CHAPTER 5

12.4K 283 3
                                    

Kinabukasan ay pumasok pa rin siya sa trabaho.  Di na niya nakita pa ang lalaki kaya tahimik ang araw niya. 

Makalipas ang isang linggo ay hindi naman nagparamdam ang lalaki.  Isang beses lang niya itong nakita ng bumaba. 

Bago mag uwian ay nakatanggap siya ng mensahe mula dito.  Nataranta naman siya paano nito nalaman ang number niya,

"Ano bang klaseng tanong yan monique, of course amo mo siya kaya alam ang contact mo." sagot din niya sa sariling tanong.  Kinakabahan pa siya ng basahin ang message nito.

"Kailan mo ipakilala yong anak ko? oh gusto mo ba ako na ang susundo sa anak ko?" bungad agad ng mensahe nito.  Lalo siyang kinabahan.  Paano, anong isasagot niya dito.  Ng tumunog ulit ang kanyang cp.  Another message mula sa lalaki.

"I will give you two days, if not i will fetch my son alone!" 

Ayaw niyang mangyari iyon , mabibigla ang anak niya pag nagkataon at pati na rin yong mga magulang niya.

"Give me one week please," sagot niya sa message nito.  Hindi na ito sumagot.  Kaya inakala niya na pumayag na ito. 

Ng makauwi ay tumawag siya sa kanila.  Nabigla pa ang ina ng sabihin niya na nagkita at gusto ng dating asawa na makita ang anak.  Noong una ay nagalit ang ina pero ang ama ay sinabi na karapatan naman ng anak niya na makilala ang ama nito.  Lagi niya kasing sinasabi na ang ama ay nasa ibang bansa kaya malayo sa kanila.

Kinabukasan ay nag file siya ng vacation leave sa trabaho at pinayagan naman siya.

"Nik bakit napaaga yata ang bakasyon mo? Oktobre palang ah uuwi ka na? tanong nito.  Tuwing December kasi ang uwi niya sa probinsiya.

"Oo bel biglaan kasi ang tawag ni tatay at saka miss ko na rin ang anak ko." pagsisinungaling niya sa kaibigan.  Di na niya sinabi dito ang totoong dahilan kung bakit napaaga ang bakasyon niya.

"Kunsanbagay, maigi nga iyan, at ang hirap din pag umuwi ng December maraming pasahero, so kelan ang alis mo?

"In two days time."

Tumango lang ito.

"Haay mamimiss mo si Mr. pogi, nik?"

"Sinong Mr. Pogi?"

"Sino pa ba di si Sir Aldrin." tawa nito.

"Ikaw talaga Mabel hanggang ngayon ba naman  kala ko naka get over ka na don?."

" Hay naku Monique ikaw lang yata ang alam ko na andito sa pabrika na alang crush kay sir, di mo ba alam na halos lahat ng dalaga dito ay pinapangarap siya, kaso ang balita ko hindi na raw ito single." nalungkot pa ito sa huling sinabi.

"Siyempre sabi mo nga pogi at mayaman di tatagal yon ng single lang alam mo naman ang mga lalaki ngayon." pabalewalang sagot niya sa kaibigan.  Pero sa loob loob nasaktan siya ng malamang may girlfriend na ito.

"Korek ka diyan nik, pero wag ka pwede pa naman girlfriend lang naman di pa asawa kaya may pag asa pa tayo, kung iyon ngang asawa na naghihiwalay pa yon pa kayang nobya lang." huli na para bawiin pa ang sinabi nito.

"No offense nik."  agad na dugtong pa nito sa sinabi.

"Ano ka ba naman bel okey lang sabi ko naman sa iyo matagal na iyon naka move on na ako."  tugon niya dito.

"Kuu siya na naka move on ka na eh bakit ayaw mo bigyan ng pansin si Rodel matagal na siyang nanliligaw sa iyo? walang ano ano na sabi nito.

"Hey bakit nasali si Rodel sa usapan?

"Naawa lang kasi ako don sa tao."

"Naawa lang ba o mahal?" panghuhuli niya dito.

Bigla naman ito namula sa sinabi niya.

"Nik ano ka ba? siyempre naawa ako don kasi kaibigan ko yon eh." dispensa nito sa sarili.

"Uyyy si aleng maganda nag ba blush." tukso pa niya dito.

"Nik naman eh!"

"Aminin mo na kasi."

"Ewan ko sayo, di kita bati." parang batang sabi nito.  Na lalo niyang kinatuwa.  Minsan talaga ang sarap nitong asarin.

Itutuloy

************
Sorry guys...napaiksi itong chapter bawi na lang po ako sa sunod na chapter.  Enjoy reading.  Please don't forget to vote and comment.

Thank you.  God bless!

A SECOND CHANCEWo Geschichten leben. Entdecke jetzt