Travel 22

9 2 0
                                    

Travel 22

"Last night niyo na po tonight?" Wia asked to one of the elders and they nodded.

"Oo, tapos na ang ilang araw na bakasyon. Balik na ulit." Sagot niya at nagtawanan ang lahat.

Katabi ko ngayon si Cookie, kumapit siya sa braso ko at tumingin sa akin. "Ate mamimiss po kita..." Bulong niya sa akin.

I pat her head. "Of course I will miss you too." Sabi ko sa kaniya.

Lahat kami ay nandito sa buhanginan, nakapaikot at nasa gitna ang bonfire na ginawa nila Tito at Jah.

Maaga pa kaya gising pa ang diwa ng mga bata, tapos na rin naman kaming maghapunan kaya snacks na lang ang kinakain ng iba at niluluto dito.

Katabi ko sa kaliwa si Wia na masayang nakikipaglaro sa katabi niyang bata at sa harapan ko naman si Jah na katabi si Coco, katulad ni Cookie nakahawak din sa braso niya si Coco na parang ayaw na siyang bitawan.

Nag usap-usap lang ang ilang elders tungkol sa buhay, sa mga anak nila at sa kung ano-ano pa. Minsan natatanong kami, pero mas madalas akong tanungin.

"Ikaw Seah, kamusta ang trabaho?" Tita asked, Cookie and Coco's mother.

"Good po, wala namang problema." Sagot ko at ngumiti sa kaniya.

"Rinig ko sikat ang pamilya niyo, sigurado ako madaming maiinggit sa iyo kaya mas galingan mo pa." She said.

"Mommy gusto ko po maging katulad ni Ate Seah pag-laki ko!" Sabi ni Cookie kaya nagtawanan kami.

"You'll be like me soon but you'll be better than me." Sabi ko sabay pisil sa pisngi niya.

Ilang oras pa ang tinagal namin at isa-isa na rin silang bumalik sa kani-kanilang mga kwarto, kami na lang ni Tita, Tito, Wia, Jah, Cookie at Coco ang natira dito.

Nagpaalam ang kambal na magtatagal muna sila dito dahil sa akin at dahil kay Jah. Aware naman ang parents nila na sobrang malapit sila sa amin kaya walang problema kahit na hindi nila katabing matulog ang dalawang 'to.

"Maybe after two days, uuwi na rin kami." Pag-umpisa ng usapan ni Tito.

"Daddy?" Wia said.

"Actually kanina lang namin napag-usapan ng Daddy mo. Uuwi na rin naman bukas ang mga tita mo, wala na ring reason para mag-stay kami dito." Tita said.

Nanatili akong tahimik habang nilalaro ang kamay ni Cookie, kanina pa rin nakahawak ang kabilang kamay niya sa bracelet ko kaya hinahayaan ko lang.

"We're here naman." Wia said.

"We're not in your age Wia atsaka marami pa rin kaming dapat asikasuhin, alam mo naman na bakasyon lang 'to." Tita answered.

"Your Mom was right, pwede naman kayong mag-tagal pa ng ilang araw dito kung gusto niyo pa. This is private, may ilang trusted crews din naman na madali niyo lang mako-contact. Andiyan rin naman si Jah..." Tito said and looked at him.

"Opo." He answered politely.

Tumingin ako kay Wia, hindi ko alam kung uma-acting lang ba siya sa ngayon pero alam ko na gusto niya na rin na umuwi ang parents niya.

"Alright so after two days, mauna na kayong umuwi?" Wia repeat and her parents nodded.

"Oo, dito na lang muna kayo. Accessible naman ang private pantry doon, may crews din na tutulong sa inyo, may sasakyan din naman kayo pwede kayong bumaba sa siyudad. If you three will get short of money just contact us." Tito said.

"Alright, then." Wia said.

"Ako na po bahala sa kanilang dalawa Tito, Tita, sumbong ko po si Wia sa inyo kapag nang-inis lang 'to dito..." Jah said and the elders chuckled.

My Destination (MY Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon