CHAPTER 10

11.2K 171 0
                                    

Mabilis na nag-ayos si Monique nakabihis na siya ng bumaba. Tapos na ang bakasyon niya.  Nagpaalam siya sa mga magulang na noon ay nagkakape sa kusina. 

"Inay, Itay pasok na po ako."

"Hindi ka ba muna mag-aalmusal?" tanong ng ama.

"Hindi na po, sa pabrika na lang po."
Sagot niya sa mga magulang at nagmamadali ng lumabas ng bahay.

Nagulat pa siya ng madatnan si Aldrin sa labas kausap si Mang Delfin.  Guwapong gwapo ito sa suot nitong business suit.  Mas lalong nakakaintimidate tuloy itong tingnan.    
Bigla itong lumingon ng mapansin siya.

"Tamang tama paalis na kami sabay ka na sa amin." aya nito.  Di manlang siya binati.

" H-ha huwag na mag bubus na lang ako."

"I insist." pinal na sabi nito. Sumakay na ito sa sasakyan.  Ng hindi siya kumilos bigla itong nagsalita.

"What are you waiting for?" may inis na sabi nito.  Nainis din siya.  Sino ito para utusan siya.  "Ngek manigas ka." bulong niya sa sarili.  At lumakad na palayo dito.  Malapit na siya sa gate ng walang ano ano ay may biglang bumuhat sa kanya.

"Ay kambing na may bangs!" gulat na sigaw niya. 

"Keep quiet if you dont like to attract others attention." seryosong sabi nito sa kanya.  Namumula naman ang mukha niya ng makita si Mang Delfin na bahagyang nakangiti.  Pabagsak na binaba siya nito sa sasakyan.

"Aray dahan dahan naman!" singhal niya dito.  Ni hindi manlang ito nag react na lalo niyang kinainis.  Tumahimik na lang siya. 

Tahimik sila sa loob ng sasakyan.  Si Aldrin naman ay busy sa cellphone nito.  Ng mapansin niyang malapit na sila sa pabrika pinahinto niya ang sasakyan.  Nilingon naman siya ng lalaki.

" And why?"

"Kung ayaw mong pagtitinginan tayo or pagpipiyestahan ng mga tauhan mo sa pabrika,  ibaba mo na lang ako dito. Magtatricycle na lang ako." sagot niya sa lalaki.  Bigla naman nitong pinahinto ang sasakyan.  Pagkahinto ng sasakyan ay bumaba na siya.  Ng makababa ay bigla nitong sinara ang pintuan.  Walang ni ha ni ho.

"Hmmp....takot din pala na may makakita." nakasimangot na hinabol niya ng tingin ang papalayong sasakyan.

Break time ng magkaroon sila ng oras para magka-usap ni Mabel.

"Nik, hiyang ka yata sa bakasyon mo lalo kang gumanda at blooming ata tayo ngayon? may nakilala ka sa probinsiya no? gwapo ba? tumibok na ba ulit ang natutulog nating puso?" tukso ng kaibigan.

"Hey, tigilan mo nga ako?" kunwaring galit niyang sabi dito.

"Uyyy....di nga? magkuwento ka kasi."

Tumahimik siya.  Nagdadalawang isip kung sasabihin ba kay Mabel ang totoo.  Sumeryoso siya.

" May ikukuwento ako mamaya."

"Problema ba? seryoso tayo eh?"

"Hindi ko rin nga alam kung problema oh ano, basta mamaya na lang."   Naguguluhan din siya.  Tumango naman ang kaibigan at tinapos na ang pagkain.

******************

"What! nagkita na kayo ng dati mong asawa at ngayon  kayo ng mga magulang mo at anak ay nakatira sa kanya?!" malakas na sabi ni Mabel ng ikuwento niya ang nangyari sa probinsiya.

"Hinaan mo naman ang boses mo, ano ba!" saway niya sa kaibigan ng makitang nakatingin sa kanila ang mga andoon.  Syempre nasa loob sila ng karenderya ni Aling Mareng.

"Paanong nangyari bakit pumayag ka, kala ko ba galit ka doon?  Hmm....I smell something fishy...umamin ka mahal mo pa rin ano?"

"Hindi noh..." mabilis na tanggi niya sa kaibigan.  "Ginawa ko lang naman yon dahil sabi niya kukunin niya ang anak ko."

"At natakot ka naman, di mo ba alam na sa batas natin di puwedeng makuha ng ama ang anak sa ina pag below seven ang bata." may galit na sabi nito.

"Alam ko pero ayaw ko ng ganoon.. ayaw ko makaladkad ang anak ko sa custody custody battle na iyan, kahit pa sabihin na may laban ako."  malungkot na sabi niya.

"Hmmm.....single pa ba?" walang ano ano na tanong ng kaibigan.  Tumango siya.

"Yes!" parang batang pumalakpak pa ito.  Kanina lang galit ito.

"Para kang bipolar! " nakangiti na siya sa kaibigan.

"Hindi nga...kasi kung single pa siya may pag-asa pa kayong dalawa na magkabalikan." masaya ang tono na sabi nito.

"Mabel magtigil ka nga may nobya na yong tao eh." nasabi na lang niya kahit di naman niya alam kung may nobya nga si Aldrin.

"Haler....nobya eh ikaw kaya ang asawa dahil di naman kayo annuled no?!" nakangusong sagot nito.  Napabuntunghininga na lang siya.

"Umamin ka nga nik, love mo pa ba?"

Naguguluhan siya.  Hindi niya alam sa sarili niya basta ang alam niya masaya siya at the same time naiinis dito.

"Ay ewan." sagot na lang niya sa tanong ng kaibigan. 

Sumeryoso naman si Mabel.  "Feeling ko Nik love mo pa rin siya di mo lang maamin kasi takot ka na masaktan ulit.  Alam mo ang love kasi ay nandiyan lang yan sa puso mo kelangan lang i-refresh." dugtong pa nito.

"Tigilan mo nga ako may nalalaman kapang refresh refresh dyan. " kunwaring galit na sabi niya dito. 

"Hmm...kawawa naman si papa Rodel ko, ala na talagang pag-asa." nakapangalumbabang usal nito.

"Oo nga pala bel speaking of Rodel asan siya?" pag-iiba nalang niya ng usapan.

"Sick leave, kaya kayong dalawa ang daya ninyo iniwan nyo akong mag-isa!" maktol nito.

"May sakit?"

Bigla nagbago ang mood nito.
"Hmmmp....ewan ko sa lalaking iyon." bakas ang asar sa maganda nitong mukha.

"Bakit anong meron?" siya naman ngayon ang nag-uusisa sa kaibigan.

"Anong meron?"

"Galit ka ba kay Rodel?" Bigla nitong ibinaling ang tingin sa ibang dereksiyon. "Hey...magkuwento ka naman may nangyayari ba na di ko alam?" pag-uusisa niya sa kaibigan.

Biglang gumuhit sa mukha nito ang lungkot.  Umiling ito at tumahimik.  Di na niya ito inurirat pa, kilala niya ang kaibigan.  Antayin na lang niya na ito ang kusang magkuwento.

Itutuloy

A SECOND CHANCEWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu