Travel 34

6 2 0
                                    

Travel 34

Midnight. We decided to go to tuktok and spent the night there, dala naman namin ang mga sasakyan namin at isa pa maluwag din naman. Presko at wala naman kaming aalalahanin dahil may mga ilaw rin at hindi naman delikado.

Marami pa ring tao sa siyudad kaya bukas pa rin ang mga dilaw na ilaw nila na hanggang dito ay kumikinang.

"Ah! This is so refreshing!" Mav shouted.

"Right! We're so free here!" Yvo said.

"Sana palagi na lang masaya!" Sigaw naman ni Wia.

Katabi ni Wia si Uno, ako naman ang katabi ni Uno at si Jah naman ang sa kabila ko.

"Sana walang mag-bago kapag nalaman na niya!" Uno shouted.

I smiled. Alam ko na hindi ako gusto ni Uno, alam ko na wala siyang ibang motibo sa akin bukod sa pagkakaibigan namin. He won't shout that if he likes me. He won't shout that if he has something to do with me.

Lahat sila ay tumingin sa akin.

"Should I shout too?" I asked and all of them nodded.

I sigh first. "I am healed!" I shouted.

I saw Wia's smile, she looks so proud of me. Ngumiti ako sandali sa kaniya atsaka ko na ibinaling ang tingin ko kay Jah.

"Ako din?" Jah asked.

All of us nodded. Like what I did he sigh first before he do the thing.

"Dito ka lang, wag ka ng umalis!" Sigaw niya.

"Oh, may pinapatamaan!" Pang-aasar ni Mav na tinawanan naman nilang lahat maliban kay Uno.

We had a little chit-chats until Yvo decided to play a music. It was an indie music so everyone is okay with it.

"Kung ayos lang na dito na lang palagi para walang problema." Mav whispered.

"The feminine urge to cry here and thank everyone in siyudad for being a great person." Yvo said.

Wia sigh on that. "All we want is to be happy 'no? You know lahat naman tayo dito successful pero hindi tayo gano'n ka-contented. Not because we're greedy or what but because it's not enough. What we're receiving isn't enough for us, palaging may kulang, palaging hindi sapat." She said.

This is why I love to be with them. They knew when to open up their feelings and thoughts and I really admire them for that. Hindi madaling mag open up sa isang tao pero nakakahanap sila ng tamang tyempo para doon.

"That's why you all should be independent. I'm not saying this to manipulate your mind or to make you all feel bad for relying to others. What I mean is, if you know you're independent you wouldn't think twice if you need to do this or that because you can make a plan on your own. Na kapag sa tingin niyo hindi enough or hindi ka satisfied, at least alam mo sa sarili mo na dapat hindi na 'yon maulit. Malalaman mo na dapat baguhin mo para hindi na maulit, para sa susunod okay na, satisfied ka na. Hindi yung mangangapa ka pa kung saan ka ba nag-kulang, hindi yung kailangan ko pa tanungin yung sarili mo kung mahalaga ka ba kasi hindi mo alam kung bakit ka malungkot." I said.

All of them looked at me. Wia's eyes are still proud while Jah's eyes are shocked.

Parang hindi niya 'yon ineexpect sa akin. But I just want to give them some advice because I know there's a burden or something in their hearts that feels so heavy.

I'm not the type of person that can comfort them but I can listen and give them some words I can say.

"Now I could say being independent isn't bad. Seah has a point though. Her point isn't the normal one, instead it is emotionally focused." Uno said.

"Being independent is a good trait. I'm proud of you, Seah." Jah whispered.

I smiled to them. "Can I be a little dramatic tonight?" I asked and they nodded in sync.

"I just want to say thank you for being my friends here. As you all know I am not a friendly one but we became friends in a snap. Why? I just wanted to and I know that I deserve to be friends with you all or maybe the other reason is I let myself enjoy here and I enjoy your companies. I'm so thankful guys. Thanks for making me happy for these months." I said.

Wia teared up and so Yvo. Nakita ko rin na nag-iwas ng tingin si Mav at Uno. Nanatiling nakatingin si Jah sa akin habang nakangiti.

He suddenly hold my hand. "I'm so proud of you." He said and I smiled to him.

Our chit-chats ended. Sobrang late na rin. Napag-isipan na namin na pumwesto sa kaniya-kaniyang hihigaan.

Dahil mas malaki ang sasakyan ni Wia ay doon na silang apat, magkatabi rin naman na natulog si Yvo at Mav kaya nagkaroon pa ng free more space si Wia at Uno sa unahan.

"Saan ka?" Jah asked.

"Driver's seat. Doon madalas ang pwesto ko e." Sagot ko naman.

Pumasok siya ng sasakyan atsaka inayos 'yon. Hinayaan ko na lang siya.

I sent a voice message to Danna, telling her about what happened to my day. I even described the view I am seeing right now. For sure she'll hear it tomorrow and she'll call me right away.

"Seah." Jah called.

Pag-lapit ko sa kaniya ay nginitian niya ako kaya nginitian ko rin siya. Nakakahawa ang ngiti niya, hindi ko maitatanggi 'yon.

"Good night." He whispered.

"Good night, Jah." I said.

Nang makita kong maayos na ang pagkakahiga niya sa passenger seat ay ipinikit ko na ang mata ko.

"Please don't hate me."

Next morning I woke up because of some noises, galing iyon sa bibig ni Uno at Wia. Sila naman ngayon ang nagbabangayan.

"Huwag na kasi Ate!"

"Bakit ba ang arte mo? Dalian mo na!"

"Ate ayoko!"

"Uno! Bilisan mo na!"

Bumaba ako ng sasakyan, tulog pa rin naman si Jah gano'n din si Yvo at Mav.

"Hey."

"Seah..." Sabay na sabi nila.

"Is there a problem? Bakit ang ingay niyo?"

Nagtinginan muna sila. "Si Uno kasi ayaw sumunod sa akin, siya rin naman ang gagawa no'n nag-iinarte pa."

"Alin?"

"Kasi Seah itong si Ate Wia inuutusan ako bumili doon sa siyudad doon sa pinagkainan niyo, nung nakaraan kasi na bumili kami ni Mav ng ulam doon natuwa sa akin yung nagtitinda." Uno said.

"Natuwa?"

"Oo, Seah! Ni-reto siya nung nagtitinda sa anak, bibigyan nga daw siya ng discount kapag bumalik siya kaya siya ang inuutusan ko na bumili ng ulam natin for lunch. Kaso, nagiinarte naman ngayon." Wia said.

"Should I come with you, Uno?" I said.

From a dark aura it change to bright aura. "Sure! Deal! I'll tell them you're my-"

"I will only come with you for a discount, don't say anything. We'll casually buy there." I said.

Tawang-tawa naman si Wia dahil doon, wala ng nagawa si Uno dahil doon.

Inaya ko na rin siyang sasakyan ko na lang ang gamitin, nagyayaya na rin kasing bumalik sa beach si Wia dahil mainit na rin dito sa tuktok. Doon na lang daw kami mag-kita.

"I'll drive-"

"No, Uno. Ako na." Sabi ko.

Hindi na siya nagpumilit, sumakay na lang siya sa back seat. He even looked at Jah who is now still sleeping in my passenger.

"Hindi mo ba siya gigisingin?"

"Nope. Let him sleep, late na rin siya natulog kagabi e."

I heard his sigh.

"What's with the sigh?"

"Nothing..."

He's kinda suspicious but I will let it pass, nakakaramdam na rin ako ng gutom.

--
SassyKylie

My Destination (MY Series #3)Where stories live. Discover now