Travel 17

6 2 0
                                    

Travel 17

"Aminin mo nga sa akin, ano ng meron sa inyo ni Jah?" Wia asked.

Tumingin ako ng diretso sa kaniya. Ano bang isasagot ko?

"Friends?" Sagot ko sa kaniya.

"Friends? Tapos hindi ka pa sure sa sagot mo? Anyway, ano ba okay na kayo like hindi na talaga kayo nag-aaway like before?" She asked again.

Tumango ako. "Wala na rin naman kasi kaming pag-aawayan. Tsaka isa pa wala na akong oras para makipag-talo kay Jah." Sagot ko sa kaniya.

She smiled because of that. "His name is prettier when its from you, Seah."

Kumunot ang noo ko. "May ibig sabihin ka ba?"

Umiling-iling siya sa akin. "Wala ah, ang sinasabi ko lang naman ang ganda ng pangalan niya kapag ikaw yung tumatawag." Sabi niya sabay tawa.

"Nakakaduda ka." Bulong ko sa kaniya.

"Upo nga tayo, bakit kasi ayaw mo sabihin lahat sa akin? Para namang hindi ko kayo nakikita e nasa iisang isla lang naman tayo." Sabi niya.

What? Nakikita niya kami?

"Huh?"

"Oh see, hindi ka nga aware na nakikita ko kayo palagi. Duh, nasa kubo ako lagi nakatambay!" Sabi niya at tawa na naman.

Sa aming dalawa halatang si Wia lang ang masaya dahil ako lang ang natatahimik dito.

"I told you he's nice, kaya okay lahat ng tao kay Jah e. Masiyado kasing mabait, funny pa." Sabi niya sa akin.

"Yeah... I guess?"

Umiling siyang muli sa akin. "Bakit kasi ayaw mo pa tanggapin ng buo sa sarili mo na okay naman si Jah? Okay na nga kayo e, napapatawa ka na niya, you even let him touch and help you which is so unusual of you Seah." She stated.

She's right. I don't let anyone to touch me because I really hate physical touch. Tanging si Danna at Wia lang ang hinahayaan ko sa gano'n pero ngayon, nagawa na rin sa akin ni Jah.

"But Wia we are just friends. Hindi naman kasi kami ganoong ka close-"

"Ayan ka na naman sa boundaries mo e. Try mo na lang i-clear kay Jah kung friend ba kayo o kakilala lang, gets ko naman na mahilig ka mag set ng boundaries Seah pero you know Jah is different, nasa iisang lugar lang din kayong dalawa. Imposible na hindi kayo maging close as in close, kaya kung ako sayo i-klaro mo sa kaniya na friends kayo, period." Sabi naman niya sa akin.

"Yeah. Okay, I will do that." Sagot ko naman.

Wala naman na talagang masama kung makipag-kaibigan ako kay Jah. He's nice and quite funny, I can agree to Wia.

"I told you to be true to yourself right? So if you think its better to be close as in close to Jah then go, hindi naman 'yan ibang tao. Malapit naman si Jah sa pamilya ko, sa pamilya mo, kaya wala ng kaso kung maging close na rin kayo. Don't be too much in setting boundaries Seah. Like what I always tell, Jah is nice, give him a chance to know who you are... I am pretty sure both of you will have fun to each other's company. Funny niyo kaya tignan." Sabi niya.

Sobrang dami niyang sinasabi at unti-unti namang nag sisink-in sa akin 'yon.

"If we'll have a chance to talk later, I am going to ask him about being friends. It will be awkward din kung hindi ko alam kung pa'no siya kakausapin kung kasama natin sila Tita." Sagot ko sa kaniya.

"Right! Tama ka diyan! Tara na balik na tayo do'n para naman makapag-usap pa kayo." Sabi niya sabay aya sa akin lumakad pabalik sa kubo.

Agad kaming sinalubong ni Cookie, agad siyang yumakap sa amin ni Wia pero hindi na siya umalis sa tabi ko.

My Destination (MY Series #3)Where stories live. Discover now