Chapter 14

122 7 2
                                    

14 : 20 men down | dedicated to ykciv2016

*****

Pag pasok ko sa condo ay pabagsak akong nahiga sa kama. Nakakapagod din ang araw na ito dahil halos sampung task ang ginawa ko.

Even my fear of heights ay na overcome, sabi na tito ay maari iyong magamit sa akin. Kaya habang maaga pa dapat ay ma-overcome ko na ang mga kinakatakutan ko.

"Amyrah, andyan kaba." Bagot na bagot akong bumangon ng marinig ko ang boses ni Eloise.

"Oh?" Aniya ko.

"Kumain kana ba? Ipinagluto kita ng adobong baboy." Eloise said at walang hiyang pumasok sa unit ko.

Napairap na lamang ako at sinundan sya. Hindi pa rin ako nagpapalit ng damit ko kaya ngayon ko lang naramdaman ang lagkit. Nang pinaghalong pawis at init ng katawan.

"Maligo ka muna, iinitin ko muna itong pagkain. Ikaw pa naman hindi ka kumakain ng hindi mainit na pagkain." Panenermon pa nito sa akin.

Inirapan ko na lamang ito at pumasok na sa banyo. Hindi naman kami magkaka-kasama sa isang condo lang. Pero magkakatabi ang unit namin.

204 ang sa akin, while Tito Damien is 203 and 202 naman kay Eloise.

I'm wearing oversized shirt at cycling. Wala namang tao sa unit ko bukod sa amin ni Eloise, kaya komportable na ako sa suot ko.

"Kain kana." Ani ni Eloise.

Kunot-noong tinignan ko naman ito. "Ano ako lang? Kumain kana rin, sabayan mo ako." I said at pinagkuha na sya ng sarili nyang plato.

"Eh, kumain na ako eh." Atungal nya pa.

"Kumain ka ulit, ayokong kumain ng walang kasabay." Pakikipagtalo ko rito.

"Oo na, oo na. Para namang may choice ako." Nakangusong sambit nya at tumabi sa akin.

Lihim akong napangiti, at nag simula ng kumain.

"Kumusta training?" Eloise ask me ng mamutawi sa amin ang nakakabinging ingay.

"Nakakapagod." Tipid na sagot ko.

"Woah! Ang Amyrah Molly, napagod sa simpleng training." Pang aasar nito sa akin.

Binato ko lang ito ng table napkin. "Shut up, labas tayo after nito." Yaya ko sa kanya.

Napasapo naman sya sa kanyang dibdib. "Date ba ’to? Sus, na miss mo lang ako eh." Aniya pa nito at tinusok-tusok ang pisnge ko.

Hinampas ko naman ang kamay nya. "Edi wag kang sumama, napaka arte mo. Ako na lang aalis mag-isa." Aniya ko.

Napanguso naman sya ron. "Ito naman, jinojoke lang eh. Sasama naman talaga ako, napaka seryoso." Pagsuko nya.

"Shut up, bubusalan ko yang bibig mo ng tissue." Asar ko pa sa kanya.

Napanguso ulit sya. "Dito ako matutulog ha." Paalam nito sa akin.

Kumunot naman ang noo ko ron. "At bakit? Wala ka bang condo? Ayoko, malikot kang matulog." Angal ko agad.

"Dali na, Lily. Promise hindi ako mag lilikot matulog." Sambit nya pa at itinaas pa ang kanyang kanang kamay.

"Ah basta, ayoko." Sagot ko at pumasok na sa kwarto ko.

Narinig ko pa ang pagkatok nya sa pinto pero hindi ko sya pinagbuksan. "Dali na kasi, isang araw lang." Sigaw nya pa sa labas ng pintuan ko.

"A.YO.KO." Madiing usal ko.

"Please, Anna." Aniya pa nya, sinabiyan ko naman ang trip nya.

"No, go away Anna." Ani ko at sabay kaming napahalakhak don.

Pagsamo | Montecillio Series #1Where stories live. Discover now