Chapter 47

109 5 0
                                    

47 : Hospital

*****
Third Person Point Of View

"My be-best friend, ca-can survive. Right?" Nauutal na sambit ni Eloise.

"We don't still know, Ma'am. Her life is 50/50." The doctor announce.

Napalingon naman ang lahat dahil sa biglaang pagkahulog ni Vesillius sa kanyang inuupuan kanina. Basag na ang upuan nya, inaalalo naman ni Veronica si Vesillius dahil hindi ’to tumatahan simula pa kanina.

"NO! LUMALABAN ANG ANAK KO! GAWIN NYO ANG LAHAT PARA MABUHAY SYA!" Akemi shout.

Humihikbi-hikbi lamang sa gilid si Autumn, habang pinapatahan ’to ni Lincoln. Habang si Adalia at nakayuko lamang at nasa tabi nya si Faustino inaalo ang kanyang kaibigan.

"Ate, can survive. She can't leave us." Bulong ni Adalia habang nakakuyuom ang kanyang kamao.

"KASALANAN NYO ’TO EH! KASALANAN NYO." Eloise shouted at ilang beses na pinagsusuntok ang pader.

Sienna and Sariah tried to make her calm, pero hindi sapat ang lakas nila para patahanin at pakalmahin ang kanilang kapatid.

Nanatiling nakabaon ang kamao ni Eloise sa pader habang hinahayaang umagos ang dugo non. Kinakailangan pang turukan ng pampakalma si Eloise dahil hindi sya tumigil sa pagwawala kanina.

Hindi nila alam na umalis si Vesillius, at naglakad papunta sa rooftop. Vesillius was crying and crying hanggang sa makatulugan nya na ang pagiyak.

"Doc, kumusta ang ate ko?" Si Adalia na ang nag tanong dahil walang kahit sino sa kanila ang tumayo para salubungin ang doktor.

"She's fine now, kailangan nya lang ng pahinga lalo’t maraming dugo ang nawala sa kanya. Ililipat na namin si Señora sa private room." Lahat sila ay parang nabunutan ng tinik matapos marinig ang sinabi ng doktor.

"Thank God!" Bulong ni Eloise at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.

Kinabukasan ay maaga silang nagising para bisitahin si Amyrah. Dahil masyado silang marami ay hindi sila pinayagan na pumasok lahat sa kwarto ni Amyrah.

Umupo sa tabi ng kama ni Amyrah si Vesillius at tahimik na umiiyak don, simula kagabi ay hindi na sya tumigil kakaiyak. Araw-araw nyang sinisisi ang sarili nya dahil hindi sya ganon katatag para ma-po-protektahan ang babaeng mahal nya.

"Pakiramdam ko hindi tayo deserve ni, Señora." Panimula ni Sienna habang nakatingin sa walang malay na si Amyrah.

"She's to precious para sa masaktan ng ganito, she even twice experiencing betrayal. Pero nanatili pa rin sya para iligtas at protektahan tayo. Masyado syang mabait para makaranas ng ganito. She doesn't deserve us, she deserve to be love not to be hurt." Segunda ni Sariah.

Lahat ay napayuko ron, parang lahat sila ay natauhan sa nangyari. Lagi silang nililigtas ni Amyrah pero si Amyrah sa tanang buhay nya ay hindi nya man lang naranasan iligtas.

Napatingin sila ng biglang gumalaw ang daliri ni Amyrah, pare-pareho silang napangiti. Amyrah was the strong woman they know.

"Oh, bakit ganyan yung mga mukha nyo? Para kayong namatayan." Sarkastikong bungad sa kanila ni Amyrah.

"Gising na talaga sya." Bulong ni Autumn at tumabi sa kama ni Amyrah.

"A--Aray." Atungal ni Amyrah ng maupuan ni Autumn ang sugat nya.

Amyrah's POV:

"Can i talk to you?" Vesillius ask me.

Tumingin naman ako sa mga kasama ko sa loob para senyasan silang lumabas.

"I miss you." Bulong ni Vesillius sa akin, akmang yayakapin ako pero umiwas ako.

Pagsamo | Montecillio Series #1Where stories live. Discover now