CHAPTER 40

11.3K 145 4
                                    

Maagang nakarating si Monique sa tagpuan nila ni Mabel. Nagpasama kasi ang kaibigan na samahan niya ito sa pagpili ng mga give aways para sa kasal nito next month. Hindi niya alam na pati kasal ay may give aways na rin akala niya pag birthday or binyag lang meron. Hindi naman siya makatanggi sa kaibigan at isa pa okey lang din naman sa kanya kasi nga next week pa naman ang resume nila sa work at ang anak naman ay nasa mga biyenan. Nag ikot-ikot muna siya habang inaantay ang kaibigan. Ng biglang tumunog ang kanyang cellphone dali dali niya itong kinuha sa bag. At sinagot ang tawag ng makita ang pangalan ng kaibigan.

"Hello, asan ka na?"

"Dito na ako sa shop nik sorry matrapik kasi." sagot nito sa kabilang linya.

"Okey papunta na ako dyan." At ini off ang cp at binalik sa bag at mabilis na tinungo ang give aways shop na nasa loob ng isang mall.

"Nik." sigaw ni Mabel ng makita siya. "Sorry na trapik kasi ako." hingi ng paumanhin nito.

"Sus, okey lang maaga lang naman akong nakarating."

"Asan si Mark akala ko ba eh kasama mo." tanong nito ng mapansin na nag-iisa siya.

"Maagang sinundo ng tita, every weekend kasi Mark stay there sa mga lolo at lola niya. Alam mo na na miss din nila ang apo at isa pa matagal din na hindi nila alam na may apo kaya ayon bumabawi." paliwanag niya dito.

"Hmmm...akala ko kasama mo natutuwa kasi ako sa anak mo."

"Don't worry pwede ka naman magbisita sa bahay anytime magsabi ka lang at ipapasundo kita kay Mang Delfin."

"Yon tayo eh iba na talaga pag mayaman de driver na." biro nito sa kanya.

"Hey magtigil ka nga Mabel sabi ko lang yon at hindi ko driver si Mang Delfin no at si Aldrin lang ang mayaman." saway niya sa kaibigan.

"Biro lang ito naman seryoso agad, alam ko naman na kahit ano pa ang mangyari sa iyo mayaman or mahirap you are still you. Tama ba english ko nik?" natatawa na sagot nito sa kanya.

"Ako pa talaga ang tanungin alam mo naman na english baruk din to noh...hayaan mo na ang importante naintindihan ko yong sinabi mo."

Nagkatawanan silang magkaibigan sa kanyang sinabi.

"Tama, tara lets na will have to choose pa the give aways." paisa-isang english na sabi nito. Naiiling at natatawa na lang siya sa kaibigan. Basta ito talaga ang kasama no dull moment ika nga. Lagi kasi itong may baon na kakrung-krungan.

"Nik, what do you think about this one?" tanong nito sa kanya habang tinuturo ang isang babae at lalaking mini figurin na nakadamit pangkasal.

"Naka english mode ka yata ngayon." biro din niya dito.

"Nagpapraktis lang para pag makarating ako sa bahay ninyo eh hindi ako maubusan alam mo naman ang asawa at anak mo english speaking." nakalabing sagot nito sa kanya. Tinawanan lang niya ito at itinuon ang tingin sa tinurong figurin.

"Hmm...very common na yan bel maghanap pa tayo."

Hindi naman ito nagsalita at sumunod sa kanya. Ng may mapansin siya.

"Bel halika dito, ito kaya ano sa tingin mo, ang cute di ba?" turo niya kay mabel ng isang mini figurin na banka na may dalawang taong nagsasagwan.
"Hmmm...di ba kakaiba at nag sisimbolise din ng mag-asawa na kailangan magtulungan sa pagsagwan para hindi mataob ang banka or kailangang dalawang tao sa isang banka para sa balanse. Parang relationship kailangan magtulungan para mag success." mahabang litanya niya sa kaibigan.

"Hmmm.. hindi ko alam na pwedeng pwede ka pala maging marriage counselor Nik." biro nito. Kinurot niya ang kaibigan.

"Seryoso ako noh, kaso hindi ko alam kung tama ba ang ideolohiya na sinabi ko." nakatikwas ang nguso na sabi niya sa kaibigan.

A SECOND CHANCEDär berättelser lever. Upptäck nu