CHAPTER 25

8.4K 126 2
                                    

Ng makauwi galing sa trabaho ay nadatnan niya ang anak at si Corrine na masayang naglalaro sa hardin.

"Anong ginagawa ninyong dalawa?" sita niya sa mga ito at nilapag ang kanyang bag sa upuan na andon.

"Si Mark po kasi ate gustong maglaro ng habulan." hinihingal na sabi ni Corrine sa kanya.

"Mark enough na pinapagod mo si ate Corrine." saway niya sa anak.

"Gusto ko pa maglaro mama." angal nito sa kanya.

"Hmmm...nope tingnan mo nga basa ka na ng pawis."  sabi niya sa anak at pinunasan niya ng tuyong towel ang likuran nito.

"Wala ka bang pasok Corrine?" tanong niya sa dalaga.

"Maaga po akong umuwi ate, absent kasi yong isa naming prop."

"Ahh...ok sige na ako ng bahala kay Mark." aniya sa dalaga.

"Sige po ate thank you po, may gagawin pa po kasi akong assignment."

"Ok." 

"Oh, paano Mark next time ulit ha.?" sabi nito sa kanyang anak at tumalima na.  Ng makaalis ang dalaga ay pumasok na rin sila sa loob ng anak. 

Nadatnan niya sa sala ang mga magulang na parang may inaantay. Binati niya ang mga ito.

"Buti at andito ka na Monique may sasabihin sana kami ng itay mo." bungad ng kanyang ina.

"Ho? sandali lang po inay at iakyat ko lang po muna si Mark para makapagbihis.  Basang basa po kasi ng pawis ang damit."  Tumango naman ang ina at ama.

Umakyat na silang mag-ina.  Dinala niya si Mark sa sarili nitong silid at binihisan pagkatapos ay hinabilinan na huwag makulit at bababa lang siya.  Tumango naman ang anak at naglaro na ng mga laruan nito.  Bumaba na siya.  Sa isip ano kaya ang pag-uusapan nila mukhang seryoso ang mga magulang eh.  Nandoon pa rin ang mga ito sa sala at nanonood ng tv.  Ng mapansin siya ng ama ay ini off nito ang tv. At sinenyasan siyang maupo.  Tumabi siya sa ina.

"Ano po ba yon?" tanong niya sa mga ito.

"Tumawag ba si Tom sa iyo?" tanong ng ama sa kanya.  Umiling siya.

"Hindi po, bakit?"

"Eh parang nagbago yata ang isip sabi eh sa probinsiya na lang daw niya tatapusin ang kanyang pag-aaral mahirap daw kasi mag transfer at lalo't graduating na siya ngayong taon." sabi ng ama.

"Eh ganoon po ba? Kailan po ba siya tumawag itay?" tanong niya sa ama.

"Kanina lang, kaya napag-isip-isip namin ng ina mo na paano kaya kung umuwi na lang din kami ng probinsiya total okey naman kayo ng anak mo dito."

"Ho!" nagulat at nalungkot siya sa sinabi ng ama.  "Ayaw ninyo po ba na kasama kami dito?" nagtatampong sabi niya sa mga magulang.  Pero sa totoo lang eh natatakot siyang maiwan mag-isa dito hindi niya alam kung saan siya lulugar dito paano pag pinakasalan na ni Aldrin ang nobya paano na ang maging sitwasyon nila.  Nalungkot at nasaktan siya sa naisip at isa pa hindi sa takot siya sa dating asawa kundi takot siya sa sarili dahil sa araw araw na nakakasama ito ay lalo siyang umaasa kahit alam niyang malabo mangyari iyon lalo at mayroon na itong girlfriend na sa tingin niya ay mahal na mahal nito.

"Naku Monique ano bang klaseng tanong iyan." sabat ng ina.  "Kung pwede lang ba gusto namin ng itay mo na tumira dito kasama kayo kaso paano naman ang kapatid mo doon walang mag-aasikaso sa kanya nag-iisa lang siya."  malungkot din na sabi ng ina.

"Naiintindihan ko po inay nagulat lang po ako?" Niyakap niya ang ina. "So kailan ninyo po balak umuwi sa atin?" pinasigla niya ang boses. Pero sa loob loob niya eh nalulungkot siya pero ayaw niyang ipahalata sa mga magulang ang tunay na nararamdaman.  Alam niya na nahihirapan din ang mga ito lalo at mapapalayo kay Mark.  Ang mga ito na halos ang nagpalaki sa kanyang anak at ayaw naman niya bigyan pa ng alalahanin ang mga ito.

