang red string bracelet—katulad ng nasa akin ngayon. Why she was wearing it now? Don't tell me magbabalik Gianne na siya. Impossible!

Flashback. . .

"WAKE up sleepy bird! Look what I bought—the limited edition ng String of Marriage!" Nagtatalon-talon si Gainne sa kwarto ko nang makapasok ito.

Umupo siya sa kama at mabilisang tinanggal sa plastic ang hawak na libro. Niyakap niya at inamoy-amoy pa ang bookcover. Its really gross. But understandable naman as a fan girl.

Game Of Life [COMPLETED]Where stories live. Discover now