Travel 27

5 1 0
                                    

Travel 27

"Seah would you be okay if some people I know come here? They're not models, you know some of them din." Wia said.

Gabi na at nagpapalipas na lang kami ng oras ngayon dito, kanina pa rin naka-open ang music kaya mas nakakadagdag good vibes.

"Yeah sure." I answered.

"Ay Jah, punta din daw si Uno dito."

"Uno? Sino 'yon?" Jah asked.

"Si Uno the first." Sagot ni Wia sabay tawa.

I don't know who is that Uno and I don't even get what they're talking about kaya nanahimik na lang ako habang nagp-phone.

"Kailan daw?"

"Bukas agad, last week pa ako nito kinukulit e." She said.

"Bakit ikaw ang kinukulit? Pangit niya." Sagot naman ni Jah.

"Kaya ayaw ka niya kausapin e lagi mo kasi inaasar. Anyway, dalawa lang naman dadating bukas plus si Uno pa so basically magiging anim tayo dito." Wia said.

Sinabi pa sa akin ni Wia na common friend daw yung babae, hindi ko na muna tinanong kung sino dahil bukas ay makikita ko din naman sila.

I'm somewhat curious to Uno, ngayon ko lang kasi nakita si Jah na nag-taray ng ganito usually kasi ay nang-aasar siya o 'di kaya naman ay nakangiti pero dahil narinig niya ang pangalan ni Uno kay Wia, natahimik naman agad siya at magkasalubong na ang kilay ngayon.

I don't know who is Uno but I guess Jah don't like him or her that much.

Nauna nang pumunta sa kwarto niya si Jah, sabi niya ay magpapahinga na muna daw siya pero ten pa lang ng gabi madalas ganitong oras pa siya kumakain ng snacks ulit.

"Who's Uno?" I asked Wia.

"Uno? He's a friend, parehas kay Jah." She answered.

So Uno is a guy.

"Ah, okay." I answered.

"Why? Ngayon ka lang yata na-curious sa isang tao ah?" Tanong naman ni Wia.

"Nothing actually, nakita ko lang kasi na biglang tumaas kilay ni Jah kanina nung minention mo yung Uno." Sabi ko naman.

Tumawa muna siya bago sumagot sa akin. "Best of friends sila ni Uno pero madalas mag-away kaya ganiyan, lakas kasi mang-asar ni Uno e." Sabi naman niya.

"So he's a funny guy too? Like Jah?" I asked.

Wia's right, ngayon lang ako na-curious ng ganito sa isang tao.

"Similar pero mas funny talaga si Uno, si Jah naman kasi vibe at maingay din pero may times na grumpy at attitude 'yan si Jah unlike Uno, hindi ko pa talaga siya nakikita na nag-taray kahit kailan. Kumbaga both of them are funny and cute pero si Jah may serious side si Uno wala talaga." She explained.

I nod multiple times to her, mukhang masaya naman kasama si Uno kasi naging masaya naman akong kasama si Jah. I thought I am the only one who saw Jah's serious side, hindi pala, gano'n pala talaga siya natityempuhan lang.

I still remember how he comforted me using his deep voice and english words, he really was so serious there.

Nauna na rin na pumasok sa kwarto si Wia kaya naiwan na lang ako dito sa kubo, ilang saglit lang ay lumabas din ako at umupo doon sa mga kahoy na nakapaikot, ito ang ginamit noong gabi bago umuwi sila Cookie.

I miss the twins already.

Malakas ang hangin na humahampas sa balat ko, good thing I am wearing a jacket right now, pero dahil hindi naman nakazipper 'yon ramdam na ramdam ko pa din ang hangin. Hindi talaga pwedeng hindi naka-jacket dito kapag gabi dahil sobrang lamig.

Dahil hindi ko naman alam kung paano ko lalagyan ng apoy ang mga kahoy dito para maging bonfire, niyakap ko na lang ang sarili ko para naman maging warm pa rin ang pakiramdam ko.

"Payakap, joke."

