Travel 8

10 3 0
                                    

Travel 8

Today is the day. Ngayong araw ang alis namin papunta sa beach na sinasabi sa akin ni Wia.

Naka-ayos na rin ang lahat ng gamit ko at handang-handa na talagang umalis. Hindi naman sasama si Danna pero tinutulungan niya ako sa ibang gamit ko.

"Ilang araw ka ba do'n?" Tanong niya.

"Nakalimutan ko na kung hanggang kailan kami do'n pero siguro kung ayos lang na mag-tagal, mag-tatagal ako. Magsasabi na lang ako sayo." Sagot ko sa kaniya.

Alam kong alam niya na matatagalan ako doon. Gusto ko rin naman talagang mag-tagal kahit na hindi ko pa nakikita yung lugar.

I just want to escape.

"Full tank ka ba? Tell me if you need cash okay?" Sabi niya at iniabot sa akin ang tote bag ko.

"Everything's settled Danna, wala ka na dapat ipag-alala." Sabi ko at ngumiti.

This isn't the first time I will go without her, sanay naman siya na madalas akong wala sa bahay pero ngayon ay nag-aalala siya sa akin dahil nga sa nangyari sa akin nung mga nakaraang araw.

"I'll go now, tell Mom or Dad na umalis na ako. I'll message you." Sabi ko sabay sakay sa sasakyan ko.

"Enjoy and take care!"

"Update me if you'll keep dating that guy huh? Mukha naman siyang matino e."

Ngumiti lang siya sa akin, "Yes. I'll keep you updated. Sige na, ingat!" Sabi niya.

I went straight to Wia's house, mabuti na lang at naka-ayos na rin siya. Hindi na ako matatagalan sa pag-intay.

"Seah!"

"Wia..."

"Intayin mo muna ako sa baba, hindi pa ako tapos mag-ayos e. Bababa na rin ako agad pag-tapos ko." Sabi niya at tumango ako, bumalik na siya sa kwarto niya.

Hindi naman na ako bago sa bahay nila, dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Nasa sasakyan ko ang tumbler ko, kaya dito na lang muna ako makiki-inom.

"Ay naunahan ako."

Napatingin ako sa nag-salitang iyon atsaka naman tumaas ang kilay ko. Bakit siya nandito? Is he related to Wia?

"Tapos ka na ba uminom? Ako naman." Sabi niya.

Hindi pa rin ako sumagot pero tinitignan ko lang siya, trying to figure out what is he doing here.

Hindi naman namin nakakasama si Wia sa family lunch at dinner namin sa bahay nila Auntie dahil kaming dalawa lang palagi ni Danna ang nagpupunta roon.

Hindi rin naman nasasabi sa akin ni Wia na kilala niya ito?

"Tititig ka na lang ba diyan? Uhaw na ako dito oh, baka gusto mong tumabi kahit konti?" Sabi niya pero nakangiti.

Umalis ako doon habang hawak hawak ang bottled water na kinuha ko sa ref nila Wia.

Binibisita niya ba lahat ng bahay at palaging makiki-inom ng tubig?

"Kalma naman sa pag-titig, ramdam na ramdam ko e." Sabi niya sabay tumawa ng mahina.

Umiling-iling ako, he is so annoying. Hindi ko alam kung bakit pinapakisamahan ko pa siya dito sa kusina.

Umalis ako doon at hinintay lang si Wia sa sala, wala na akong pakialam kung bakit siya nandito o kung sundan man niya ako.

"Ang tagal naman, excited na ako." Rinig kong sabi niya mula sa kusina.

Hindi ko alam kung related ba siya kay Wia pero hindi ba siya nahihiya? Sumisigaw siya dito sa bahay nila Wia, hindi lang naman siya ang tao rito?

My Destination (MY Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon