CHAPTER 29

5K 106 0
                                    

Habang nasa sasakyan ay hindi alam ni Aldrin ang sasabihin kay Monique.  Tahimik kasi ito.  Ang anak naman ay mahimbing ng natutulog dahil sa pagod.  Kanina ng malaman niyang magnobyo sina Mabel at Rodel ay may isang part sa kanya na masaya siya.  Akalain mong tuwing makikita niya ang lalaki ay di niya mapigilang magalit dito lalo pag lumalapit ito sa dating asawa.  Napabuntunghininga siya.  Lumingon naman si Monique sa kanya.

"Ahhmm..."sabay pa nilang bigkas.  Natawa silang pareho.

"Okey you go ahead may gusto ka bang sabihin." tanong niya sa babae.

"Ikaw muna ano ba yon?" tugon nito.

Sinulyapan niya ang babae at nagsimulang magpaliwanag dito.

"Sorry nga pala at hindi ko naihatid ang mga magulang mo sa airport. Nahiya nga ako sa kanila kasi nagsabi pa ako na ako ang maghahatid sa kanila at di ko nagawa buti nalang at naabutan ko pa sila kanina bago sila makasakay ng eroplano." 

Tumaas ang kilay niya sa narinig so ibig sabihin nandoon din ito sa airport kanina baka nagkasalisihan lang sila ng lalaki kaya hindi nila ito nakita.  Lumingon si Monique ng magsalita ulit si Aldrin.

"Nalaman ko naman kay Mang Delfin na nagpahatid ka nga raw sa mall pagkagaling sa airport dahil magkikita kayo ni Mabel kaya naisip ko na sundan kayo sa mall."

"Naku okey lang iyon andiyan naman si Mang Delfin at isa pa ayaw ko naman na abalahin ka pa."  sagot ni Monique sa lalaki.  Masaya siya sa nalaman na nag effort naman pala ito na makita ang mga magulang bago umuwi ng probinsiya.

"No from now on pwede mo akong abalahin kahit anong oras na gusto mo don't hesitate." matamang sabi niya dito. Hinawakan niya ang kamay ng babae na nasa kandungan nito.  Nakita pa niya ang gulat sa mga mata ng babae pero hindi nito binawi ang kamay. "I wan't you to be at ease when you are with me.  You can talk to me about whatever you wish to talk about." madamdaming sabi niya dito.  Ng mga oras na iyon feeling niya ay gusto niyang protektahan ito.  Gusto niyang malaman kung ano ang nasa loob nito.  Nitong mga huling araw ay hindi sila nag-uusap at napansin din niya na umiiwas ito sa kanya.  Hindi naman niya ito matanong or masita.  Pero ngayong alam niyang wala itong boyfriend he want to make an effort kung paano maamo ang dating asawa.

**********

"Ang daya mo talagang babae ka, akala ko ba magkaibigan tayo." may galit sa boses ni Mabel.

Gulat naman na napatingin si Monique sa kaibigan.  Nasa canteen silang dalawa dahil break time.  Tumaas ang kilay niya dito.

"Paano hindi mo naman nabanggit na si sir pala ang tatay ng anak mo." medyo hininaan pa nito ang boses para di sila marinig ng iba.

"Aba! akala ko ba okey na tayo kagabi." tumingin siya dito habang  iniinom ang inorder na juice.  Kasi kagabi wala itong binanggit na ano  man hindi nga ito nag-usisa at ang saya nga nito kagabi.  Akala niya naintindihan siya nito kung bakit niya nilihim ang tunay nilang relasyon ni Aldrin.  Pero ngayon ano kaya ang drama ng isang ito.  Kilala niya ito.  Pero ganoon pa man ay kailangan pa rin ng kaibigan ang kanyang paliwanag na dapat lang naman kasi nga isa itong tunay na kaibigan.

"Hindi lang kita masita kasi andoon si sir na ex mo pala baka pag pinagalitan kita eh sisantihin ako noon." taas ang kilay na sabi nito sa kanya. 

"Mabel....sorry na." seryosong sabi niya dito at hinawakan niya ito sa kamay at nagsimulang magpaliwanag. 

"Una wala akong balak na ilihim sa inyo ni Rodel ang koneksiyon namin ni Aldrin.  Matagal ko ng gustong sabihin sa sa iyo noong una palang kaso nawalan ako ng lakas ng loob ewan ko ba, pagkatapos nitong mga huling araw eh medyo magulo ang isip ko dahil alam mo na ang sitwasyon namin di ba?  Kaya nawala na rin talaga sa loob ko.  I am sorry...sorry talaga bel huwag ka ng magalit please." nilambingan pa niya ang boses ng banggitin ang salitang please.

Tiningnan siya nito at pagkapos ay tinapik nito ang kanyang kamay na nakahawak sa kamay niya.

"Hindi naman ako galit siguro tampo oo kahit sino naman kasi talagang magtatampo akalain mong halos araw araw eh magkasama tayo." malungkot na sabi nito.

"Ano bang dapat kung gawin para mawala yong tampo mo?"

Biglang umaliwalas ang mukha nito.  Binitiwan nito ang kamay niya at saka tumingin ng derecho sa kanya.

"Maging maid of honor sa kasal namin ni Rodel."  bulalas nito. 

"Ano? at kelan? akala ko ba eh wala pa kayong balak magpakasal at isa pa ilang buwan palang kayong mag boyfriend." siya naman ngayon ang nagulat sa sinabi ng kaibigan.  Dumukwang ito at may ibinulong sa kanya.  Nanlalaki ang mata na tumingin siya sa kaibigan hindi siya makapaniwala.

"Huwag kang magbiro ng ganyan Mabel?"

"Nope hindi ako nagbibiro, naalala mo ng gabing mag disco tayo pareho tayong nalasing ay naku ang mapagmahal kung boyfriend eh dinala ako sa motel, kaya ayon nagbunga." galit galitan pa ito.

"Kunwari ka pa galit-galitan diyan gusto mo naman." tukso niya dito. 

Ngumiti ito ng maluwang at saka may binulong ulit sa kanya.  Nanlaki ang nata niya dito.

"Mabel umayos ka nga umiral na naman yang kapilyahan mo." pinandilatan niya ito.

"Totoo naman kasi alam mo yon,  kung alam ko lang na ganoon pala kasarap ang luto ni Lord eh sana tumikim na ako noon pa man." hirit pa nito.

"Mabel...." saway niya dito.  Pero ngumiti lang ito sa kanya.  Uminom muna siya kasi parang nanunuyo ang lalamunan niya sa kabulgaran nito.

"So kelan ang kasal?" kapagkuwa'y tanong niya dito para maiba ang topic.

"Maybe next month hindi naman ako papayag na magmartsa na bundat noh!" biro pa nito.

Natawa siya sa sinabi nito.
"I am glad na ako ang napili mong maid of honor." sabi pa niya.

"Yup pero gusto ni Rodel na kunin si sir na best man kaso nahihiya kami pero ngayong siya pala ang dear husband mo ay pwedeng pwede." ngumiti pa ito ng nakaloloko sa kanya.  "Kaya mangyari lang iyan kung kausapin mo siya."

"Mabel, alam mo naman na hindi kami close at bakit siya pa meron naman sigurong friend si Rodel para maging best man." sabi niya dito. Paano kasi nahihiya siyang kakausapin ito eh ang lahat ng ayaw niya ay yong tanggihan siya paano kung tanggihan siya nito. Oo nga't feeling niya nagbago ang pakikitungo nito kagabi pero di pa rin siya sure.

"Siya kasi ang gusto ni Rodel."

"Si Rodel ba? oh ikaw ang may gusto? kilala niya ito.

"Ah basta alalahanin mong may tampo pa rin ako sa iyo." nakangusong banta nito sa kanya.

"Okey try kung kausapin pero pag tumanggi hindi ko kasalanan ha?" sabi na lang niya para matigil na ang kaibigan.

"Yes! thanks friend." at pumalakpak pa itong parang bata.

Natatawa at naiiling na lang siya sa reaksiyon nito.  Masaya siya para sa dalawang kaibigan.  May nararamdaman siyang kunting inggit sa kaibigan kasi buti pa ito mahal ng taong mahal pero siya hanggang kelan kaya siya aasa or may aasahan ba siya.  Oo nga parang ibang Aldrin ang kasama niya kagabi kaya ayon na naman siya "Asa" mood.  Nalungkot siya sa naisip.

"Nik okey ka lang?" medyo may pag-alala sa boses na tanong ni Mabel ng mapansin ang lungkot sa kanyang mga mata.

"O-oo naman, congrats nga pala sa nalalapit ninyong kasal, happy ako para sa inyo friend."  Tumayo siya at niyakap ang kaibigan.

"Thanks friend."

Itutuloy

A SECOND CHANCEWhere stories live. Discover now