CHAPTER 15

9.9K 174 1
                                    

Napasandal si Aldrin sa kanyang upuan at hinilot hilot ang noo.  He feels so tired tiningnan niya ang oras seven o'clock na siguradong may mga trabahador pa rin sa baba.  Kasi up to 9 pm ang overtime sa pabrika.  Siguradong nakauwi na ang asawa.  Mula kasi ng makasama niya ito at anak ay di na niya pinayagan na mag overtime.  Noong una nga ayaw pa nitong pumayag pero sa huli ay napapayag din niya.  Kasi sabi niya para may time ito sa anak.  Tinawag niya ang sekretarya.

"Yes sir?" sabi nito ng makapasok.

"Trixie have you done all the preparation for the meeting of my clients for tomorrow?" tanong niya sa sekretarya. 

Tumango ito.  "All done sir."

"Good, at yong file na pinasusumarise ko sayo tapos na ba?"  Tumango ulit ito.

"Ok put it on my desk tomorrow morning and you can go home now."  sabi niya sa sekretarya. Tumango ito at umalis na ng silid.  He collected some of his work and put it in his bag when he heard his cellphone ringing.
Tiningnan niya ang caller at nagulat siya ng mabasa ito. 

"Hello!" sagot niya.

"Hello!  honey?" nakaramdam siya ng excitement ng marinig ang malambing na boses ng babae sa kabilang linya.  "Can't wait to see you, miss you terribly." sabi ulit ng  nasa kabilang linya.

"Miss you too honey. Where are you? Are you still at work?" Sunod sunod na tanong niya sa kausap sa kabilang linya.

"Hmmm...I am here in the airport.  Can you pick me up?"

"What? Tammy don't make a joke like that."

"No, I am really here.  I wanted to surprise you."  narinig pa niya ang mahinhin na tawa nito sa kabilang linya.

"Are you really fucking serious?" Paniniguro niya dito.

"Yup...hurry up ok, can't wait to see you." Sabi nito sabay baba ng telepono.

Kinuha na niya ang kanyang gamit at nagmamadaling lumabas ng opisina.  Naabutan pa niya si Trixie na nag-aayos din.

"I will go ahead!" Sabi niya sa dalaga.  Hindi na niya inantay ang sagot nito at nagmamadali na niyang tinungo ang elevator.

Wala pang trenta minutos ay nasa airport na siya.  Nakita agad niya ang babae.  Kahit saan talaga ito magpunta ay  di maiwasang pagkaguluhan. Matiim niyang tinitigan ang magandang babae na noon ay busy sa pagpapapicture sa mga fans. Siya si Tamara  "Tammy" Ruiz isang international model.  Isa ito sa napakaraming Pilipina na mapalad na nabigyan ng break sa ibang bansa at nag-iisang anak ni Ramon Ruiz may-ari ng Ruiz Enterprises.  His girlfriend for three years now.  Nakilala niya ang babae sa isang pagtitipon na ginanap after ang show.  Mabait ito at hindi snob tulad ng ilang sikat at anak mayaman ika nga down to earth ang babae kaya nakagaanan niya agad ng loob.  After a few dates they will become an item.  Balak na sana niyang mag propose dito noong nasa States siya kaso di natuloy kasi nga kelangan niyang umuwi ng Pinas.  Balak niya dito sa Pinas mag propose pero biglang nagbago ang lahat ng makita niya ang dating asawa at ang anak.  Hindi nito alam ang tungkol sa anak niya.  Hindi rin niya maipagtapat dito tuwing magkausap sila sa telepono.  At least she knew about Monique.  Kumaway siya sa nobya ng mapatingin ito sa gawi niya.  Matamis na ngumiti ito sa kanya.  Magalang naman na nagpaalam ito sa mga fans at tinungo na nito ang sasakyan ng nobyo. Lumabas naman ng sasakyan si Aldrin upang salubungin ang nobya.  Sabik na niyakap niya ito.

"How I've missed you honey."

"I missed you more."

Binitawan na niya ang nobya ng mapansin na may kumukuha ng litrato sa kanila.  Ito ang ayaw na ayaw niya.  Alam niyang supermodel ang nobya pero hate niya yong  may kumukuha ng picture nila.  He hates showbiz. Napansin naman ito ng nobya kaya pumasok na ito ng sasakyan.  Pumasok na rin siya. At pinaandar na iyon palayo sa lugar.
Humilig si Tammy sa balikat ng nobyo habang nagdadrive naman ito.

"Alam ba ng daddy mo nandito ka?" tanong niya sa nobya.

"Nope."

"He will be worried if he watches the news, siguradong nasa news ka na ngayong gabi." sabi niya sa nobya.

