CHAPTER 47

8.5K 106 10
                                    


Ng makababa ng taxi ay wala sa sariling sumakay siya ng bus na nakaparada sa Terminal.  Hindi na niya inalam kung saan ang destinasyon nito.  Ang gusto lang niya ay ang makalayo sa ciudad.  Ini-off niya ang cellphone ayaw niyang makatanggap ng tawag mula kanino sa ngayon, lalo at mula sa asawa.  Para ano pa para paki-usapan ulit na maniwala at magtiwala dito.  Napapikit siya ng maalala ang nangyari kanina.

Hindi siya mapalagay habang pababa ng hagdanan.  Ano naman kaya ang kailangan ng attorney ni Aldrin sa kanya.  Pilit siyang ngumiti  sa matandang lalaki ng madatnan niya ito sa sala kausap si Aling Rosa.  Ng mapansin naman siya ni Aling Rosa ay humingi ito ng paumanhin at iniwan na sila.  Tumayo naman ang abogado ng batiin niya.

"Good afternoon po."

"Good afternoon iha." 

"Ano po ba ang kailangan ninyo attorney." magalang na tanong niya sa matandang abogado.  Umupo siya sa silyang kaharap ng kinauupuan ng matanda.

"Nothing much iha.  I need you to sign this document." at kinuha nito ang papeles sa bag at ibinigay sa kanya.

Parang sumikip bigla ang kanyang pakiramdam ng mabasa ang salitang null and void.  Wala na siyang narinig sa sinasabi ng matanda ang lakas ng pintig ng puso niya parang gustong kumawala iyon dahil sa galit.  Ito ba ang napala niya sa pakikinig sa pakiusap ng asawa.  How dare he na magpadala ng abogado para lang makipaghiwalay sa kanya.  Pwede naman siya nitong kausapin.  Hindi naman siya mahirap kausap eh.  Noong nakaraang linggo lang umiyak pa ito para pakinggan ang pakiusap nito.  At siya naman itong luka-luka ay naniwala at nagtiwala dito kasi nga mahal niya eh.  Dahil sa inis at galit sa lalaki ay kinuha niya ang ballpen at pinirmahan ang papeles.  Wala na siyang naririnig pa sa sinasabi ng matandang abogado.  Marami pa itong sinasabi pero wala na siyang naintindihan.  Gusto na niyang umiyak sa harap nito pero pilit na pinipigil ang sarili. Ayaw niyang magmukhang kawawa sa harap ng abogado.  Tumingin siya sa abogado na malawak ang pagkakangiti ng ibalik niya ang mga pirmadong papeles.

"Congratulation iha....you and Aldrin deserve this." Nakangiting bati ng abogado sa kanya at kinamayan siya pagkatapos nitong maibalik ang mga papeles sa attache case.

Pilit niya itong nginitian.  Pero sa isip-isip nang-aasar ba itong abogado congratulation dahil ano pwede na magpakasal ang kliyente nito sa iba.  Congratulation dahil at last hiwalay na sila.  Pero hindi naman niya pinahalata ang kinikimkim na inis at galit para sa asawa.  Ng makaalis ang abogado ay dali-dali siyang umakyat sa taas at umiyak ng umiyak.  Isang desisyon ang nabuo sa isip niya.  Wala na siyang puwang dito sa bahay na ito hindi naman ganoon kakapal ang mukha niya para manatili pa dito.  At isa pa paano kung ikasal si Tammy at ang asawa at itira dito ang bagong asawa? Eh di magmukha pa siyang kawawa.  There wasn't a snowball's chance in hell that she would wait for that to happen.  Kung gusto ng asawang makipaghiwalay eh di okey.  Sabi nila pagmahal mo ang isang tao ipaglaban mo.  Paano kung ikaw lang ang nagmamahal kaya mo pa bang ipaglaban ito kung ang taong handa mong ipaglaban ay gusto ng kumalas? Mga katanungan na kahit siya ay hindi alam ang sagot.

Napamulat si Monique ng marinig ang sigaw ng konduktor.  Hindi niya namalayan na tuluyan siyang nakatulog dahil sa haba ng biyahe. 

"LAHAT NG PASAHERO PUWEDE NA PONG BUMABABA HANGGANG DITO NA LANG PO TAYO!"

Inimis niya ang mga gamit ng marinig ang sinabi ng konduktor wala siyang idea kung nasaang lugar na siya.  Ng mag-umpisa ng magbabaan ang mga pasahero ay bumaba din siya.  Ng makababa ay luminga-linga muna siya.  Napag-alaman niyang nasa Bicol region siya.  Napabuntunghininga siya.  Tiningnan ang oras sa suot na relo nagugutom na siya.  Pero kailangan niyang mag-isip kung saan tutuloy.   Ng may mapadaan na dyip at may karatulang pamilyar sa kanya dali-dali niya itong pinara.

A SECOND CHANCEWhere stories live. Discover now