Chapter 17

113 5 0
                                    

17 : papà | dedicated to savioryxx

*****

"Anong binablush-blush mo riyan, aber?" Intrigang tanong ni Eloise sa akin.

Inirapan ko lang ito at hinawakan ang pisnge ko. Mainit iyon, kaya kinuha ko ang cellphone ko totoo nga at sobrang pula ng pisnge ko.

"Kinikilig ka ano?" Tanong nyang muli at siniko pa ako.

"Gago, hindi." Sagot ko at tumayo na lang sa kama.

Naalibadbaran ako, lalo't kaharap na unit ko lang ’yong room ni Vesillius.

"Sus, sabihin mo na kasing crush mo." Pang aasar nya pa sa akin.

Umirap lang ako sa kanya at lumabas na lang ng kwarto. Sumandal ako sa sofa at naalala ko na naman yung sinabi ni Vesillius. Kaya agad akong napatayo.

Argh! Kahit yata umikot ako rito sa loob ng unit ko mukha nya ang nakikita ko.

"Tara na nga, at next week ay uuwi na tayo." Aniya ko pa at inilagay na sa mga kahon ang iba pa naming gamit.

Dalawang na kaming nag aayos ng mga gamit namin at hindi pa rin kami matapos-tapos. Paano ba naman kasi rito na rin inilagay ni Eloise yung mga gamit nya.

"May last training kapa, ngayon diba" Eloise said.

Tumango naman ako rito. "Inferness, hindi ka rin nag sawa sa mukha ko kahit halos dalawang taon na tayong andito." kwento pa nito.

"Sawang-sawa nako sa mukha mo, gaga." Aniya ko.

Inirapan lamang ako nito. "Ako rin, hehe." Sagot nya pa.

Napailing na lamang ako.

I wear black leather jacket, at ang nasa loob naman non ay isang black tank top at ang pangibaba ko ay black leggings. I wear my boots again.

I put light make up, at kinulot ko ang dulo ng buhok ko.

"Let's go?" Yaya ko rito.

Eloise is wearing sports bra and white leggings. She wear boots too.

Pag-labas namin ng unit ay nakakapit na sa braso ko si Eloise. Kapag talaga ’to kasama ko, laging nakakapit sa akin akala mo naman mawawala sya rito sa london.

"Last training mo na ito, Babe. Kaya ito rin ang pinaka mahirap na task." Eloise said habang papasok kami sa headquarters.

Napabuntong hininga naman ako. Alam ko namang ito talaga ang pinaka mahirap, pero kailangan ko pa ring pag aralan.

"Papasok ka sa room na yan, Marchesa. Sa room na yan ay wala kang kasama pero kailangan mong makalabas dyan. Sa loob ng trenta minutos na hindi ka makakalabas dyan ay sasabog yang kwartong yan. You will fight those illusion, without any weapon." Paliwanag ni Tito Damien.

Tumango naman ako. Tinanggal ko na ang leather jacket ko at ibinigay iyon kay Eloise. Pinisil naman ni Eloise ang kamay ko.

Ngumiti ako sa kanya. I can do this. Makakalabas ako sa room na yan ng walang galos.

Huminga ako ng malalim at pumasok na sa loob ng kwarto.

Napahigpit ang kapit ko ng makita ang mukha ni papà. He smiled at me weakly, nanlambot naman ang tuhod ko ron. Sa likod nya ay Beatrix at may nakatutok kay papà na baril.

It seem that this scene is so familiar. Parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Parehong pangyayari, pareho rin at wala pa rin akong nawala. I'm so fucking useless like i used to be.

Ang luha ay hinayaan kong tumulo ng tumulo. Hindi ko pinahid iyon, at narinig ko na lang ang pag putok ng baril.

Ganitong-ganito rin ako noon, walang nagawa. Iyak lang ng iyak.

"POTANGINA! SHIT! PATIGILIN NYO NA ’TO!" Pagbasa ko sa boses ni Eloise.