"Sa Linggo sana balak namin anak.  Pero kakausapin ko rin si Aldrin." sabi ng ama.

"Sige po."  Ayon na lang niya sa mga ito.  Gusto sana niyang sabihing malulungkot si Mark pero pinigilan niya ang sarili.  Humilig siya sa balikat ng ina.  Naisip niya Miyerkules palang naman ngayon kaya may oras pa siya na ipag- shopping at maka bonding ang mga ito bago umuwi.

***************

"We are not in relationship but we had a son.!"  biglang amin ni Aldrin sa kaibigan.

Gulat na napalingon si Paul sa kanya.  Nasa loob sila ng isang bar.  "W-what?  Are you kidding me.. I thought kaya kayo nagkahiwalay ay dahil nalaman mong hindi siya buntis dahil sabi mo niloko ka niya."  Biglang lumiwanag ang mukha nito.  "Don't tell me...?  Naintindihan niya ang ibig  sabihin nito.  Tumango siya dito tanda ng pagsang-ayon sa iniisip nito. Bigla itong napasuntok sa hangin. 

"Matagal na ba siyang nagtatrabaho sa pabrika?"

"More than two years na.  Naisip ko nga ano kaya kung pumayag agad ako sa gusto ni Papa na magmanage nitong factory,  siguro nalaman ko agad ang tungkol sa anak ko." bakas ang panghihinayang sa boses niya. Tiningnan naman siya ng kaibigan.  Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Now we are fine they lived with me?"

"I thought you are not in a relationship, how come?" hindi mapigilang bulalas ni Paul.

"We are an agreement that they will live with me.  I thought this is the best for our child." paliwanag niya sa kaibigan.

"What about Tammy does she know about Monique and your son?" may himig pag-alala na tanong  ni Paul.

"Yes."

"Is she ok? noong last time na nakausap ko siya eh wala namang nabanggit tungkol sa ex mo."

Kilala nito si Tammy.  Noong nasa Amerika siya bago ang graduation ay nalaman niya na natanggap si Paul sa isang kompanya doon.  They met and hang out together, ito pa ang nagpropose na subukang mag-apply sa kompanyang pinapasukan nito.  And he did.  Sometimes the three of them hang out together.  Kaya naging kaibigan din nito si Tammy actually close nga si Tammy dito kaya minsan di niya maiwasang magselos dito noon.  Nagresign din kasi ito ng umuwi siya sabi may naipon na din naman ito to start with his own company. 

"At first it is hard for her to understand me but we talked and I explained the situation and she did." tugon niya sa kaibigan.

"Did they met already?"

"Yes and no?"

"What does it mean?" kunot noo na tanong ni Paul sabay lagok sa basong may lamang alak.

"They met coincidentally ng makasalubong namin si Tammy sa isang mall." sagot din niya at sinimsim ang basong may lamang alak.

"So what is your plan now?  You can't continue living with Monique sa iisang bubong paano kung you will get married soon hindi mo naman siguro balak na itira ang dalawang babae sa iisang bahay or to kick her out, it is unfair to her."

Awang ang labing tumitig siya sa kaibigan na noon ay inaantay ang sagot niya.  Hindi niya naisip iyon.  Oo nga paano.  Pero ayaw tanggapin ng isip niya na palayasin or paalisin ang asawa.  It never crossed his mind.  Aminin man sa hindi nasanay na siya na laging nakikita ang babae. Oo nga hindi sila nag-uusap with in this days pero masaya siya pag umuuwi at alam niya na andoon lang ang dating asawa.  Kahit palihim siya nitong simangutan pag nasa loob sila ng sasakyan pag pumasok ng pabrika.  He found it cute kaya tuwang tuwa siyang asarin ito. Masaya na siyang palihim na tinitingnan ito habang nasa hardin, sa pool o sa kusina habang busy sa pagluluto or kahit sa pag-aalaga sa anak nila.  Maamin ba niya kay Paul na gusto niya laging halikan ang asawa, of course hindi.   Sabihin pa eh nababaliw na siya.  This is the feeling that he can't afford to lose if Monique will be gone.  Nilagok niya ng straight ang basong may lamang alak at umorder pa ulit.

"Make it double?" aniya sa bartender.

"Hey, balak mo bang maglasing wala akong balak maghatid sa iyo ha may date pa ako?" sita nito sa kanya at tiningnan ang relo na nasa braso.

"Akala ko ba eh akong date mo ngayon." biro pa niya dito.

"Hey... hindi tayo talo noh." Umarte pa ito na parang bading.  Napuno ng halakhak nilang dalawa ang loob ng bar. 

Itutuloy

A SECOND CHANCEWhere stories live. Discover now