"May nag-patay ng cellphone niya,"

Pumikit si Leone at tumingin paitaas. Frustrated siyang umungol. "I'm worried for her. I want to see her."

"I'm sure she's fine. Hindi hahaayan ni Mrs. Zhukova na mapahamak si Louisse. Baka nilipat lang sa mas magandang ospital?" Hinawakan ko siya sa braso.

"I wonder if I should call tita myself?"

"Is that a good idea?"

Natawa si Leone at umiling. "Obviously not. She hates me with a passion."

"Let's go to school na lang muna. Baka may balita sila Jecko."

Tumango si Leone at sabay na kaming umalis ng ospital. Tahimik lang kaming dalawa sa byahe at nasa labas na kami ng school nang maalala ko yung mga pangyayari kahapon.

Balik sa normal ang mga estudyante na tila walang barilang naganap sa may gates. Hindi kaagad kami lumabas ng kotse ni Leone. Pareho kaming natigilan, naaalala yung nangyari kay Louisse. Pero hindi rin naman kami pwedeng manatili na lang sa kotse kung gusto naming makausap sila Jecko at pumasok sa mga klase namin.

Humarap sa akin si Leone. "Medyo nawala sa isip ko kung paano magrereact ang mga tao pag nagpakita tayo sa school. Gusto mo bang tanungin ko muna sila Jecko kung dinumog sila kanina?"

"Sa tingin mo ba dudumugin nila tayo?"

"Not really, but the stares. I know you have always been uncomfortable pag tinititigan ka nila."

Huminga akong malalim. "Kung hindi tayo magpapakita ngayon, bukas pag pumasok tayo for sure tititigan pa rin nila tayo. We'll just delay the inevitable pag ganon."

"Then let's go when you're ready."

Huminga akong malalim at tumango. Binuksan ni Leone yung pinto at lumabas na kami.

Katulad ng inaasahan namin, sabay sabay na napatingin sa amin ang mga tao. Nagbulungan sila at may ilan pang nagawang ituro kami na tila hayop kami sa zoo na andito para katuwaan nila.

"Hold on to me," inalok sa akin ni Leone yung braso niya. Hinawakan ko siya at sabay na kaming naglakad papasok.

Habang naglalakad, tumingin na lang ako sa paahan namin, hinahayaan si Leone na maglead.

"Anong oras class mo?" Tanong niya.

"May 30 minutes pa ako. Pwede natin puntahan muna sila Jecko."

Kinuha ni Leone yung cellphone niya at tiningnan ang text na nareceive niya. "Nasa discipline office daw sila, pinapapunta din daw tayo dun."

"Bakit daw?"

"Walang sinabi pero baka dahil sa nangyari kahapon?"

Medyo bumilis ang lakad ni Leone kaya't nagmadali na rin ako. Nang makarating kami sa discipline office, agad kaming sinalubong ni Ed.

"Kumusta kayo?"

"Okay lang," sagot ni Leone para sa aming dalawa. "Bakit daw tayo pinapatawag?"

May lumabas ng isa pang kwarto at nanlaki ang mga mata niya nang makita ako.

"Ms. Jaranilla, I'm glad to see you're okay." Si ma'am Grace, ang discipline officer na nag-assist sa amin ni Alec noong pinapunta kami dito ni Ms. Perez.

"Hello po,"

"Pasok muna kayong lahat sa office. May ibabalita ako sa inyo."

Sumunod kami sa kanya sa kwarto at sa loob ay andun pala sila Jecko at Ron. Naupo kami sa tabi nila. Nang maka-settle kaming lahat ay humingang malalim si Ma'am Grace.

Polar OppositesWhere stories live. Discover now