Chapter 33

110 3 0
                                    

33 : 2nd Anniversary

*****

"Woah, ate ano yan?" Autumn ask me dahil nakita nya akong may hawak na box.

"Nothing." Aniya ko at agad na itinago ang box sa likod ko.

"Sus, para yan sa second anniversary nyo ’no? Ate, yiii." Pang aasar pa nito, napakamot na lamang ako sa ulo at tumango.

Kesa naman sabihin ko na death threats itong hawak ko, ay yun na lang ang idahilan ko.

"Ang sweet, pero sa amin hindi ka naman nag gaganyan." Nakasimangot pa nitong saad.

Lalo lamang akong nailang at napakamot sa aking ulo. "Next time, gagawan ko kayo." Sambit ko.

Matutuwa pa kaya kayo kapag nalaman nyong death threats ang laman ng box na’to.

Inayos ko na ang suot ko, i’m wearing khaki pants and white tank top. Partner a white rubber shoes, nakalugay din ang buhok ko na kinulot ni Adalia ang dulo. Nilagyan naman ako ni Autumn ng light make up.

They said i look like a angel, kasalungat daw non ang ugali ko.

Inayos ko ang pustura ko at tumingin ulit sa salamin, kinakabahan ako na natatae. Hindi naman ’to ang unang beses na mag a-anniversary kami ni Vesillius pero kinakabahan pa rin ako.

"Fighting." Eli whispered, dahil alam kong ramdam nyang kinakabahan ako.

"Hi, Miss Beautiful." Bungad ni Vesillius.

He's holding a bucket of red tulips, he's wearing white polo and jeans naka rubber shoes lang din sya. Mas lalo akong kinabahan ng makita ang bmw series 7 na sasakyan nya.

Napatampal ako ng noo ng maalala ang ginawa namin don, isa iyon sa dahilan kung bakit ako kinakabahan ngayon. Baka maulit-ulit, at bumigay na naman ako.

"Love, chill. I won't bite you." Pilyong sabi ni Vesillius pero sinuntok ko lang ang braso nya.

"Kingina mo, manahimik kana lang." Inis na sabi ko at pinunasan sa pants ko ang kamay kong namamawis nya.

"Hey, kalma okay." Natatawang sabi nya dahil hindi na ako halos huminga ng sya mismo ang mag lagay ng seatbelt ko.

"Ayoko na, ba-baba na lang ako." I said at akmang bubuksan na ang pintuan ng kabigin nya ang bewang ko.

"Okay, I'm sorry. Just please breathe. Mamatay ka talaga kapag pinigilan mo yang hininga mo." Kalmadong sabi nya.

Doon ko lang na-realize na hindi pala ako humihinga ng maayos simula ng makasama ko sya sa sasakyan nya.

"Dapat kasi nag motor na lang tayo." Ungot ko pa at humalakipkip na sumandal sa headboard ng kotse nya.

"Do you want to use your motorcycle? If that makes you comfortable to me, then we will use your motorcycle." He said at inabot ang kamay ko para pakalmahin ako lalo.

Bumuntong-hininga naman ako, i don't know kung anong kinakatakot ko. Yung bang death threats na nakarating kaninang umaga o yung nangyari sa amin ni Vesillius.

Hindi naman ako tanga para hindi agad malaman kung bakit ganito ang nararamdaman ko, sobrang babaw naman kung dahil lang sa nangyari sa amin ay nagkakaganito ako.

Hinawakan ko ang kamay ni Vesillius at dinala ’yon sa aking labi. "I'm sorry, i'm just scared." I said using my lower voice.

"Scared for what? About what happened to us? Okay, i’m sorry if that way i scared y—

"What? No. I enjoy that, i'm scared that. . . That it was the last time we bond, or baka ito na yung huli nating pagkikita." Bulong ko habang patuloy na pinaglalaruan ang daliri nya.

"Hinding-hindi mangyayari yun, hindi ako papayag na mawala ka sa’kin. Not now, not never. Kahit itaya ko pa ang buhay ko wag ka lang mawala sa’kin. Gagawin ko, just tell me baby, what's bothering you." He said at inayos ang buhok ko nilagay nya yun sa aking tainga.

