13th: A Dying Wish

65 3 0
                                    

"When you look into your mother's eyes, you know that is the purest love you can find on this earth."

― Mitch Albom, For One More Day

Mabilis naka-rating sina Alona sa ospital. Sinundan lang nila si Jerome dahil ito ang mas nakakaalam kung saan ang kwartong tinutuluyan ng ina ni Clifford.

Bawat hakbang nila'y madadama ang bigat ng paligid. Masyadong malungkot ang pasilyong kanilang tinatahak. Malamig, nakababagabag.

Tumigil si Jerome sa harap ng isang pintuan. Sa malalim na pagbuntong hininga ng binata'y mabilis nalaman nina Alona na nasa kabilang parte lamang ng pader ang ina ni Clifford.

"Tara?" Untag ni Jerome na tinanguan nila.

Dahan-dahang binuksan nito ang pinto, papasok na dapat sina Alona ngunit naramdaman niyang tila natigilan si Elisha sa kaniyang tabi. Namumutla ito at nahihirapan gumalaw.

"Elisha?"

"Ayos ka lang?"

Nag-aalalang tanong nina Jerome at Alona. Tila nabalik naman sa reyalidad si Elisha at tumitig sa kanilang dalawa. "Ah o-oo, oo naman." Aniya at sumenyas na maunang pumasok si Jerome.

"Hi, may dala akong back-up." Saad ni Jerome nang makapasok sa loob. Napa-angat ang tingin ni Clifford na noo'y pinapanood lang ang monitor na naka-konekta sa ina.

Nang makapasok sina Alona sa loob ay agad niyang nakita ang ina ni Clifford na nakaratay sa hospital bed habang may kung anu-anong tubo ang naka-kabit dito.

"Pasok kayo." Mahinang saad ng binata at itinuro ang sofa sa sulok ng silid.

"Kumusta si Tita, pre?"

"Ganon pa rin." Maikling saad nito na hindi na nasundan pa.

Patuloy lamang ang mahinang usapan nina Jerome at Clifford habang nanatili sa komportableng katahimikan sina Alona at Elisha.

"Pahinga ka na lang muna dito, pre. Ako na lang susundo kay Camille." Ani Jerome.

"Camille? Yung bunso niyo Clifford?" Tanong ni Elisha na tinanguan naman ni Clifford bilang sagot.

"Sa bahay na kayo dumiretso, wag mo na papuntahin dito." Turan ni Clifford na sinang-ayunan ni Jerome.

"Ay, sama ako." Bulalas ni Elisha na ikinagulat naman ni Alona. Aba't plano yata siyang iwanan ng kaibigan dito.

"Sige, Alona okay ka lang bang dito?" Tanong ni Jerome sa kaniya.

Napaisip si Alona kung papayag ba siya. Ngunit kung pati siya'y umalis, maiiwan na namang mag-isa si Clifford habang nag-babantay sa ina.

"Oo, okay lang."

Nang makaalis ang dalawa ay lumipat si Alona sa kaninang inuupuan ni Jerome, kaharap si Clifford.

"How are you?" Kanina niya pa gustong itanong ito ngunit hindi niya mahanap ang boses.

Pakiramdam niya kasi ay parang halata naman na ang sagot sa tanong niya. Hindi ito maayos, pero gusto niya pa ring marinig ang isasagot nito sa kaniya.

Somebody To HealWhere stories live. Discover now