Hindi nito pinansin ang sinabi niya bagkus may pagtatampong nagsalita  at hinarap siya nito.

"Hmmm...are you angry with me?"

"Of course not honey.  You know how much I miss you.  Maybe just a little tired."  At hinawakan niya ito sa kamay at dinala iyon sa kanyang dibdib.  Ngumiti naman ang nobya at humilig ulit ito sa balikat niya. 

"Can I stay at your place tonight?" malambing na tanong nito.

"How can you even ask me a question like that.  Of course you can.  It goes without saying." mabilis na sagot niya sa nobya at binilisan ang pagdadrive.

Ng nasa loob na sila ng elevator sa isang building sa Makati kung nasaan ang kanyang condo ay sabik na hinalikan niya ang nobya at gumanti naman ito sa kanya.  Bumitaw lang sila sa isa't isa ng bumukas ang elevator.  Ng makapasok sa loob ng condo ay pinupog ulit niya ng halik ang nobya at giniya ito sa kanyang silid.

***************

"Mark matulog na tayo." yaya niya sa anak.  Nasa entertainment room sila.  Sumasakit na ang kanyang mata sa panonood at isa pa inaantok na siya may pasok pa siya bukas.

"No, mama I will wait for Daddy." sagot nito at ibinalik ang tingin sa pinapanood.  Tiningnan niya ang oras alas nueve na ng gabi.  Yong mga magulang niya ay kanina pa nagpapahinga kasi medyo tumaas ang presyon ng ama.  Lumabas siya ng room.  Nakita niya si Aling Rosa na busy sa paglilinis ng kusina.

"Aling Rosa magpahinga na po kayo." magalang na utos niya sa matanda.

"Kuuu....matatapos na rin ako at isa pa hindi rin ako makatulog at wala pa si Corrine." sagot ni Aling Rosa.

"Huu....akala ko ho ba eh hanggang alas sais lang yong pasok ni Corrine?"

"Nagpaalam birthday daw kasi ng isang kaklase."

"Ahh...ganoon po ba! sige po patutulugin ko na rin si Mark.  Ayaw matulog inaantay ang ama."

"May pupuntahan yata kasi pinauwi si Delfin ng maaga,  hindi ba tumawag sayo?" may pag-alala rin sa boses ng matanda.

"Hindi po, pero huwag po kayong mag-alala at tatawagan ko po." Tumango lang ang matanda.

Binalikan niya ang anak at ini off na ang monitor.

"Ma! I still want to watch." maktol pa nito sa ina.

"Nope, come matulog na tayo hindi maganda sa bata ang magpuyat."  Hindi na ito tumanggi at sumunod naman.  Inihiga na niya ito sa kama ng magsalita ulit ito.

"Ma, I want to talk to Daddy."

"Ok, wait I will call him."  Pero huwag ka kanina pa niya gustong tawagan ito kaso nag-aalinlangan siya baka sabihin eh minomonitor niya ito.  Pero ngayon may reason na siya para tawagan ito.  Dinayal na niya ang number nito.  Nagring naman kaso ring lang ng ring.  Nainis siya ang hudyo saan kaya ito at bakit di sinasagot ang tawag niya.  Dinayal niya ulit ang phone sa wakas ay sumagot ito.

"HELLO?" I'm busy." At binabaan na siya ng phone.  Nainis siya.  Wow talaga ganoon lang.  Ano kaya pinagkaabalahan nito sa ganitong oras.  Bumaling na siya sa anak.

"Sorry baby we will sleep na ok? Daddy is still busy.  He can't talk right now."  paliwanang niya sa anak.

"No! I want my Daddy." umiyak na ito.  Lalo siyang nainis sa dating asawa.  Paano kasi mula ng tumira sila dito ay nasanay na ang anak na ito lagi ang katabi bago matulog.  Haay naku naman.  Ayaw pa naman niya na umiiyak ang anak.

"Mark tahan na okey? Maya-maya lang andito na si Daddy.  Gusto mo ba basahan kita ng story or kakanta na lang si mama?" pag-aalo niya sa anak.  Tumahan naman ito at biglang nagsalita.

"Ok mama, I will not cry na basta please don't sing."

Nagulat siya sa sinabi ng anak.  Talaga lang naman.

"At bakit ayaw mo ba kumanta si mama lagi naman kitang kinakantahan noon ah."

"Hmmm.....masakit po kasi sa tenga mama." nangingiting sagot nito sa kanya.

"Gannon? halika ka nga ditong bata ka." Kunwari ay galit na sabi niya.  Ng makalapit dito ay  kiniliti niya ito.  Napatawa naman ito.  Ng makitang okey na ang mood ng anak ay tumigil na siya at pinupog ito ng halik.

Itutuloy

A SECOND CHANCEWhere stories live. Discover now