Travel 30

7 2 0
                                    

Travel 30

Weeks had passed, mas lalo na kaming naging close nila Mav, Yvo at lalo na si Uno. Marami na rin akong nalaman tungkol sa kanila.

"Ewan ko ba diyan kay Jah, may galit palagi sa akin." Sabi ni Uno habang nagpapainit ng kamay.

Nandito kami ngayon sa labas, nag-set ulit ng bonfire sila Jah, kakatapos lang din naman namin mag-dinner kaya pare-parehas lang kaming nagpapalipas ng oras.

"Nakakainis ka kasi." Mahinang sagot ni Jah.

"But you two look cute though." Yvo commented and Wia and I agreed with that.

Inasar pa ng inasar ni Uno si Jah na ikinatawa lang naming lahat, sa dalawang linggo na nakasama ko silang tatlo ay masasabi ko na mas naging maganda at memorable ang pag-stay ko dito.

Three days from now, babalik na ako ulit sa reyalidad. I'll start working again. I'll make myself tired and drained again. Kaya ngayon pa lang, sinusulat ko na lahat ng oras na nandito ako dahil hindi ko alam kung kailan ulit ako makakabalik o kung makakabalik pa ba ako.

"Umurong ka nga, diyan ako sa tabi ni Seah." Sabi niya sabay hawi kay Uno.

"Alam niyo kayo? Palagi na lang kayo nag-aaway, Seah dito ka nga sa tabi ko 'wag mong tabihan sila Jah hayaan mo sila mag-tabi." Sabi ni Wia at hinatak ako papunta sa kaniya.

Dahil magkatabi sila ni Yvonne, ipinagitna nila akong dalawa para hindi ako matabihan ng isa kila Uno at Jah.

I smiled when I saw Jah's annoyed face, Uno is just pouting. Silang dalawa ang magkatabi doon dahil katabi ni Yvonne sa kanan si Mav.

"Urong nga."

"Ayan ang laki-laki ng space mo e, maniniksik ka pa."

"Ano ba? Uurong ka lang dami mo pang satsat."

"Arte mo Jah."

"Talaga!"

Sabay-sabay kaming napatayo nila Mav, Yvo at Wia dahil nag-umpisa na naman silang mag-away. Napatingin sila sa amin, parehas pa silang nag-taka.

"Oh? Bakit kayo nakatayo?" Uno asked.

"Seah?" Jah said.

Dahil hindi nag-salita si Yvo at Mav, hindi na rin kami nag-salita ni Wia. Dumiretso silang dalawa sa kubo na sinundan lang namin ni Wia.

Napansin ko pa na sobrang clueless silang dalawa doon, hindi rin sila gumagalaw sa pwesto nila kaya medyo natawa ako dahil doon.

Sa kubo, tinitignan ko lang silang dalawa na nag-aaway pa rin hanggang ngayon. Pinag-uusapan nila Wia ang dalawa, kanina pa nila 'to pinagtatawanan na nasasabayan ko naman.

I wonder why those two keeps on bickering when in fact they're best of friends. I have this gut feeling na hindi lang sila basta best friends, sobrang dami nilang similarities at isa pa medyo may pagka-hawig sila.

I'm too shy to ask them even Wia, hindi naman kasi ako ganoon ka-curious, napapaisip lang talaga ako minsan.

Maybe I can ask for Jah's surname, gusto ko lang naman i-compare.

"Wia?"

"Hmm?"

Sa akin na nabaling ang atensyon niya kaya medyo kinabahan ako doon. Inaya ko muna siya sandali na lumabas ng kubo para matanong ko siya ng kaming dalawa lang, this question is kinda personal. Wala akong permission ni Jah kung ayos lang ba na ipaalam kay Yvo at Mav 'yon.

"What is it Seah?" She asked.

"Uhm can I ask something about Jah? Kinda personal." I said.

She simply nodded. "Of course, ask me anything. Sasagutin ko kung alam ko." She said.

My Destination (MY Series #3)Where stories live. Discover now