"Baby." I softly called Celine.

Agad naman kaming bumaba para puntahan ang kwarto ni Keisha, nung nakaraang buwan ko lang sya nakita ay malusog at mukhang malakas pa sya. Pero ngayon ay halos bagsak na ang katawan nya, namumutla ang labi at bahagyang lagas na ang kanyang buhok.

"Amyrah. . . You came, i-i want to tell you and asking you a favor." Paos ang boses na sambit nya.

Nasa kandungan ko si Celine at tumango naman ako bilang sagot.

"Hindi ko na kaya. . . Gustuhin ko mang mabuhay para sa. . . Sa anak ko ay bumibigay na ang katawan ko. . . Hindi. . . Hindi na kaya ng chemotherapy dahil halos. . . Halos kalahati ng katawan ko ay bumibigay na. . . I know this is to much pero, can you both take care of my baby? Celine likes you a lot, Amyrah. I know mag kakasundo kayong dalawa, Celine. . . Celine was a sweet and adorable kid kaya. . . Kaya sana huwag nyo syang pababayaan, she was too young kaya. . . Kaya ko sya sainyo gustong iwan dahil wala naman ang papa nya. May sarili ng pamilya ang papa nya kaya alam kong hindi nya maalalagaan ang anak ko. Tatawin kong malaking utang na loob ang lahat ng tulong mo Amyrah, lalo na sa pagaalaga sa anak ko." She reached my hand at pinisil ’yon.

I like Celine too, kay naman ay walang pagaalinlangan na tumango ako. Tinawag nya si Celine na umupo naman sa ibabaw ng kama nya. She kissed Celine cheek's.

"Baby remember i always told you? Na kapag. . . Kapag hindi nakasurvive si mommy sasama ka kay tito papa? Anak. . . Hindi na kaya ni mommy, you know that i love you right? Matutulog na si mommy. . . We will see each other again naman pero hindi pa ngayon, okay." Celine nodded, bahagyang pang nanginginig ang kanyang labi kaya naman ay nahabag ako.

Hinimas ko ang likod ni Celine ng mag-simula na ’tong umiyak. "Mommy, do-don’t leave me please, i will promise po. . . I wouldn't eat chocolate na po and i will be a good girl na po, just. . . Just don't leave me please." Celine cried, habang nakayakap sa tyan ni Keisha.

Nanubig na rin ang aking mata dahil naawa ako sa kalagayan nilang dalawa, kung pwede lang na palit kami ng sitwasyon para hindi mawalan ng ina si Celine ay gagawin ko.

"Just please don't make this too hard to me, Amoure Celine." Paos pa rin ang boses ni Keisha.

"Mommy always love you okay, be a good girl to Mama Amyrah ang Papa Vesillius okay." Paalala pa ni Keisha bago hinalikan si Celine.

Keisha slowly closed her eyes bago narinig namin ang tunog ng aparato na nakakabit sa kanya.

"Wala na ang mommy ko, she. . . She's already sleeping and left me." Celine cried.

Niyakap ko ’to ng mahigpit kahit gusto ko na ring maiyak ay pinigilan ko ang sarili ko. I hug Celine tightly, bahagyang pang isinasayaw ito para tumigil sya sa pag-iyak hanggang bumagsak ang ulo nya balikat ko tanda na nakatulog na sya.

I sigh at hinarap si Celine sa akin para punasan ang basa nyang pisnge at ayusin ang nagulo nyang buhok.

"You will be a great and good mom to her." Vesillius said at naupo sa tabi ko.

Isinandal ko ang ulo ko sa kanyang balikat habang hawak ko si Celine, naramdaman ko na lang ang bigat ng talukap ng mata ko hanggang sa makatulog ako.

Kinabukasan ay nagising ako sa unfamiliar room. Babangon na sana ako ng makita ang mahimbing at maamong mukha ni Celine na nakahiga sa tabi ko, habang si Vesillius ay nasa tabi ni Celine. Nasa gitna namin si Celine, rinig ko pa ang mahinang hilik nilang dalawa.

I kissed their both forehead bago tumayo para magluto ng agahan namin.

Pagbaba ko ay tumambad sa akin ang malawak na sala, siguro ay bahay ito ni Vesillius. Modern lang ang bahay hindi ganong kalaki hindi rin ganong kaliit katamtaman lang ang laki.

Napatingin ako sa mga picture frame, muntikan pa akong magulat ng halos puros mukha at picture namin ni Vesillius ang nasa stante ng mga picture.

May malaking picture ron na nakasuot kami ng toga ni Vesillius siguro ay iyon ’yong araw ng graduation namin. We both wearing our medal habang nakapulupot ang kamay nya sa aking bewang at hawak namin ang dalawa naming medal na pareho pa naming itinaas para ipakita.

I smiled we both graduate, magna at summa cum laude.

Ang isang picture ay nung nasa beach kami, stolen shot pero maganda ang pagkakakuha nya. Yong isa naman ay yong nasa paris kami another stolen and couple shot namin.

Ang iba ay mga picture ko na, na hindi ko alam kung saan nya nakuha. Meron pa akong solo picture ron na nakasuot ng toga magkatabi ang picture namin don kaya napangiti ako.

I cooked bacon, fired rice, egg, hotdog and ham.

Buhat-buhat ni Vesillius si Celine ng bumaba sila, i kissed Celine cheek's. "Good morning, baby." Bati ko kay Celine.

"Ako, wala?" I rolled my eyes to Vesillius at pinaghainan na si Celine ng pagkain.

"Wait, i'll answer this call." Paalam ko sa kanila at sinagot ang tawag ni Carlo.

[ Beb? ] Sagot ko sa tawag nya.

[ Nakahanap na me ng school na pwede tayong mag turo, pero wala ng slot for pre-school. Puros highschool lang ang slot. ] He said, napangiwi naman ako ron.

[ Okay na yan basta makakapag turo tayo, later uuwi ako. ] Sagot ko naman sa kanya.

[ Wag na gaga, dadaan na lang ako riyan sayang gas beb, mahal ng gas ngayon. ] Ungot nya pa, tumango na lamang ako kahit hindi nya pa ako nakikita.

[ Sure ka bang okay lang na sa highschool ka magtuturo? Eh diba mas sanay ka sa pre-school. ] He worriedly ask me.

[ Don't worry about me, hindi rin naman ako mapipirmi lalo’t hinahanap-hanap ng katawan ko ang pagtuturo. ] Sumandal ako sa pader habang hawak ang telepono.

[ Sige na, babush na. Kakain pa ako. ] Ibinaba ko na ang tawag at bumalik na sa lamesa.

Nakasimangot si Vesillius ng datnan ko, inirapan pa ako nito ng tignan ko sya. Problema ba nito?

Pagsamo | Montecillio Series #1Where stories live. Discover now