Paulit-ulit nyang pinaghahampas ang salamin, may mga tauhan na ring nakahawak sa kanya at pinapakalma.

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang luha. 2 minutes, kailangan kong makalabas. Hindi na ako pwedeng matakot o umiyak na lang basta.

Mabilis akong tumayo at pinagsisipa, nilampasan ang mga putok ng baril. May mga dumaplis na rin sa braso ko pero hindi ko iyon ininda.

Kailangan kong makalabas. Iyon ang paulit-ulit kong binubulong sa sarili ko.

10 seconds.

Lalo pa akong narindi ng mag simula ng tumunog ang timer. Napahawak ako sa dalawa kong tenga upang takpan iyon.

Shit.

8 seconds.

"AHHH!" Sigaw ko ng mahiwa ako sa isang salamin.

Bumaon ang bubog sa tuhod ko. Pero kailangan kong makalabas dito.

Huminga ulit ako ng malalim at nag tatakbo ng mabilis.

5 seconds.

4 seconds.

3 seconds.

2 seconds.

1 seconds.

Ang huli kong naalala ay nakalabas ako at ang pagsabog ng kwarto.

Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko at bumaba ang tingin ko sa taong naka nap sa kama ko.

It's him. Vesillius.

Hawak nya pa ang kamay ko at rinig na rinig ko rin ang tunog ng aparato na nakakabit sa akin.

"AMYRAH! GISING KANA." Sigaw ni Eloise.

Tumango lang ako, parang namamalat kasi ang boses ko kaya hindi ako makapagsalita.

"I will call the doctor's, wait for me." Eloise said at nagtatakbong lumabas ng kwarto ko.

Nakita ko rin sa peripheral vision ko ang pagbangon ng ulo ni Vesillius. Gulat ito pero kalaunan ay niyakap din ako.

"Thankyou, Lord! Your finally awake, tinakot mo ako." Bulong nya habang nakayakap pa rin sa akin.

Walang emosyon akong nakatingin sa kanya matapos nya akong yakapin.

"Anong ginagawa mo rito? Are you fucking spying me?" Galit na tanong ko kay Vesillius.

Bakas ang gulat at sakit sa kanyang mukha.

"Ganyan ba kababa ang tingin mo sa akin?" Tanong nito pabalik sa akin.

Ang kaninang mukha na punong-puno ng saya ay naging walang emosyon.

"So, you're probably looking at me like that. Mhmm, i guess ganon ako kababa sa paningin." He said at pabagsak na sinira ang pintuan.

Napapikit naman ako. I'm maybe to harsh on him.

"Ay hala umuwi na sya? Sayang naman." Eloise said habang iginagala ang mata sa kwarto ko.

"Ilang araw ba syang andito?" Tanong ko kay Eloise.

"1 week din, wala ngang uwi-uwi yung lalaking ’yon." Eloise said at pinagbalat ako ng mansanas.

Napahilot naman ako sa sentido ko, alam kong naging mali yung bungad ko sa kanya. Nag mamagandang loob lang naman sya sa akin pero ganon pa ang bungad ko sa kanya.

"Do you have he's number?" I ask Eloise.

"Ay oo, kinuha nya sa akin nung birthday mo. Wait send ko sayo." Eloise said at tumango naman ako.

Nang ma-receive ko ka-agad yung number ay hindi na ako nag atubiling i-text sya.

09*********
Hey, It's me, Amyrah. I apologize for what I said earlier. I didn't mean it. I didn't mean it to hurt you. Just meet me tomorrow when I arrive in the Philippines. I will treat you:)

Napapikit naman ako sa text kong iyon, siguro kung ibang tao yun ay baka wala akong pakialam kahit na nasaktan ko sila. But this guy is really different, hindi ako mapakali lalo't nasaktan ko sya.

Maybe i li—NO it just conscience yun lang at wala ng iba.

Pagsamo | Montecillio Series #1Where stories live. Discover now