CHAPTER 11

10.8K 177 1
                                    

Maalinsangan ang gabi di makatulog si Aldrin, bigla siyang napabangon at tinungo ang swimming pool.  Malapit na siya sa pool ng mapansin niyang may tao.  Dahan dahan siyang lumapit at nagtago sa likod ng halaman.  Nakita niyang nakaupo si Monique sa gilid ng pool habang nakalublub ang mga paa nito sa tubig.  Para itong bata na tuwang tuwa sa pagtampisaw napatawa pa ito sa sarili ng di sinasadyang naipadyak nito ng malakas ang mga paa sa tubig.  Napansin na lang ni Aldrin na nangingiti siya sa sarili habang tinitingnan ang inosente at maganda nitong mukha.   Bigla siyang may naiisip.

"Ay kambing na may bangs!" Napahawak si Monique sa dibdib dahil sa gulat ng biglang may humila sa kanyang mga paa.  Hanggang ngayon di pa rin niya maintindihan kung bakit ganoon ang ekspresyon nito tuwing magugulat.

"Shhhh....wag masyadong eskandalosa!" nangingiting saway niya sa babae.

"Walang hiya ka talaga papatayin mo ba ako sa nerbiyos." humihingal na sabi nito at walang sabi sabing pinaghahampas siya nito. 

"Hey, I'm sorry, my fault." hinging paumanhin niya sa babae.  Pero ang babae panay pa rin ang hampas sa kanya.  "Hey, ano ba I said I'm sorry pag di ka tumigil hahalikan kita." biro pa niya dito.   Bigla naman itong natauhan at tumigil, napangiti siya.  Ang sarap asarin ng babae.  Lalo pa itong gumaganda pag nagbablush.  Amuse na tinitigan niya ito.  Bigla itong bumawi ng tingin at akmang tatayo na ng bigla niya itong hilahin sa tubig.  Napasinghap ito.

"Ano ba Aldrin nakakainis ka talaga." sigaw nito at pinaghahampas ulit siya nito.  Bigla naman niya itong niyakap at hinalikan.  Noong una nagpupumiglas pa ito pero sa kalauna'y  bigla rin itong napahinuhod sa kanya.  Nilaliman pa niya ang halik dito, napahawak ito sa leeg niya na lalo niyang ikina-init.  Sinapo niya ang pang-upo nito sa ilalim ng tubig.  Tangay na tangay na sila ng biglang makarinig siya ng kaluskus mula sa kung saan,  binitiwan niya ang babae at lumayo dito.  Napatingin naman ito sa kanya. 
"May tao." bulong niya dito.   Ng biglang sumulpot si Mang Delfin.

"S-sorry ho Sir, Maam." nakayukong hinging paumanhin nito sa kanila.  "May narinig po kasi akong ingay akala ko may ibang tao na nakapasok dito."

"Don't worry Mang Delfin, sorry kung nagising ka namin.  Napasarap lang kami....sa pagtampisaw sa tubig." nakangiting sabi niya kay Mang Delfin at tiningnan ang asawa na noo'y tahimik lang.

Humingi ulit ng pasensiya ang matanda at nagpaalam na sa kanila.  Bigla naman umahon ang babae, pipigilan pa sana niya ito pero mabilis na itong nakalayo.  Hinabol na lang niya ito ng tingin.  Tumigil pa siya ng ilang sandali sa pool.  Ng mapagod ay umahon na rin siya.

Nakahiga na siya sa sariling silid ay ayaw pa rin siya dalawin ng antok.  Bumalik sa ala-ala niya ang nangyari sa pool kanina.  Hanggang ngayon ramdam pa niya ang malambot na labi ng asawa.  Bigla siyang napabalikwas ng maramdaman ang nag-aalburutong "kaibigan" ika nga'y naka standing ovation na naman ito.  "Damn!" napamura tuloy siya.  Hindi rin niya maintindihan tuwing maiisip niya ang babae ay ang bilis ng reaksiyon ng kanyang "kaibigan".  Bumangon na lang siya at kinuha ang loptop. 

