8th: You've Got a Friend

84 6 9
                                    

"The truth is, everyone is going to hurt you. You just got to find the ones worth suffering for."

—Bob Marley

Siguro nga totoo. Baka nga lahat talaga ay karapat-dapat iligtas. Lahat naman talaga mahalaga.

Pero bakit bumilis ang tibok ng puso ni Alona nang marinig na sabihin 'yon sa kaniya ni Clifford? Ang taong ni minsan ay hindi niya naisip na hindi magdadalawang isip na iligtas siya.

Kahit anong gawin niyang pag-alis sa isipan ng mga sinabi nito'y parang sirang radyo itong paulit-ulit sa isipan niya. At ang mga magagandang mata nitong walang emosyong naka-tingin sa kaniya, bakit pakiramdam niya'y nakita niya ang sinseridad na mabilis dumaan sa mga mata nito.

"Nababaliw ka na talaga Alona." Sambit niya habang naka-tingin sa repleksyon niya sa salamin. Nasa banyo siya matapos umalis ng guro nila bago mag-break.

Kitang-kita niya ang pamumula ng pisngi at dama niya ang hindi maipaliwanag na kasiyahan nang mapag-tantong kahit papaano'y mahalaga pala siya. Nakakatawa.

"Alona? Okay ka lang ba?" Rinig niya ang boses ni Elisha na pumasok sa loob ng banyo. Naabutan siya nitong naka-tulala sa salamin.

"Bakit?" Tanong nito. Napa-iling si Alona at hinilamusan ang mukha gamit ang tubig, baka sakaling mawala na ang pag-iinit nito.

"Wala." Aniya nang matapos. Agad naman siyang inabutan ni Elisha ng tissue, palaging girl's scout ang kaibigan niya. "Thanks." Sambit niya.

"Tara, kain na tayo." Aya ni Elisha sa kaniya. Tumango siya bilang pagsang-ayon at sumunod sa kaibigan.

Nang maka-hanap sila ng table na uupuan, si Alona na ang naunang umupo doon para bantayan at si Elisha ang bumili ng pagkain para sa kanilang dalawa. Palagi naman.

Nag-tataka siya kung bakit parang punung-puno ngayon ang cafeteria nila, dati naman ay karamihan sa mga estudyante ay hindi na lumalabas para doon kumain.

"Bakit ang daming tao?" Tanong niya nang makabalik si Elisha. Napa-tingin din sa paligid ang kaibigan niya at tila may biglang na-alala.

"May bagong rule tayo ngayon, bawal nang kumain sa loob ng classroom. Inannounce lang ng teacher natin kanina after mong lumabas. May research daw na nagaganap. Pansamantala lang naman 'to." Paliwanag ni Elisha. Napa-tango na lamang si Alona at nag-simulang kumain.

"Uy Alona, Elisha!" Napa-lingon sila parehas ng marinig ang pamilyar na boses ng tumawag sa kanila.

"Jerome, ikaw pala." Kaswal na bati ni Elisha. Napa-tingin lang si Alona kay Jerome at sa kasama nitong si Clifford.

"Wala na kaming makitang bakanteng table, pwedeng maki-share." Tanong ni Jerome habang naka-tingin sa kanilang dalawa. "Uhm." Napa-tingin si Elisha sa kaniya na tila hinihintay ang sasabihin niya.

Napaiwas na lang siya ng tingin nang makitang mataman ding naka-tingin sa kaniya si Clifford. Mabagal siyang tumango habang naka-pako ang tingin sa kaniyang pagkain. "Sige." Bulong niya na hindi niya sigurado kung may naka-rinig.

Somebody To HealDove le storie prendono vita. Scoprilo ora