CHAPTER 34

9.7K 165 5
                                    

Excited si Monique habang tinatahak ang elevator papunta sa opisina ng asawa.  Yes, asawa dahil mula ng may mangyari sa hotel isang linggo na ang nakalipas ay naging iba na ang kanilang sitwasyon.  Nagulat na lang siya ng pag-uwi nila galing sa hotel ay nandoon na ang lahat ng gamit niya sa silid ng lalaki.  Naalala pa niya ang pamumula ng kanyang mukha dahil sa nararamdamang hiya ng sabihin ni Aldrin kina Aling Rosa at Mang Delfin na magsasama na sila bilang mag-asawa.  Dahil baka sabihin eh dalawang linggo palang na wala ang mga magulang niya eh bumigay na siya.  Hindi siya makatingin ng derecho sa mga mata ng dalawang matanda pero kahit walang sinasabi ang dalawang matanda ay batid niya na masaya ang mga ito para sa kanila.  Ang anak naman ay hindi nila kinausap sa kanilang sitwasyon kasi nga bata pa naman ito.  Wala pa itong muwang sa tunay na nangyayari.  Pero laking gulat nila ng magtanong ang anak isang gabi ng makita na doon siya natulog sa silid ng ama nito.

"Daddy, why is mommy here?" takang tanong ng anak ng makita siyang nasa loob ng silid ng ama.

"Oh, Ahm....." hindi alam ni Aldrin ang sasabihin sa anak.  Para itong high school boy na nahuli ng teacher kasama ang crush.  Tumingin ang anak sa kanya.

"Mama?"

"Ah, eh ganito kasi yon anak.  Mama and I are husband and wife so tama lang na magkasama kami sa iisang silid." paliwanag ng ama nito.

"Eh, bakit ganoon...bakit ngayon lang po.  Why is it that when we came here Mama and you were not in the same room?" inosenteng tanong nito sa ama.  Pinaglipat-lipat pa nito ang tingin sa kanilang dalawa.

"Eh, kasi...." tumingin sa kanya ang asawa na parang humihingi ng saklolo.  Nangingiti naman siya hindi niya akalain na ang kaharap niya ay isang CEO ng isang multi million dollar factory at pagkatapos ay feeling off- guard sa tanong ng isang six years old.

"Mark, tama na yang katatanong mo.  Halika ka nga dito." saway niya sa anak.  Tumalima naman ang anak at tumabi sa ina.  Kinuha nito ang cp ng ina at nag umpisa ng maglaro.  Nakalimutan na ang tanong sa ama. Tiningnan niya ang lalaki na noon ay parang nabunutan ng tinik.  Ng gabing iyon ay magkasama silang tatlo na natulog sa iisang kama.  Kasi ayaw umalis ng anak gusto makatabi sila nito.

Nangingiti siya sa sarili ng maalala ang anak.  Para talaga itong matanda.  Ng makarating sa opisina ay wala na ang sekretarya ng asawa.   Mabuti naman sa loob-loob niya.  Kumatok siya.

"Come in." narinig niya ang boses ng lalaki sa loob.  Pinihit niya ang seradura.  Laking gulat niya ng salubungin siya ng yakap at halik ng lalaki.  Bigla niyang tinulak ang asawa at dali-dali na sinara ang pinto.

"Nakakaasar ka talaga paano kung may makakita sa atin." inis na sabi niya dito.  Pero hindi siya nito pinansin bagkus ay hinalikan siya ulit nito.

"I miss you babe." malambing na sabi nito sa kanya habang binibigyan siya nito ng maliliit na halik sa punong tenga hanggang sa leeg.  Nakiliti siya sa ginawa nito.

"A-aldrin, ano ba magkasama lang tayo kanina." saway niya dito.  Pero parang walang narinig ang lalaki.  Patuloy ito sa ginagawa.  Hanggang ang isa nitong kamay ay malaya ng sumasakop sa isa niyang dibdib.  Hindi niya napansin kung paano nito nagawang tanggalin ang hook ng kanyang bra.  Nag-umpisa ng lumambot ang kanyang mga tuhod.  At pag ganito na kaagresibo ang asawa ay wala na siyang magawa kundi sumunod dito at isa pa she wanted him as well.  Mula ng magsama sila ay araw araw siya nitong pinuputakti, siya naman ay willing victim kaya okey lang.  Sino ba naman ang ayaw pag ang asawa mo ay very irrisistible kinilig siya sa naisip.

"Can't get enough of you babe.  I always wanted you.  You make me horny all the time." bulong nito  na noon ay busy sa pagtatanggal ng kanyang damit.  Ng matanggal ang saplot niya ay mabilis din itong naghubad at pagkatapos ay inihiga siya nito sa sofa na andoon.  Wala na silang pakialam kung saan silang lugar.

Ng matapos ang silakbo ng damdamin ay pareho silang pawisan.  Ni walang umimik sa kanila.  Kinabig siya ng asawa at hinalikan sa noo.  Mga ilang minuto din na sa ganoong sitwasyon sila ng tumayo na siya at isa isang pinulot ang damit at isinuot iyon.  Ang lalaki naman ay hindi tuminag sa kinauupuan habang sinusundan siya nito ng tingin.  Ng anyong isusuot na niya ang kanyang pantalon ay bigla siya nitong hinila paupo dito. 