*************

Si Monique naman ay naiinis sa sarili.   Bakit ba sa tuwing lapitan siya nito ay lumalambot siya dito.  Sa munting hawak nito feeling niya matutunaw siya, di ba galit siya dito bakit ganoon di niya kayang makipag argumento dito.  Sa tuwing magsasalita ito para itong hari at siya naman ay parang dama nito na tango lang ng tango.  "Haaay....ewan nakakainis." inis na bulong niya sa sarili at itinakip ang unan sa mukha.

******************
Kinabukasan ay maagang nagising si Monique kaya naisipan niyang magluto ng almusal.  Pumunta na siya sa kusina tulog pa ang mga kasambahay.  Nagsangag siya ng kanin at at nagprito ng itlog at hotdog.   Gumawa din siya ng pancake para sa anak.  Kaya di niya namalayan na di na siya nag-iisa sa kusina.   Nagulat pa siya ng mapansin ang asawa na nakatitig sa kanya.

"Ummm....good morning." bati niya dito.  Nahihiya pa rin siya sa nangyari kagabi.  Hindi siya makatingin dito.

"Good morning din!" di ka na sana nag-abala pa andiyan naman sina Aling Rosa at Corrine."   At hinila na nito ang isang silya sa counter.

" Kuu... maliit na bagay lang naman to at isa pa maaga akong nagising." sagot niya sa lalaki at nilagay na sa isang bandehado ang sinangag.  "Gusto mo ng kape?" alok niya dito.

"Sure, thanks." at lumipat na ito sa lamesa at umupo.  Habang hinihintay siya nito ay kinuha nito ang cp at abala sa pagbabrowse doon.

Tinitigan naman niya ang lalaki.  Parang wala naman dito ang nangyari sa kanila kagabi ika nga'y nakalimutan na siguro nito.  Bakit ba siya lang ang apektado nakaka-inis. Bigla itong tumingin sa kanya huli na para bawiin niya ang tingin dito.  Ngumiti ito sa kanya.  Diyos ko ano ba naman yan para siyang teen ager na mangitian lang ng crush ay okey na.  Dahil sa inis sa sarili ay pabagsak na nailapag niya sa harapan nito ang kape. 

"Any problem? Are you okey?" nakakunot ang noo na tanong nito.

Nakayuko na humingi  siya ng paumanhin dito.  "S-sorry."  Pero sa isip niya gusto niyang bulyawan ito at sabihang ikaw ang problema ko bakit kasi ang guwapo mo? 
Sumenyas naman ito ng okey at pinatuloy ang pagbababrowse sa cellphone.  Nakasimangot na nagsandok siya ng sinangag at itlog at saka inilagay sa plato ng lalaki.  Hindi niya alam kung ito pa rin ang paborito nitong pagkain sa umaga kasi nga alam nyo na milyonaryo na kaya baka nagbago na ng taste.  Pero nagulat siya ng walang anuman na nilantakan na ito.  Ni hindi manlang siya inaya kaya umupo na rin siya at kumain na rin.  Tahimik sila pareho habang kumakain.

"Magandang umaga ho sir Aldrin, Monique." bati ni Aling Rosa sa kanila ng madatnan sila nito sa hapag kainan.  Nagulat pa ito.

"Magandang umaga din po Aling Rosa." magalang na bati niya sa matanda at tumayo na siya at dinala ang pinag-kainan sa lababo.

"Mauna na po ako aling Rosa." paalam niya sa matanda.  At tiningnan ang lalaki na noo'y busy ulit sa cellphone.  Hindi na siya nagpaalam dito.

"Thanks." pahabol naman na sigaw ni Aldrin ng palabas na siya ng dining room.  Nagkibit balikat lang siya at tuluyan ng lumabas.  Naiinis siya.  Siya lang ba ang hindi maka move on sa nangyari kagabi? Naisip niya kung hindi dumating si Mang Delfin hay siguro nagpadale na siya dito sa pool.  Dahil sa naisip ay lalo siya nainis sa sarili.

Itutuloy

A SECOND CHANCEWhere stories live. Discover now