Napatingin ako sa kaniya, hindi na magkasalubong ang kilay niya at maamo na rin ulit ang mukha niya. He is smiling genuinely right now.

"Hi, bakit ka lumabas?" I asked.

"Bawal? Balik na ba ako?" Sabi niya.

Tinignan ko siya ng masama kaya ngumiti lang siya sa akin atsaka umupo sa tabi ko.

"Nakakaboring sa loob e tsaka gusto ko dito." Sagot niya.

"Lamig..." I whispered.

"Wait me here." He said and run towards to kubo.

Pag-balik niya ay may dala-dala na siyang isang blanket at ginawa na rin niya ang bonfire kaya mas naging warm na ang pakiramdam ko, inabot niya lang sa akin ang blanket na kinuha niya sa kubo.

"Do you want to share?" I asked him.

Napansin ko kasi na medyo nilalamig din siya, malaki-laki rin naman ang kumot at ayos lang sa akin kung mag-share kami dito kesa bumalik pa ulit siya sa kubo para kumuha pa ng isa.

"Sure ka? Hindi ka ba magiging uncomfortable?" He asked.

I smiled. I'm glad he's thinking about my perspective, he's a good guy indeed.

Umiling ako sa kaniya. "It's fine." I said.

Kinuha niya ang dulo ng blanket at inilagay 'yon sa katawan niya. Parehas kami ngayong nakatingin sa bonfire.

"Seah tungkol pala sa narinig mo doon sa restaurant kanina-"

"Don't worry Jah, I know it's not like that." Sagot ko sa kaniya.

Ayokong mapag-usapan namin ang tungkol doon dahil alam ko naman na hindi gano'n ang intensyon niya kung bakit niya ako dinala doon.

Ilang saglit lang din ang itinagal ko at nagpaalam na rin ako kay Jah, mas lumalamig na rin kasi at para sa akin hindi na sapat ang jacket, bonfire at blanket, isa pa gusto ko na rin na magpahinga.

"Ingat sa paglalakad, thank you for today." He said and I just smiled to him.

In my room, I spent my time using my phone. I barely move to my bed, nang makaramdam na ako ng antok ay doon ko na lang basta ipinikit ang mata ko.

Next morning I woke up with a sore body, mali yata ang pwesto ng tulog ko kagabi sa sobrang kaantukan.

Pag-labas ko ng kwarto ay nakita ko na agad ang ilang mga tao sa kubo kaya agad akong bumalik sa kwarto.

Dumiretso ako sa restroom at doon nag-ayos ng sarili, I am not yet familiar to them so I want to look presentable in front of them.

"Seah, good morning!" Wia greeted.

"Hi, good morning." I greeted back.

"So Seah this is Yvonne and Maverick, you can call them Yvo and Mav in short, do you remember Yvo? Nakasama natin siya sa parties ng company niyo before. Told you, common friend." Wia said.

"I don't really remember sorry." I said.

Binati rin nila ako ng good morning kaya binati ko na rin sila, they're a couple and they really look so good to each other. Though they're not models like Wia, their gorgeous faces are on another level. Ang hirap tumabi sa kanila dahil ang gaganda at pogi nila.

Lumingon-lingon ako pero hindi ko pa napapansin kung nasaan si Jah, siya lang ang kulang ngayon dito.

"Jah ba hanap mo? Sinundo niya si Uno, maya-maya lang nandito na 'yon kumain ka muna ng breakfast." Wia said.

I did what I was told, sabay-sabay kaming kumain ng breakfast at sila Yvo at Mav na rin ang nag-yaya na mag-ayos.

Yvo is introvert just like me while Mav is extrovert, ang dami nilang differences pero makikita naman sa kanila na super match sila.

"Oh ayan na pala sila Jah e." Wia announced while looking at the entrance.

Napatingin agad ako doon at nakita ko naman na nakasimangot si Jah at nakangiti naman ng sobrang lawak ang katabi niya. Is he really this annoyed to his best friend?

Now he knows the feeling of being annoyed.

But he looks cute in that face.

--
SassyKylie

My Destination (MY Series #3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora