CHAPTER 36

8.3K 152 3
                                    


"May problema ba?" usisa niya sa asawa kinagabihan ng madatnan niya ito sa sala na parang pagod na pagod.  Hindi niya narinig ang tunog ng sasakyan nito ng dumating.  Nakabisado na kasi niya ang tunog ng sasakyan nito.  Pero ngayon hindi niya napansin iyon.

Umiling ito sa kanya at niluwagan ang necktie at pahinamad na umupo sa sofa. 

Lumapit si Monique sa asawa at malambing na minasahe ang noo nito at balikat.  Nakaramdam naman ng ginhawa ang lalaki sa ginawa niya.  Ipinikit nito ang mga mata habang ninanamnam ang sarap sa ginagawa ni Monique.  Ang gaan ng mga kamay ng asawa. 

"Tulog na ba si Mark?" tanong nito habang nakapikit ang mga mata.

"Oo maagang natulog napagod ata."

Hindi na ito nagtanong pa ulit.  Tinuloy naman ni Monique ang pagmasahe dito.  Ng maramdaman na nakatulog na ang lalaki ay marahan niya itong tinapik sa pisngi.

"B-babe." gising niya dito.  "Hindi ka ba muna kakain?"

Marahan naman nagmulat ng mga mata si Aldrin.

"S-sorry babe." hingi ng paumanhin nito.  "I am just tired."

"Okey...umakyat ka na muna at ng makapagshower at makapagbihis.  Ihahanda ko naman ang dinner natin." utos niya sa asawa at marahan pa niya itong tinapik sa balikat.

Hindi na ito nagprotesta at sumunod  naman sa sinabi niya.  Sinundan niya ito ng tingin habang paakyat ng hagdanan.  Ng mawala ito sa tingin niya ay pumasok na siya ng kusina at sinimulang inihanda ang mga pagkain.  Naisipan niya na huwag munang iinit ang mga ito at hindi niya alam kung ilang minuto ang itatagal ng asawa para makapag ayos.   

Tiningnan niya ang oras.  Almost isang oras ng nakaakyat ang asawa ay hindi pa rin ito bumababa.  Ng mainip ay napilitan siyang panhikin ito sa taas.  Laking dismaya niya ng madatnan ang asawang naghihilik na sa kama.  Nanlulumong bumalik siya sa baba.  Nawalan na rin siya ng ganang kumain kaya niligpit na lang ulit niya ang hapag kainan.  Ng masiguradong naka lock na ang lahat ng mga pintuan at bintana ay ini-off na niya ang ilaw at umakyat sa taas.  Sinilip niya muna ang anak sa sarili nitong silid at ng masiguradong okey ito ay tinungo na niya ang kanilang kuwartong mag-asawa.  Ng makapagbihis ng pantulog ay maingat na tinabihan niya ang asawa takot na magising niya ito.  Kanina ng makita niya ito sa baba ay gusto sana niyang itanong ang tungkol dito at kay Tammy.  Nakipaghiwalay na ba ito kay Tammy, dahil sa nakita niya sa reaksiyon ni Tammy  kanina ng makita siya sa office ay parang gulat na gulat ito.  Ano kaya ang pinag-usapan ng dalawa.  Kinakain na naman ng selos at insekyuridad ang sarili niya.  Napabuntunghininga siya.  Ng maya maya ay naramdaman niya ang yakap ng asawa.  Tiningnan niya ito nakapikit pa rin ito at anyong tulog pa rin.  Iwinaksi niya ang lahat ng agam-agam at ginantihan ng yakap ang tulog na asawa.

**************

"Oh, bakit dito ka nananghalian?  Akala ko ba eh kasama mo si Mr. Pogi ngayon?" birong sita ni Mabel sa kanya.  Sinabi kasi niya dito na okey na sila ng dating asawa na napag-usapan nila na bigyan ng second chance ang kanilang pagsasama.  Noong una ay nag-alala pa ito dahil may girlfriend nga si Aldrin pero  sinabi niya dito na nakipag break na ito sa nobya pero yon lang ang sapantaha niya kasi ang laki ng tiwala niya sa asawa at ayaw naman niyang bigyan pa ng problema si buntis.  At alam niya na ito ang unang suporter niya sa naging desisyon.

"Magtigil ka nga buntis buti nga may kasama ka ngayon at huwag mong sabihing crush mo pa rin ang asawa ko." pabiro na sabi din niya sa kaibigan.  Ngumuso ito sa kanya.

"Hindi na noh....okey na ako kay honey ko at pwede ba huwag mo kung tawaging buntis hindi pa naman ganoon kabundat yong tiyan ko noh."

Natawa siya sa sinabi ng kaibigan.  Ng may biglang napadaan sa kanilang misa.  Si Nicole.

"Hmmm.....akala mo naman kung sinong santa kung umarte may anak na nga lahat lahat hindi pa nadala." pasaring nito ng makalapit sa kanilang kinauupuan.  Uminit ang puno ng kanyang tenga pero pinigil niya ang sarili.  Anyong sasabat si Mabel pero pinigil niya ito. 

"Ano ba Nik? hindi mo ba narinig ikaw kaya ang pinapasaringan ng malanding iyon." galit na nguso pa nito sa babae.

"Alam ko at lalo na kahapon nakita ako ni Trixie sa office ni Aldrin at dumating pa si Tammy." malungkot na sabi niya sa kaibigan.

"Oh, akala ko ba ay break na sila eh anong ginagawa niya sa office ng mister mo?" nanlalaki ang mata na tanong nito sa kanya.

"Hindi ko alam siguro baka may kailangan alam mo naman na matagal din naging nobya ni Aldrin si Tammy." sagot niya dito.  Hindi na niya sinabi dito ang kanyang hinala na hindi pa break ang dalawa at kagabi naman ay hindi nagkuwento si Aldrin tungkol sa kung anong pinag-usapan nito ng iwan niya ang mga ito sa office.  Hindi naman niya matanong ang asawa dahil nga tinulugan siya nito kagabi.  At ngayon naman ay may lunch meeting daw. Hindi naman siya nag-usisa kung sino ang ka lunch nito.  Kinabahan siya bigla ng may maalala.  Hindi kaya si Tammy ang ka lunch nito, naisip niya. Naputol naman ang kanyang pag-iisip ng marinig ang tanong ni Mabel.

"Are you sure?" tiningnan siya nito ng nang-aarok na tingin.

"Anong ibig mong sabihin of course sure ako at isa pa may tiwala ako kay Aldrin."  May tiwala nga ba siya sa asawa sa loob loob niya.

Tiningnan ulit siya ng kaibigan pero hindi na nagsalita pa tinuloy na nito ang pagkain.  Nawalan na siya ng gana kaya hindi na niya naubos ang kanyang inorder.  Ngumuso si Mabel.

"Bakit? anong nangyari sa motto mo na (bawal magtira ng pagkain kasi marami ang nagugutom sa pinas.)" sita nito sa kanya.

Hindi niya pinansin ang sinabi ng kaibigan nagpaalam siyang pupunta muna ng CR.  Tumango lamang ito at sinundan siya ng tingin. 

Papalabas na siya ng cr ng marinig ang komosyon sa loob ng canteen.  Tiningnan niya ang kinaroroonan ni Mabel.  May kaaway ata ang kaibigan binilisan niya ang hakbang nakita niyang nakipagsabunutan ito kay Nicole wala manlang may nagbantang umawat natutuwa pa yata ang mga naroroon may kumuha pa ng video.  Nakita din niya ang sekyu na nagmamadaling pumasok ng canteen.  Mabilis niyang narating ang dalawang nagsasabunutan.  Si Mabel at Nicole ayaw magbitaw sa isa't isa.  Bigla siyang natakot para sa kaibigan paano kung masipa ni Nicole ang tiyan nito.  Mabilis niyang inawat ang dalawa.  Pero parang may glue na nakadikit sa dalawa, ayaw maghiwalay.

"Mabel ano ba bitaw hindi ka ba natakot sa magiging baby mo." sigaw na niya dito habang hawak hawak niya ang kamay nito. Bumitaw si Mabel sa pagkasabunot kay Nicole pero ang huli ay hindi nito binitawan ang buhok ni Mabel.  Dumating si manong sekyu at nakuha nitong tanggalin ang kamay ni Nicole sa buhok ni Mabel pero palaban talaga yata ang Nicole siya naman ang sinabunutan.  Napaaray siya ng hilahin nito ang kanyang buhok.  Dahil sa pagkabigla at sa malakas na hatak ni Nicole ay napabagsak siya sa sahig.  Napaigik siya ng maramdaman niya ang sakit na gumuhit sa kanyang likuran ng bumagsak siya sa malamig na tile.  Nagulat naman ang mga naroroon mabilis siyang dinaluhan ni Mabel nakita naman niya si Nicole na medyo nahintakutan.  Maya maya pa ay narinig niya ang malakas na boses ni Aldrin.

"What is this commotion all about?" dumadagundong ang boses nito sa loob ng canteen.  Ang lahat ay nakatingin sa lalaking dumating.  Laking gulat nito ng makita si Monique sa sahig. Nag-aalalang dinaluhan nito ang asawa.

"What happened?" nag-aalalang tanong nito at anyong bubuhatin siya.

"Ang likod ko ang sakit hindi yata ako makagalaw."  At hindi na niya narinig pa ang tugon nito nilamon na ng dilim ang kanyang diwa.

"Call an ambulance!" malakas ang boses na sigaw ni Aldrin.

Itutuloy

Thank you guys.  Enjoy reading and don't forget to vote and comment.

A SECOND CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon