CHAPTER 14

10.1K 170 0
                                    

Napahawak siya sa sariling ulo ng magising, umiikot pa rin ang tingin niya at feeling uhaw na uhaw.  Bumangon siya at nanghihinang tinungo ang banyo at nag shower.  Napasinghap siya ng lumapat ang malamig na tubig sa katawan. Pagkatapos mag shower ay medyo gumaan ang pakiramdam niya.  Ng makapagbihis ay tiningnan niya ang oras  alas onse na ng tanghali.  Siguradong gising na ang anak nangako pa naman siya na samahan ito sa park para mag bisekleta. Napamura siya at dali dali ng bumaba nasalubong niya ng ina.

"Oh buti at gising ka na, kuu ikaw talagang bata ka sabi ko sayo kagabi huwag magpagabi ng uwi at uwi ba ng matinong babae ang alas tres ng madaling araw, at lasing na lasing at di ka pa uuwi kung di ka sinundo ng asawa mo!" sermon ng ina sa kanya.

"H-ho si Aldrin po sinundo ako paano?" naguguluhang tanong niya sa ina.

"Kuu...ang pobreng asawa mo ay di mapakali ng malalim na ang gabi at di ka pa umuuwi lalo at di mo sinasagot ang tawag niya buti at naalala ko ang lugar kung saan kayo ng kaibigan mo. Pinag-alala mo kaming bata ka." galit pa rin na sabi ng ina.

Tama ba ang narinig niya concerned sa kanya ang asawa? Whee? di nga.  Nawala ang nararamdaman niyang inis sa lalaki.  Nainis kasi siya sa ginawa ng lalaki sa canteen noong isang araw.

"Nakikinig ka ba sa akin Monique?"
Niyakap niya ang ina at humingi ng paumanhin.  "Sorry po, di na po mauulit."

"Talagang hindi, may anak ka na at asawa di akma ang kinikilos mo."  Tumahimik na lang siya.  Anak oo, pero asawa di siya sure di nga niya alam kung ano itong sitwasyon nilang  dalawa.  Minsan mabait minsan naman ang sungit at di ba sabi pa nga nito 'He did this because of thier son.'

Bigla naman huminahon si Aling Baby.  "Kumain ka na at alam kung kumakalam na yang sikmura mo."
Napangiti siya sa ina at hinalikan ito sa pisngi.
"Salamat po....ahh inay asan nga po pala si Mark?" tanong niya sa ina ng maalala ang anak.

"Ayon sinamahan ng ama na mag besekleta sa park.  Kanina ka pa ginigising ayaw mo magising tinanong ng ama kung bakit sabi mo daw samahan mo siya sa park ngayon."  Natutop niya ang sariling noo.  Hihingi na lang siya ng paumanhin sa anak pag-uwi nito.

Pagkatapos kumain ay tinungo na niya ang kuwarto naalala niyang tawagan si Mabel o si Rodel.  Wala siyang maalala kung anong nangyari kagabi.  Kinuha niya ang cp sa bag pero lowbat.  She took her charger and charge the phone.  Ng marinig niya ang boses ng anak sa baba ay mabilis siyang bumaba.

"Ma!" Nakita niya ang masaya at excited na anak.  Lumuhod siya sa tapat nito at hinalikan ito.  "Sorry baby mama had a little headache babawi ako sa susunod ok?"  hinging paumanhin niya dito.  Lumingon siya sa dating asawa na noon ay nakatutok ang tingin sa kanilang mag- ina.  Gwapong gwapo ito sa suot na t-shirt at sweat pants.  Hmm...kahit naman anong isuot nito gwapo pa rin ito.  Bigla naman siyang natauhan ng magsalita ito.

"Next time don't make promises that you cannot keep." patungkol nito sa kanya at pagkatapos ay binalingan ang anak. "Mark go upstairs and have a bath kanina ka pa pawisan." utos nito sa anak at tinawag si Corrine para tulungan ang anak. 