"What's bothering my baby, hmm? You're overthinking again? I told you, baby, tell me everything that makes you overthink. I want you to be at peace, so tell me what's bothering you." He said softly and slowly touching my cheeks.

"Natatakot lang ako, na baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at itakbo kita. Malayo sa kanila, malayo sa lahat. ’yung tayong dalawa lang, walang iba. Yung hindi na ako natatakot kasi alam kong kaya kitang ipaglaban." I said, still holding my tears.

"My baby." He then pouting.

"Come here." He tapped he's lap at lumapit naman ako ron para umupo.

"Kung darating man ang panahon na kailangan mong mamili between me and your sisters, please choose them. Mhmm, don't worry about me, i will understand you. Just please don't hurt me or don't use anything that might hurt me." He said at niyakap ang bewang ko. Sinubsob nya rin ang mukha nya sa tyan ko.

"Sana nga kaya kong gawin yun, sana nga kaya kong hindi ka saktan sa alam kong paraan." Bulong ko, alam kong hindi nya maririnig ’yun.

"Basta, kahit anong mangyari laging tatandaan na hindi ko ’yun ginusto. Na, masakit din para sa akin ’yun. Gusto kong alalahanin mo na mahal na mahal kita kaya ko yun nagawa." Sinserong saad ko.

"I love you more than i love myself, that i will let lost myself. Just to love you." I said and kiss he's forehead.

"I love you so much, more than the love you gave me." Vesillius said and hug my waist again.

"Tara na?" Yaya ko sa kanya.

Ngumiti naman sya sa akin at tumango, ang isang kamay nya ay nasa manibela at ang isang kamay nya ay nasa hita ko bahagyang pinipisil ’yun.

"Mahal na mahal kita." Bulong ko at palihim na pinunasan ang luha ko.

Hindi sapat ang pagmamahalan natin, kaya kung hawak ko lang ang oras ay pinahinto ko na ’to. Para hindi dumating ang araw na kailangan kitang bitawan kasi kailangan at lalong hindi ko gusto. Sana kapag dumating yun ay maintindihan mo pa rin ako, kahit na ako mismo ay alam kong mali ang gagawin ko.

Agad akong ngumiti sa kanya ng huminto kami sa Baguio kung saan ko sya sinagot. Nilatag nya ron ang  sapin namin at nag-labas ng mga pagkain na sa tingin ko ay sya mismo ang nagluto.

Agad akong nakatam don at tumabi sa kanya, masaya kaming kumain habang inilabas ni Vesillius ang cellphone nya at pinatugtog ang kantang lagi naming pinapatugtog.

"May i dance you, Miss?" He ask me at nakalahad pa ang kamay nya sa akin.

Natatawang kinuha ko ’yon. "Parehong kaliwa ang paa ko." Paalala ko sa kanya.

Ngumiti lang sya sa akin. "Mahal pa rin naman kita." Sambit nya at inilagay ang dalawang kamay sa bewang ko. Ang dalawang kamay ko naman nasa leeg nya.

"Kahit na, alam mong marami na akong binawing buhay." Tanong ko sa kanya.

"Kahit na ikaw pa ang pinaka masamang tao sa mundo ay mamahalin pa rin kita. Hindi ako diyos para hindi ka tanggapin, basta tandaan mo. Iwan ka man ng lahat lingon ka lang sa’kin, andito ako hinding-hindi ka iiwan at tatalikuran. Sino ka man." He said then sway he's body na sinundan ko naman.

"Happy 2nd Anniversary, love." Bati ko sa kanya at pinatakan ng halik ang kanyang labi.

"Happy 2nd Anniversary, mahal ko." Bati nya rin at hinalikan ang noo ko pati na rin ang aking labi.

Mahal na mahal kita, Vesillius. Sana mapatawad mo ako.

Pagsamo | Montecillio Series #1Where stories live. Discover now