CHAPTER 31

5.2K 104 0
                                    

"Tam...stop it.  You are already drunk." nag-aalalang saway ni Paul sa babae.  Tinawagan siya nito kanina na nasa bar ito akala niya ay kasama nito si Aldrin kaya laking gulat niya ng makita itong nag-iisa.

"I am okey Paul, thanks."

"Are you having a problem again with your dad?" He asked.

"Nope." sagot nito habang sinisimsim ang alak sa baso nito.  "My problem with my dad is always there but i take it as the norm."

"So what is this about? Why do you want to get drunk.  Do you want me to call Aldrin?" may pag-alala sa boses na tanong niya sa babae.

"No, because he is my problem." bulalas nito.  Nagulat naman siya sa tinuran ng babae.

"How come he is  problem? Have you two been fighting? Umiling ito.  "What happened?" He saw a tear running down her cheek.  She instinctively wiped it away.  Paul took her hand at kinulong iyon sa sariling mga kamay.  "Speak up Tam.  I am willing to listen."  He saw Tammy clear her throat and started to talk.

"I don't really know where to begin or if it is a problem or not.  You know that I love him.  I asked him what he thought about us getting married however he did not say anything about this matter as yet.  Instead he said that he is not ready to discuss it yet.  Can you believed it? I know there is something about him that has changed."  She stop talking for a while and took a sip of her drink.  Pinisil naman niya ang mga palad nito. He did not make any comment but listened attentively.  Tammy started to talk again.  "You are both close friends.  Maybe Aldrin talked to you about this matter?" Umiling siya sa babae. 

"Maybe he has been to busy to focus on discussing marriage with you." pagtatanggol niya sa kaibigan.

"I know for a fact that he is busy which is why I understand him.  Somehow i feel like he has fallen out of love with me." bulalas ni Tammy sabay iyak nito.  Nataranta naman si Paul.  Niyakap niya ito.

"Hush...Tam don't say that.  You know  what they say about asaumptions, don't you?

She nodded and smile wryly at him.
"No I don't."

"It is the Mother of all fuck ups."
He said in a jovial manner trying to comfort her.  Pati tuloy siya ay napainom na rin.  "What if I send you home now so that you can clear your mind. Maybe you just said it because you are drunk." sabi niya dito.

"No I am not drunk.  Okey I will forget it.  I want to be happy and get drunk in your company tonight." pinahid nito ang luha at iniorder siya ng alak.  Hindi na siya kumibo pa napilitan na lang siyang umayon dito.  Hindi na nila namalayan ang oras naramdaman niyang medyo nahihilo na rin siya,  si Tammy naman ay lasing na kaya inakay na niya ang babae.  He called someone on his phone but nobody answered.  Kaya napilitan na lang siyang pumara ng taxi babalikan na lang niya ang kotse dito bukas he could not take a chance to drive his car in his condition lalo at kasama ang babae.

********************

Tinawagan ni Monique si Aldrin pero hindi ito sumagot kaya tinext na lang niya ito.  Tinawagan niya si Aling Rosa na mag-oovertime siya kaya malalate ang pag-uwi niya.  Hindi siya nakatanggi ng pakiusapan siya ng kanyang line leader na kailangan nila ng maraming tao na mag overtime kasi maraming absent ngayong araw pati nga si Mabel absent din kaya kulang sila sa tao dahil kailangan ng matapos ang unang batch ng kanilang delivery.  Pagkatapos makausap ang matanda sa telepono ay bumalik na siya sa taas.

"Trixie pwede ka ng umuwi  no need to go back to the factory it seems that it is going to rain." habilin niya sa sekretarya ng matapos ang meeting nila ng isang client na ginanap sa isang hotel.

"Thank you sir."

Tumango siya sa sekretarya at pagkatapos ay dumerecho na siya sa parking lot kung saan naka park ang kanyang sasakyan.  Tiningnan niya ang oras mag-aalas singko palang ng hapon pero ang dilim na.  Napapalatak siya ng mag-umpisa na ang bagal ng daloy ng sasakyan sa kalasada.  Kinuha niya ang phone at nagulat siya ng may misscall at text message galing kay Monique.  Tumawag siya sa office para siguraduhin na nag overtime nga ito.  Ng masiguro na nag overtime nga ang dating asawa ay napilitan siyang bumalik ng factory.  Papalakas na ang ulan hindi na niya alam kung ilang oras na nasa ganoon siyang sitwasyon usad pagong na ang mga sasakyan sa kalasada.  At sigurado siya na lalo na siyang maiipit sa traffic pag mag umpisa ng bumaha sa daan. Napamura siya pero wala naman siyang magawa. Nag-aalala siya sa asawa.  Tinext niya ito at sinabing antayin siya.

