CHAPTER 3

14.5K 222 6
                                    

Ng matapos ang paglilibot sa buong pabrika ay pasalampak na umupo si Aldrin sa kanyang upuan.  Di pa rin siya makapaniwala na makikita niya ang dating asawa.

Bigla niyang tinawagan ang kanyang sekretarya.

" Hello! Trixie bring me the file of Monique Samonte please." utos niya sa sekretarya.  Nagbakasakali lang naman siya kung Samonte pa rin ang gamit nitong apelyedo.

Di nagtagal ay hawak hawak na niya ang file ng babae.  Aminin man niya o hindi may nakapa siyang kasiyahan ng gamit pa rin ng babae ang apelyedo niya.  Natigagal siya ng mabasa niya single parent child name Mark Aldrin Samonte, age 4.  This file is two years ago.  Natigagal siya sa nabasa, agad siyang napakuwenta.  So mag aanim na taon na ito ngayon.  Bigla niyang naikuyom ang mga kamao.
.
.
.
.
.
Nang hapong iyon ay masaya siyang umuwi sa kanilang bahay.  Nakatira siya kasama ang mama niya.  Oo isa siyang bastardo ika nga anak sa labas pero ala naman siyang pakialam ang alam niya mahal na mahal niya ang ina. Ito ang the best mother para sa kanya.

Pagdating niya sa bahay nagulat pa siya ng malamang may bisita ang ina. Nakaupo itong patalikod sa gawi ng pintuan kaya di niya nakikita ang mukha nito.  Ng mapansin siya ng ina.

"Oh, iho andiyan ka na pala? buti at kanina ka pa namin inaantay...." di na nito natapos ang sasabihin ng humarap sa kanya ang inakala niyang bisita ng ina.

"M-monique?" gulat at naguguluhang sambit niya sa pangalan nito.  Napayuko naman ang babae na parang nahihiya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa dalaga ng makabawi sa pagkabigla? 

"Anong klaseng tanong iyan Aldrin?" galit na sabi ng ina niya.  "Siyempre nandito siya para pag-usapan ang kasal ninyo." nasisiyahang pang dugtong ng ina.

Nagulat naman siya sa sinabi ng ina hindi niya alam kung ano ang sinabi ng dalaga dito.

"Ma, a-anong kasal ang pinagsasabi mo at isa pa hindi ko po siya girlfriend." galit at dismayadong tanong niya sa ina. 

"Kung hindi mo girlfriend di sana hindi mo ginalaw at ngayong nagbunga ang kapusukan niyo kelangan ninyong magpakasal sa lalong madaling panahon." mababakas ang galit sa tinig ng ina.

Napamulagat naman siya, ito buntis..

"P-Paano.?" nanghihinang napaupo siya sa bangkitong naroroonTiningnan niya ang babae di ito makatingin sa kanya na lalo niyang ikina-irita.

"Naririnig mo ba ang sarili mo Aldrin, paano alangan namang binuntis mo siya sa titig langKuu...kayong mga kabataan ngayon oo." iiling iling lang na sabi pa ng ina niya.

Ng araw ding iyon ay hindi na pumayag ang ina niya na umuwi si Monique sa inuupahan nito.  At napag alaman din niya na nag-iisa lang ito, yong mga magulang nito ay nakatira sa bisayas.

A SECOND CHANCEWhere stories live. Discover now