1st: Inception

405 12 2
                                    

"A story has no beginning or end: arbitrarily one chooses that moment of experience from which to look back or from which to look ahead."

-Graham Greene, The End of the Affair


"I already received the proposal for intramurals this year. They need all the student leaders members' signature for approval bago ipasa sa school coordinator." Ani Elisha saka ibinigay sa kaniya ang folder na naka-lapit ang proposal letter ng mga head ng iba't-ibang mga clubs sa Criston University.

Napa-hilot naman siya ng ulo nang mag-angat ng tingin sa kaibigang kasama sa kwarto ng mga student leaders. Miyembro siya ng mataas na organization sa Criston University kasama ang matalik na kaibigang si Elisha Concepción. Ang Student Leaders kung tawagin ng mga mag-aaral ng Criston University ay para ring Student Council ngunit walang mas nakatataas na posisyon, lahat ng mga myembro nito ay pantay-pantay.

"You can just put it there. I'll sign it later, may binabasa lang akong article dito." Saad ni Alona na tinanguan lamang ng kaibigan. "What's that about?" Tanong nito at tumabi sa kaniya para tumingin. "A case of bullying, may isa sa mga journalists ang gumawa ng article. From Grade 7 yung case ng bullying." Elisha let out a chuckle before talking.

"Bullying case in Grade 7? Kailan matatapos 'yan?" Naiiling na tanong ni Elisha na ikinatawa niya ng mahina. "Still, it's serious. Dapat walang case ng bullying ang school natin. And read this, the journalist stated that the student leaders are not doing anything." Nangunot naman ang noo ni Elisha bago binasa ang talatang itinuro niya.

"Seriously? Who's that journalist and what is Sierra doing with that? Hindi ba dapat siya ang umaasikaso niyan." Sierra Clarisse Gomez is their member from the Grade 7 level. Agad namang isinarado ni Alona ang folder ng article na binabasa bago sumandal sa upuan at nag-inat. "For sure Sierra's already doing something about this. Nakita ko lang 'to kanina sa Bulletin Board na naka-dikit. I also asked the other students and they said that article was overly exaggerated." Pagdadahilan ni Alona saka tumayo.

"We better go to class, let's just talk to Sierra later for an update about that." Aya niya sa kaibigan at tumayo para lumabas na ng kwartong kinaroroonan.

Agad namang sumunod sa kaniya si Elisha at nag-simula na silang mag-kwentuhan patungkol sa kanilang mga plano at gusto gawin para sa araw na iyon.

While walking, they could notice people stealing glances on them. Sanay na siya, bilang miyembro ng Student Leaders at bunsong anak ng isa sa kilalang pamilya, ang pamilyang Tolentino, it's quite safe to say she's one of the popular girls in her university. Hindi lang naman siya ang mayaman sa unibersidad, for sure marami sila dahil isa ang Criston University sa mga paaralang para sa kanilang mayayaman pero dahil iba ang kasikatan niya, napapa-tingin sa kaniya ang mga kamag-aral.

Alona Tolentino is the perfect example of an ideal popular girl. Beautiful and smart. She's not a brat but she also admits that she could have an attitude at times. Hindi naman siya perpekto ngunit ginagawa niya lahat upang maging mabuting modelo para sa mga nakakikita sa kaniya.

Nang maka-pasok sila sa loob ng silid-aralan, ang iilan sa mga kaklase na lamang nila ang wala sa loob. For sure those students are just roaming around the halls of the university. Ang ilan ay pumupunta sa mga classroom ng mga kaibigan nito at ang ilan ay siguro'y kumakain.

On their way to their designated seats, some of her classmates greeted them while others didn't bother to glance which is pretty much normal inside a classroom. This is what she wanted in her class, her classmates treated them equally but also with respect when it comes to them being a student leader.

Agad umupo si Alona sa upuan niya at labis nilang ikinadismaya na hindi sila mag-katabi ni Elisha. Hindi naman ito ganoon kalayo sa kaniya pero hindi nga lang ganoon kasapat para makapag-usap sila kung gustuhin man nila.

Nag-desisyon na lamang siyang mag-basa ng notebook niya para tingnan kung may mga takdang-aralin siyang hindi nasagutan. Naka-hinga siya ng maluwag nang makitang wala naman siyang makalimutan. Naisip niyang pumunta sa upuan ni Elisha para makipag-kwentuhan ngunit nakita niyang may ibang kausap na ito kaya't hindi niya itinuloy.

"Excuse me." Napa-lingon siya sa malamig na boses ng naging dating sa tabi niya.

It's Clifford Serafino, standing on her side with his bored eyes.

Napansin niya namang naka-harang ang paa niya sa daanan nito kaya't agad siyang umayos ng upo. Tahimik na dumaan ito sa harap niya at umupo sa bakanteng upuan sa kaniyang kaliwa.

Mukhang kadarating lang nito dahil dala pa nito ang bag. "Good morning." Bati niya dito ngunit tumango lang ito sa kaniya at hindi na siya tinapunan ng tingin.

Sanay na siyang ganito ang binata, walang pakialam sa mundo. Buti nga at hindi siya masyadong iniignora nito, medyo lang, kagaya ngayon na tinanguan lang siya nito kahit sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay lagi niya itong binabati. Other people has received a much worse cold shoulder than him. Siguro din kaya siya medyo pinapansin nito ay dahil magka-tabi sila, wala itong magagawa kundi pakisamahan siya na lihim niyang ikinatutuwa.

Clifford is not really bad for a seatmate in her opinion. Hindi naman ito ganoon kasungit, sadyang wala lang ito laging ganang makipag-usap sa iba. Kahit gaano pa kasungit at ka-unapproachable nito para sa iba ay hindi rin biro ang bilang ng nga kababaihang humahanga dito. Kaya't mas gugustuhin ni Alona ang katahimikan nito dahil ayaw niya ng maingay.

Mukha rin namang walang problema si Clifford na maka-tabi siya. Wala naman itong pakialam kung siya ang maka-tabi nito.

Napa-lingon si Alona sa mga kaklaseng nag-datingan dahil nasa likod na ng mga ito ang guro nila para sa unang asignatura.

Agad namang umayos ng sarili si Alona para makapag-focus sa pag-sisimula ng klase.

Her day just started.

~•~

Mari's Note: What do you think about the revised first chapter? Comment kayo kung anong masasabi niyo tungkol dito. Thank youuu!!

Ginawa ko na siyang third person's point of view kasi mas komportable akong mag-sulat kapag ganoon. I hope it's not really an issue.

Still hoping to hear from all of you.
Remember, Maxelle Gwendolyn loves you!

ขอบคุณสำหรับการอ่าน! <3

Somebody To HealDonde viven las historias. Descúbrelo ahora