Pagpatak ng alas nueve ay kanya kanya ng labas ang mga tauhan sa pabrika.  Nagulat pa si Monique ng malaman na ang lakas ng ulan siguradong baha na sa labas nitong pabrika.  Nakita niya ang isang kasamahan pinasukob siya nito sa payong nito hanggang labasan.

"Naku pati tricycle ang hirap na rin." nausal niya.  Paano ang haba na ng pila.

"Nik paano kaya kung ihatid mo muna ako sa boarding house ko para mahiram mo itong payong."  sabi ni Lorena kasamahan niya.  Nangungupahan ito malapit lang sa pabrika.  Siguro mga limang minutos lang kung lakarin.

"Sige Lor salamat." 

Ng bumalik siya galing sa boarding house ni Lorena ay lalo pang palakas ng palakas ang ulan.  Laking gulat niya na wala na siyang makitang tao sa harap ng pabrika at wala ng tricycle siguradong hindi na makalusong ang tricycle dahil sa baha.  Medyo natakot siya pero nilakasan na rin niya ang loob.  Wala na siyang choice kundi lusungin ang baha papuntang highway.  Dahan dahan ang ginawa niyang paglalakad mahirap na at lalong hindi niya kabisado ang kalsada.  Gumilid siya ng mapansin na may paparating na truck. 

"Miss na stranded ka ba? kung gusto mo sumakay ka na dito." pagmamagandang loob ng driver habang binagalan ang pagpapatakbo ng truck nito.

Tumingin siya dito pero nagbago ang isip niya ng makita ang kasama nito.  Sorry pero yong mamang driver ay mukhang mabait pero ang kasama nito ay parang di gagawa ng maganda. 

"Salamat ho,  pero ok lang po ako malapit na din naman ang highway." magalang na tanggi niya dito. 

"Naku ineng delikado sa daan lalo at isa kang magandang babae." babala pa nito.  Ang lalaki naman na nasa tabi nito ay ngingisi-ngisi kaya tuloy lalo siyang kinabahan.
Ng biglang may bumusina sa likuran ng truck kaya napilitan na rin ang driver na patakbuhin ang truck.  Tahimik siyang nagpasalamat ng lumayo na ang truck.  Basang basa na siya hindi nakatulong ang payong kasi nga papalakas na rin ang hangin.  Ng may biglang bumusina sa kanyang likuran lumingon siya hindi niya maaninag ang sasakyan dahil sa nakakasilaw na headlight nito.  Nasa gilid naman siya ng daan bakit ito nagbusina.  Nawala ang takot niya ng makilala ang sasakyan at ang driver. Huminto iyon sa tapat niya at bumukas.  Isang galit na mukha ni Aldrin ang bumungad sa kanya.

"Hop in." 

Dali dali niyang tiniklop ang payong at sumampa sa nakahintong sasakyan hindi alintana ang galit na mukha ng lalaki.

"Are you out of your mind?  Anong pumasok sa isip mo at lumusong ka sa baha?"  galit na sabi nito sa kanya ng makaupo siya ng sasakyan. 

"S-sorry." Iyon lang ang lumabas sa bibig niya.  Hindi niya alam kung sa takot na naramdaman kanina o dahil sa takot sa asawang di maipinta ang mukha.   Nagbago naman ang timpla ng mukha ng lalaki ng mapansin ang nginig sa boses ng dating asawa.

"Are you okey?  Nakita ko yong truck na huminto, what they want?" bakas na ang pag-alala sa boses ng lalaki.

"Nagmamagandang loob lang yong driver." sagot niya dito habang pinupunasan ng panyo ang kanyang mukha.  Hindi na niya sinabi dito ang takot na kanyang naramdaman kanina.  Tiningnan siya ng lalaki.  Ng makarating sa highway ay traffic na nanginginig na siya sa lamig.  Tiningnan siya ng nag-aalalang lalaki.
Hinubad nito ang coat at binigay sa kanya.  Tinanggap naman niya at isinampay sa kanyang balikat.

"Thank you."

"Hindi mo ba nabasa ang text ko?  Sabi ko antayin mo ako." 

"Sorry na lowbat ang cp ko pagkatapos kung tumawag sa bahay kanina."

Hindi na ito nagsalita pa at itinutok na ang mata sa daan.  Binalot na ng katahimikan ang loob ng sasakyan.

Itutuloy

A SECOND CHANCEWhere stories live. Discover now