Missing Persons

Magsimula sa umpisa
                                    

"Let's just say I already managed to get information as to what happened yesterday,"

Nagkatinginan kami nila Jecko at Ron. Mukhang kanina pa sila naguusap dito.

"Rose and her cohorts are being investigated for their actions. Rose's expulsion is in the works and her friends are currently suspended while we get more information on how involved they are."

Medyo nakahinga ako ng maluwag knowing na wala na yung friends niyang humarang sa akin sa CR kahapon pero ngayon ko na lang din ulit naalala na hindi mag-isa si Rose sa ginawa niya. Sa pag-aalala ko kay Louisse at Alec hindi ko na masyado naisip yung iba pang mga pangyayari.

"Considering how traumatic it must have been for all of you, we have decided to excuse you from your classes for the rest of the week. Your professors are already informed. And kung need niyo ng counseling, we have guidance officers that can assist you."

"Kasama po ba sa excused si Alec?" Pagbabakasakaling tanong ko.

Napatingin silang lahat sa akin, hindi inaasahan yung tanong ko.

"Was Alec involved?"

"Siya dahilan kung bakit ako tinarget ni Rose. Obsessed kay Alec yung babaeng yun. If anything, she was as much of a target by Rose as I was."

"Alam niyo ba kung pumasok ng classes niya si Alec?" Tanong ni Leone.

Umiling si ma'am Grace.

"Wala pa ulit nakakakita sa kanya." Sagot ni Ed.

Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin na ilabas muli yung cellphone ko para subukan siyang tawagan bago ako natigilan at naalalang ayaw nga pala niya ako kausapin.

Hinawakan ni Leone ang kamay ko at napatingin ako sa kanya. "Puntahan natin siya mamaya to check."

Wala na masyado sinabi sa amin si ma'am Grace. Pinaalalahanan niya na lang kami na mag-iingat palagi at kung need namin ng tulong ay available ang services ng school para sa amin. Binigyan niya kami ng calling card para pwede namin siya direktang makausap kung kailangan namin. Pagkatapos noon ay nagpaalam na rin kami at umalis ng office.

Habang naglalakad kami sa courtyard ay pinagtitinginan pa rin kami ng mga tao.

"Puntahan ba natin bahay ni Louisse mamaya?" Tanong ni Ron habang naglalakad kami.

"Di ko alam kung magandang ideya yan pero hindi rin naman natin alam kung saan tayo magsisimulang maghanap." Sagot ni Leone.

Napatigil si Leone nang tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya ang caller ID at sinabing ang band manager nila ito. Pinalibutan namin siya para marinig yung tawag. Tinanggap ni Leone ang tawag at iniloud speaker.

"Hi boss, anong balita?"

"May nagbalita sa akin na dinalang Russia si Louisse kaninang madaling araw. For treatment daw."

Nagkatinginan kaming lahat.

"May sinabi ba kung kailan ang balik niya?"

"Wala akong narinig. Pero sabi nila stable si Louisse. Nilabas lang daw talaga ng bansa para malayo sa issue."

"Pano tayo nito?" Tanong ni Ed.

"Need natin magkita para mapagusapan ng maayos kung anong susunod na gagawin natin. Nagtatanong na din yung label kung anong plano natin." Sagot naman nung manager.

"Tara sa bahay, boss. Inform ko si mommy na may meeting tayo. Invite mo na lang kung sino pa need natin makausap para isang meeting na lang." Suhestiyon ni Leone. Napatingin siya sa wristwatch niya. "Kaya ba ng 2PM?"

Polar OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon