CHAPTER 44

9K 113 5
                                    

Lakad takbo ang kanyang ginawa para makalabas sa bulwagang iyon. Nanlalabo na ang kanyang mga mata dahil sa luha na walang tigil sa pagpatak sa kanyang mga pisngi. Hindi na niya alintana ang mga taong nakatingin sa kanya. Ang alam lang niya ay gusto na niyang makalabas at makalayo sa lugar na iyon. Ng makalabas ay tamang tama naman na may pumaradang taxi sa harap at nagbaba ng pasahero. Dali-dali siyang lumapit dito. Sa pagmamadali ay nabunggo niya ang kabababang pasaherong babae.

"Aray! ano ba dahan-dahan naman." reklamo ng nasaktang babae.

Pero hindi na niya pinansin ito ng makaupo ay sinabi niya sa driver kung saan pupunta. Ang babaeng nabunggo ay nagtatalak pa rin paano ba naman malakas yata ang pagkakabunggo niya sa pobreng babae. Kung sa ibang pagkakataon ay kaharap na niya ito at humihingi ng paumanhin sa nasaktang babae . Pero wala siya sa lugar ngayon para gawin iyon ang alam lang niya ay ang sakit na nararamdaman ng puso. Hindi na niya napigil ang mapabulalas ng iyak ng maalala ulit ang eksena sa hotel. Ang driver naman ay nagulat pero hindi nagsalita tiningnan lang siya nito sa salamin. Maya maya pa ay binigyan siya nito ng tissue. Lalo siyang napaiyak. Naiiling na lang ang mamang driver. Hindi naman ito ang first time na may pasaherong umiiyak sa kanyang taxi kaya nagkibit balikat lang ito.

"Sorry po." hingi niya ng paumanhin dito.

"Okey lang iha iiyak mo lang makakatulong iyan sa kung ano mang sakit ang iyong nararamdaman ngayon. Huwag mo akong intindihin." sagot naman ng mabait at may katandaan na ring driver.

"Salamat po." sagot niya dito sa pamamagitan ng mga hikbi.

Ilang minuto pa ay nasa tapat na sila ng bahay. Hindi naman kasi kalayauan ang hotel sa subdivision na kanilang tinutuluyan. Buti ugali talaga niya ang mag-ipit ng pera sa case ng kanyang cellphone kaya may pambayad siya ng taksi. Ng makabayad at makababa ay nagpasalamat siya sa driver. Naghabilin pa ito na kailangan ay maging malakas siya sa pagharap sa problema kung ano man iyon. Tumango siya dito at nagpasalamat. Napatda naman si Mang Delfin ng mabuksan siya nito ng gate. Pero hindi na niya nagawang batiin ang matanda dere-deretso siyang pumasok ng bahay. Ng makapasok sa silid ay pasalampak na umupo sa lapag at doon binuhos ulit ang sakit na nadarama. Mga ilang minuto din siyang nakalugmok sa isang tabi at ng bahagyang kumalma ang kanyang pakiramdam ay mabilis na siyang nagbihis at lumabas ng silid. Tinungo niya ang silid ng anak. Hindi niya alam ang gagawin. Naisip niya kailangan niya ng paliwanag galing sa asawa. Pero ng maalala na umayon ang lalaki sa engagement ay hindi niya mapigil ang maiyak ulit. Kinalma niya ang sarili at maingat na tinabihan ang mahimbing na anak. Niyakap niya ito. Kailangan niyang maging malakas para sa anak.

###########

Samantala si Aldrin naman ay kanina pa nag-aalala. Nalagay siya sa alanganing sitwasyon kanina ng bigla na lang i-announce ng tatay ni Tammy ang engagement sa anak nito. Hindi siya makahuma at lalo pa't biglang lumapit sa kanya si Tammy at sabihing buntis ito. Lalo siyang natigagal. Kaya wala na siyang nagawa ng hilahin ni Tammy ang kamay niya at sabay na umakyat ng stage. Ni hindi niya nakuhang tumanggi. Hindi pa rin matanggal sa isip niya ang sinabi ng babae. Nakita niyang humahangos na bumalik si Trixie sa kinaroroonan niya. Tinext niya ito kanina na puntahan sa cr ang asawa. Sinalubong niya ito.

"Oh, ano nakita mo ba ang ate Monique mo?" nag-aalalang tanong niya sa kapatid.

"Hindi ko naabutan kuya. Nakasakay na siya ng taxi ng makalabas ako." humihingal na sagot nito.

Kinuha niya ang cellphone at dinayal ang number nito. Pero out of coverage ito. May tinawagan ulit siya.

"Salamat po mang Delfin." sabay baba ng phone. Nabunutan siya ng tinik ng mapag-alamang nasa bahay ang asawa. Alam niya na kailangan niyang magpaliwanag dito. Pero sa ngayon kailangan niya munang makausap si Tammy.

A SECOND CHANCEWhere stories live. Discover now