"It's ok Corrine ako na bahala kay Mark." sabi niya sa dalaga na noon ay patungo na sa kanila.

"No..let Corrine help him and you, we need to talked." madilim ang mukha na sabi nito sa kanya.

"Is daddy angry?" bumulong sa kanya ang anak.  Ilang buwan pa lang silang nakatira  magkasama ang ama nito pero matatas na mag english si Mark nahawa na rin sa ama na english speaking.  Bata nga naman mabilis matuto.  Pero siya haay english baruk pa rin.

"Mark come here." yaya ni Corrine sa anak. Bumulong ulit ang anak sa kanya. "Goodluck ma." at tumakbo na ito papunta kay Corrine.  Natigagal naman siya sa sinabi ni Mark.  Inaasar ba siya ng anak.  Haay... minsan talaga parang hindi ito five years old kung umasta.  Tumayo siya mula sa pagkakaluhod at hinarap ang gwapong lalaki ay este ang galit na lalaki.

"Ano naman ang pag-uusapan natin.  Kung tungkol sa pagsama mo kay Mark sa park, thanks." Nakatikwas ang ngusong sabi niya sa lalaki. Hindi niya pinansin ang galit sa mukha nito. At tinalikuran na ito kasi kung tatagal pa siya sa harap nito baka hilahin na niya ito 't halikan ang gwapo kasi talaga nito lalo at namumula pa ang pisngi gawa ng init sa labas.  Medyo nanginig pa ang kanyang kalamnan sa naisip. 

"Not so fast lady." At hinila siya nito bigla.  Dahil nabigla nawalan siya ng panimbang at pareho silang nabuwal.  Maagap naman ang lalaki at imbes na sa sahig ang bagsak niya ay sa matipunong katawan siya nito humantong.  Napapikit siya ng maamoy ang suwabeng amoy nito.

"Ay Dios mio! anong ginagawa ninyong dalawa diyan? Gulat na tanong ng kanyang ina ng madatnan sila sa di kaaya-ayang sitwasyon.

Nagulat silang pareho ng marinig ang boses ng kanyang ina.  Bigla siyang bumitaw sa lalaki at matuwid na tumayo at humarap sa ina.

"Ho? Kasi po inay eh." hindi niya alam ang sasabihin.

"Aksidente po inay nawalan po kasi ako ng panimbang at akmang tutulungan naman ako ni Monique ng mahila ko siya kaya bumagsak siya sa harap ko, sorry po." Napakamot pa sa batok na paliwanag ni Aldrin.

"Ahh...ganoon ba akala ko eh kung ano na." walang anuman na sabi ng matanda. "Eh, si Mark bay umakyat na?" Pareho silang napatango sa matanda.  Iniwan na sila nito at umakyat na sa taas.  Nagkatinginan silang dalawa.  Bigla niyang binawi ang tingin sa lalaki at sumunod na sa ina.  Paakyat na siya sa hagdan ng magsalita ito.

"Next time don't get drunk in the company of others because everytime you get drunk you do stupid things!"

Tumigil siya sa pag akyat at nilingon ang lalaki pero nakatalikod na ito papuntang kusina.  Ano kaya ang ibig sabihin ng kumag na ito may ginawa ba siyang mali kagabi? Ay ewan wala siyang maalala last time na naalala niya ay nagsasayaw sila ni Mabel at inakay na sila ni Rodel paalis ng dance floor at pagkatapos noon wala na siyang maalala blanko na as in blank.  Ipinilig niya ang ulo at tuluyang umakyat tatawagan na lang niya ang kaibigan.

Ng buksan niya ang cp ay maraming messages ang pumasok galing kay Mabel at Rodel nag -alala ang mga ito.   Pagkatapos sagutin ang mensahe ng kaibigan at sabihing okey at safe naman siyang naka-uwi ay lumabas na siya ng kanyang silid at tinungo ang silid ng anak.

Itutuloy

A SECOND CHANCEWhere stories live. Discover now