CHAPTER 38

8.2K 107 7
                                    

"You know na patakaran ng kumpanya na kung sino man ang gumawa ng gulo ay matatanggal sa trabaho." maowtoridad na sabi ng kanilang HR manager.

Nasa loob silang tatlo ng opisina nito.  Nakaupo siya malapit kay Mabel si Nicole naman ay tahimik na nakaupo sa kabila.  Kanina bago silang pumasok sa opisina ay humingi ito ng tawad sa kanilang dalawa ni Mabel.  Pinatawad na niya ang babae pero si Mabel ay nagmamatigas pa dito kasi sinisisi ito ng dalaga dahil dito ay nababadyang matanggal sila sa trabaho.  Two days ago mula ng makalabas siya ng hospital ay nakatanggap siya ng notice mula sa kanilang HR department.  Pinapatawag siya ng HR manager nila.  Kaya ngayon ay andito silang tatlo.  Tuwing tinatanong naman niya ang asawa kung matatanggal sila ay lagi sabi nito na ang HR ang may hawak ng kaso nila.  Ayaw naman niyang pilitin ito kahit sabihin pang asawa niya ito ay ayaw naman niyang ilagay ito sa hindi magandang sitwasyon kasi kung mangingialam ito, ano na lang halimbawa ang ibibigay nito sa kumpanya porket asawa siya eh okey na ang lahat.  Pero pag may pagkakataon siya lagi niyang sinasabi na hindi naman fair na matanggal sila sa trabaho although may kasalanan sila.  Lalo at nalaman niya na si Nicole ay ang nag-iisang bread winner ng pamilya nito.  Wala na itong ama at ang ina at dalawang maliit na kapatid nito ay umaasa sa sahod ng dalaga.  Kahit galit siya dito dahil ito ang pasimuno ng lahat hindi naman fair na matanggal ito lalo at ang hirap humanap ng regular na trabaho sa panahon ngayon.  Napag-usapan na nila ni Mabel na isasakripisyo niya ang trabaho basta huwag lang matanggal si Mabel at Nicole.  Dahil si Mabel kailangan din nito ang trabaho para sa nalalapit na kasal nila ni Rodel kailangan ng panggastos.

"Alam po namin sir." malungkot na sagot ni Nicole.

"S-sir pwede po ba na ako na lang ang matanggal sa trabaho kasi kailangan nina Mabel at Nicole ang trabaho." presinta niya sa sarili.

Tiningnan siya ng manager.

"Walang matatanggal sa trabaho." tugon nito.

Napa ohh silang tatlo sa narinig.  Nagsalita ulit ang kanilang manager.

"Yes, nobody will be dismissed from their job pero dahil sa nangyari there will be a penalty of one week's suspension without pay as a first offense.  If such an occasion should arise again in the future, you will most definitely be dismissed from your respected jobs.  Are we clear?" Seryosong sabi nito sa kanilang tatlo.

"Talaga sir, naku po salamat sir." Mangiyak ngiyak na tugon ni Nicole sa manager nila.  Napahawak siya sa kamay ni Mabel.  Happy siya sa narinig mula sa manager nila.  Lumapit si Nicole sa kinaroroonan niya.

"Monique,  sorry ulit." 

Tiningnan niya ito at nababatid naman niya na seryoso ito sa paghingi ng paumanhin sa kanya.  Ngumiti siya dito.  Nagulat na lang sila ng yakapin ni Mabel.

"Okey lang yon Nicole basta huwag ka ng magiging tsismosa or else makakatikim ka na sa akin." nakangiti na sabi nito kay Nicole.  Natawa na lang silang dalawa ni Nicole dahil sa inakto ni Mabel.  Magaan ang loob na lumabas silang tatlo sa opisina ng HR manager.

Palabas na sila ng pabrika ng mag ring ang kanyang cp.  Kinuha niya ito sa kanyang bag at sinagot ang tawag.

"Hello."

"Hi babe I just recieved the good news from HR.  I think this calls for a celebration.  What do you say?"  masayang tinig mula sa kabilang linya.

"Thank you kahit di mo sabihin alam kung ikaw ang nasa likod nito, I love you." hininaan pa niya ang boses ng banggitin ang salitang I love you.  Ayaw niyang marinig ni Mabel nahihiya pa rin siya sa kaibigan.

"W-what were those last words you said.  I could not hear."

"I love you."

"W-what say it again can't hear it."

A SECOND CHANCEWhere stories live. Discover now