"Aldrin!" nanlalaki ang matang napatili siya hindi sa gulat kundi sa matigas na bagay na tumusok sa kanyang puwitan.  Ng makabawi ay umayos siya at anyo ng tatayo pero hindi siya pinayagan ng lalaki.  Mahina siya nitong tinulak patalikod dito at naramdaman niyang binaba ulit nito ang kanyang underwear na kakasuot lang.  Naramdaman niya ang pamumula ng pisngi ng rumehistro sa isipan ang gustong gawin ng asawa.  Aldrin will take her from behind.

"A-aldrin.....anong ginagawa mo." tanong niya pero nag-aapoy na naman ang kanyang pakiramdam. 

"I want you again babe...." bulong nito at kinuha siya sa ganoong posisyon.  Hindi niya mapigilan ang ungol na lumabas sa kanyang mga labi ng maramdaman ang sensasyon sa loob ng kanyang katawan.  Binilisan pa lalo nito ang pag-araro sa kanya ng maramdamang malapit na siya sa sukdulan. Pareho silang napahiyaw ng maramdaman niya ang pagsabog ng init nito sa kanyang katawan.  Nanlalambot na napadapa siya sa sofa.  Maya-maya pa ay niyakap siya ng asawa at hinalikan sa mga labi, gumanti siya ng yakap dito.  Hindi alintana ang pawisang katawan.

Nagawa pa rin nilang kumain ng tanghalian.  Buti na lang nagawa na nitong umorder ng pagkain bago pa siya umakyat sa office nito.

"Huwag mo akong tingnan ng ganyan." saway ng lalaki sa kanya habang sumusubo ng pagkain. 

"Bakit?" kumurap siya.  At tumingin ulit siya sa asawa na noon ay nangingiti ng pilyo. 

"Umayos ka nga....." saway niya dito at kinagat ang kanyang pang ibabang labi.  Anyong hihilahin siya ulit nito ng biglang mag ring ang bell.  "Tingnan mo tuloy late na ako, naku lagot ako sa supervisor ko nito." natataranta siya hindi niya alam kung tatayo ba at iwan na ito.  Pinigilan siya ng asawa ng mapansin ang pagkataranta niya.

"Relax,  I will call your supervisor."

"No! What I mean is ayaw kung gumawa ng eksena baka sabihin may favoritism dito sa pabrika mo."  Dali-dali na niyang tinapos ang pagkain at nagpaalam sa asawa.  Wala namang nagawa ang asawa kundi hayaan siya. 

"See you tonight." sabi nito sa kanya ng nasa tapat na siya ng pintuan. Tumango siya dito at anyong bubuksan na ang pintuan ng bigla iyon bumukas ng kusa at bumungad si Tammy.  Pareho pa silang nabigla.  Pero ito ang unang nakabawi.

"Hello Monique, Monique right?" inulit pa nito ang kanyang pangalan parang tinitiyak kung tama nga.

"Oh, hi!" bati din niya dito.

"Tammy, what brings you here?" bakas ang gulat sa boses ni Aldrin.  Bumaling dito ang dalaga at bigla nitong hinalikan sa labi ang lalaki.  Hindi na nakaiwas ang lalaki.  Nakita pa niya ng tingnan siya ng asawa na humihingi ng  pang-unawa.  Mabilis siyang tumalikod sa dalawa at lumabas na ng opisina.  Nakaramdam siya ng pinong kurot sa dibdib ng halikan nito ang asawa.  Alam niya hindi dapat na masaktan siya.  Hindi ba dapat si Tammy ang makaramdam ng galit dahil siya ang nang-agaw sa boyfriend nito bakit ngayon siya pa yata ang nagagalit or baka hindi pa nagawang makipagbreak ng asawa sa nobya.  Iwinaksi niya ang nararamdaman kailangan magtiwala siya sa asawa. Hindi tuloy niya napansin ang gulat at nanghihinalang tingin ng sekretarya ng dumaan siya sa desk nito.  Ng makarating siya sa kanilang departamento ay nakatikim siya ng salita sa kanilang supervisor pero hindi na niya ito pinansin ang nanaig sa kanya ay ang sakit na kanyang nararamdaman.  Hindi niya mapigil ang sariling mag-isip kung ano ang ginagawa ng dalawa sa opisina nito.  Ginawa din kaya nito ang ginawa nila ng asawa kanina.  Kumunot ang kanyang noo.  Hindi niya mapigil ang sakit na lumukob sa kanya dahil sa naiisip.  Hmmmm.....baka naman wala namang ginagawa ang asawa niya bakit ba siya nag-iisip ng masama dito.  Sari-saring emosyon ang kanyang nararamdaman.

"Monique nakikinig ka ba sa akin?" pinitik pa ng kanyang supervisor ang mga daliri nito sa harapan niya.  Bigla naman siyang natauhan dahil sa ginawa nito. 

"S-sorry po ma'am."

"Ok next time walang late pagkatapos ng lunch break." maowtoridad na sabi nito sa kanya.  Tumango siya sa kanyang supervisor at umalis na sa harap nito.  Matamlay na bumalik siya sa kanyang puwesto.  Namimis niya si Mabel absent kasi ito kaya wala tuloy siyang makausap. 

Itutuloy

A SECOND CHANCEWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu